AE 10

1.7K 49 6
                                    

Chapter 10

Iginiya ako ni Adam patungong sasakyan n'ya. He put his duffel bag on the backseat before he turned to me.

"Here," wika n'ya at inilahad sa akin ang isang bond paper.

"Thanks," I answered as I accepted it.

Maliwanag sa pwesto namin dahil sa street light kaya nang binuklat ko ang bond paper, malinaw kong nakita ang drawing n'ya.

Bricks was right. He's good. Magaling siyang magdrawing. Malinis ang pagkakaguhit at pino ang bawat detalye. Namangha ako at kita iyon sa aking expression. I heard Adam's chuckle.

"What can you say?" he asked. "Speechless..." he teased.

I looked at him and gave him a thumbs up. "Pwede na," wika ko.

No. Okay na okay na pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Mamaya magyabang na naman s'ya!

"Uuwi ka na?" tanong n'ya matapos namin manahimik na dalawa.

"Yeah!" sagot ko at tumingala sa kanya. "So—"

"Hindi mo ako ililibre?" he cut me off.

I stared at him and he stared back. Nanatili kaming gano'n hanggang sa nagtaas ako ng kilay at umangat naman ang gilid ng kanyang labi.

"Okay," wika ko at pinutol na ang titigan naming dalawa.

"Okay?" ulit niya.

"I'll treat you!" simpleng sagot ko.

Nagulat s'ya sa biglaang pagpayag ko ngunit agad din sumibol muli ang ngisi sa gilid ng kanyang labi.

We decided to go to Rodic's Diner. Iyong malapit lang dito sa Epsilon Chi Center.

Nakahinga ako ng maluwang nang makitang kakaunti ang tao. Parang magnet na mabilis na dumikit ang mga mata ng mga estudyanteng naabutan namin doon. I smiled at them when my eyes met their eyes.

Adam immediately sat down on the vacant seat near the door. Sumunod ako sa kanya at mabilis na inilagay ang dalang paper bag sa uupuan kong silya sa harap niya. Tumingin ako sa counter bago muling tumingin kay Adam.

"Order mo?" I asked him.

He mimicked what I did. Lumingon s'ya sa may counter bago lumingon sa akin.

"Ako na ang o-order," aniya at tumayo.

Tumaas ang isang kilay ko nang muli siyang tingnan. "Wala akong tiwala sa 'yo," wika ko at ngumisi.

Mukhang na gets naman n'ya agad ang sinabi ko. Wala akong tiwala sa kanya kapag siya ang um-order. Sigurado akong s'ya ang magbabayad noon kaya sisingilin na naman n'ya 'ko sa susunod. He chuckled and shook his head.

"Ikaw o-order, ako ang magbabayad," paglilinaw ko.

He didn't say anything. He just turned his back against me kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Agad kaming nginitian ni Ate'ng tindera nang makita n'ya kami. Adam greeted her while I just smiled..

"May bago ka ng kasama? Girlfriend mo na?" Ate asked innocently to Adamson.

Bahagya akong nagulat pero agad ko rin narinig ang sagot ni Adamson.

"Not yet," he smirked.

My eyes distend a bit and nudged him. I looked at Adam, at pinanlakihan s'ya ng mata. Tatawa-tawa lang naman n'ya 'kong tiningnan. When I turn to Ate, I immediately shook my head and waved my hands.

"Ate h'wag ka po maniwala dyan. Fake news 'yan!" sabay turo ko kay Adam.

Umiling ang katabi ko. "Maniwala ka sa 'kin, Ate!" paninigurado nito.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon