AE 17

1.6K 47 0
                                    

Chapter 17

"Faith!" it was Adam's voice from the other line.

"What? Hindi mo ako maloloko Adamson," inunahan ko na s'ya.

"I'm not joking!" he said.

"Well, its April fools," kibit balikat ko kahit hindi naman n'ya kita.

"I'm serious, Faith!" he said in a stern voice.

"I am, too!" sagot ko. "Anyway... Iyon lang ba ang sasabihin mo? Matutulog na 'ko. Bye!" dire-diretso ang salita ko. Hindi na s'ya binigyan ng pagkakataon na sumagot at agad na pinatay ang tawag.

Pabagsak kong nailapag ang cellphone sa aking tabi. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso ngunit unti-unti na itong nagiging kalmado. I sighed heavily and closed my eyes. I leaned my back on the backrest of this couch to relax myself. Pakiramdam ko'y saka pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Damn Adam!

Ano bang pinagsasasabi n'ya.

I almost jumped on my seat when my phone rang again. My heart started to beat so fast when I saw who it was.

S'ya ulit.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

My phone was still ringing. Hindi ko pa kinukuha dahil nagdadalawang-isip pa kung sasagutin iyon.

"GF!"

This time, I jumped on my seat a little when I heard Daniella's voice. I held my chest to relax it. Pakiramdam ko'y aatakihin na 'ko sa puso. I took a deep breath before I glared at my bestfriend.

"Bakit ba?" kabado ngunit may pagtataray pa rin na tanong ko.

"Anong bakit? Kanina pa tumutunog 'yan phone mo," her forehead rumpled. "Wala kang balak sagutin?" she said with sarcasm.

I just shrugged at her.

"Sino ba 'yan?" she asked again with curious eyes. She even craned her neck as if she would see it. E nasa kama naman siya.

"Wala!" wika ko at muling sinulyapan ang cellphone kong saktong tumigil ang tunog.

Nang gabing iyon, hindi maganda ang tulog ko. Panay ang gising ko at mulat ng mata sa tuwing lalalim ang tulog. Nakailang paikot-ikot na 'ko sa kama to the point na nagising ko pa si GF dahil sa likot ko. Nakatulog din naman s'ya agad samantalang ako'y mulat na mulat at wala atang balak na dalawin ng antok.

Inis akong bumangon ng kama. I checked the time on my phone and it's already 2:35 AM. I decided to go downstairs to drink milk.

Umiinom ako ng gatas nang muling marinig sa isip ko ang boses ni Adam.

I like you and I want to court you.

I'm serious, Faith!

Mariin akong napapikit at mabilis na naibaba ang baso na may laman gatas sa counter.

Shit.

Gusto ko ng matulog. Gusto ko ng makalimutan ang sinabi n'ya. Pero tangina... kanina ko pa pinipilit pero mas lalo kong naiisip at naririnig.

This is all your fault Adamson!

Bakit pa kasi sinabi n'ya 'yon? Alam kong hindi ko dapat iyon seryosohin dahil malaki ang chance na nagbibiro lang s'ya. After all... yesterday was April Fools. But here I am, drinking milk at 2:43 AM, hoping that I could finally sleep.

Puyat ako kinaumagahan. Hindi alam kung anong oras ba dinalaw ng antok.

"GF! Anong oras na male-late na tayo," it was Daniella in a loud voice, forcing me to get up out of bed

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now