AE 51

1.1K 30 9
                                    

Chapter 51

"Sorry." I whispered bitterly to myself, repeating the word he said.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Napabuga ng hangin at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa narinig.

Unti-unting bumagsak ang aking balikat kasabay ng pamumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Sorry.

Kinagat ko ang ibabang labi habang inaamo ang sarili.

Tumango tango ako at muling ibinalik ang paningin sa kanya. Unang kita ko pa lang sa kanyang mga mata, parang bula na nawala ang pag-asang mayroon ako kanina.

He was standing not too far from me. Eyes on the floor while biting his lower lip.

"So it's a yes?"

Wala sa sariling nasabi ko.

"Faith." His dark brown eyes lifted on me. It was filled with guilt, coax and pain. And it's hurting me more seeing him like this.

"Then for what?" tanong ko para sa sagot niya. "For fooling me? For kissing her? For cheating on me?" I asked firmly even inside, my heart breaking into pieces.

Ang sakit na nakikita ko siya ngayon. Ang sakit dahil hindi ko inaasahan na darating kami sa puntong ‘to.

"Sorry for what?!" halos isigaw ko iyon ngunit sa huli, nanghina ang boses ko pati ang tuhod na sumusuporta sa matatag kong pagtayo.

Nangatog ang aking dalawang tuhod subalit hindi ko iyon pinahalata. Ayokong magmukhang nasasaktan at mahina sa harap niya ngayon. Inayos ko ang tayo at seryoso siyang tiningnan.

When he heard the tone of my voice, he moved forward but I immediately put my hand in front of him, saying that he should stop walking towards me.

Matalim at matatag ang tingin ko sa kanyang mga mata. Bumuntong hininga siya at marahan na tumango, agad na tumigil sa balak na paglapit sa akin. He then bit his lower lip before he spoke.

"Sorry for this…" namungay ang mata niya at tila sinasaksak ang puso ko habang tinitingnan siya at nakikinig sa mga sasabihin pa niya.

"Sorry for not telling you. Sorry for..." humina ang boses niya. "Sorry for hurting you," kumislap ang kayang mga mata sa pinagsamang pagsisisi at pagmamakaawa. 

Pumikit ako ng mariin at tuluyang nanghina. Ang sakit. Ang sakit sakit sa pakiramdam kasi alam kong totoo na 'to. Totoo 'yong kiss. Totoo 'yong video. Hindi ako nananaginip o nag i-imagine lang. Narito talaga siya sa harap ko. At alam kong masasaktan ako sa kung anuman ang susunod na lalabas sa kanyang bibig.

"But let's talk, first..." he said in a hopeful voice.

Mabilis akong napamulat at mangha siyang tiningnan.

"Talk?" I said without humor, slowly losing my patience. "Ngayon mo lang balak makipag usap sa akin kung kailan nahuli ka?! Kung kailan alam na ng lahat maliban sa akin!"

I couldn't contain anymore. Nag aalab ang puso ko sa sakit at hinanakit. Nanlisik ang mata ko habang sinasabi iyon.

"Sabe mo di ba..." nagsimulang tumaas ang tono ng boses ko. "Ikaw na mismo iyong nagsabi. Pinaulit ulit ko pa sa 'yo that no matter what, we are not going to keep any secret between us!"

Tumaas baba ang dibdib ko sa inis. Mariin ang bawat bigkas ng salita dahil pilit kong kinakalma ang sarili kahit sobrang sakit na.

"I was about to—"

"Inintindi kita!" I pointed him harshly. "Tinanggap ko lahat but in return, this is what you're doing behind my back. Nagpapakasaya kasama ng ibang babae!"

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now