AE 46

1.2K 32 10
                                    

Chapter 46

Mas lalo kong nakagat ang labi habang kinokontrol ang saya at kilig na nararamdaman. I remembered the poem I wrote to him exactly one year ago today, on his birthday. The day I said 'yes' to him. And now... on our anniversary, I wasn't expecting that he would also use a poem to greet me.

Para bang may mainit at magaan na kamay ang humahaplos sa puso ko dahilan para matunaw ang tampong nararamdaman kay Adamson. I immediately got my phone out, inside my bag and dialed Adam's number as my heart started to beat violently inside my chest in excitement.

Bumuntong hininga ako nang ilang beses ko iyong di-nay-al pero walang sumasagot. I put my phone down the table as I looked at GF.

"Ayaw?" she asked while holding the card. Pagkatapos kong basahin ay siya naman ang nagbasa noon.

Matamlay akong tumango ngunit agad ding binago ang mood.

"Hayaan ko na muna. Baka busy 'yon. Maybe nagwowork out bago matulog," wika ko at nag send na lang ng picture at mensahe sa kanya.

I also decided to post on my IG the bouquet that Adam gave to me. I even tagged him. Nang mag tanghalian, I decided to buy a lunch for everyone. Treat ko sa mga nagtatrabaho sa GF Cosmetics para naman kahit paano, makapag celebrate ako. Sa office rin ako tumambay at inabala ang sarili sa mga dapat asikasuhin at isang meeting hanggang mag-ala sais ng gabi.

Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko sa table.

"Are you done?"

Mabilis akong napatigil at agad ang naging pagtunghay nang marinig ang boses na iyon. Para akong nakakita nang multo sa naging reaction nang mapatingin sa pinto ng office ko. Halos tumalon ang puso ko habang nakatulalang nakatingin sa taong nakasandal sa pinto, magkakrus ang braso habang nakangiti na nakatingin sa akin ang kanyang malalim na mga mata.

Mabilis pa sa pag-andar ng kamay ng orasan ang naging pagbitaw ko sa anumang hawak at walang sabi-sabing naglakad patungo kay Adam. Natatakot na imahinasyon ko lang siya sa harapan ko ngayon.

"Adam?" I said in disbelief while walking as fast as I could towards him.

Nang marinig ko ang halakhak niya at makita ang brasong nakalahad, nag-aantay sa isang yakap, doon na ako patalon na yumakap sa kanya. I immediately wrapped my arms around his neck like a snake, reason why he chuckled more.

Mabilis ang pintig ng puso ko habang nakakulong sa mga bisig niya. I buried my face on his neck for few minutes while his hands were on my back. Agad na bumalot sa ilong ko ang natural niyang mabangong amoy at ang pabango niyang aventus creed cologne, bago tumunghay para matingnan siya.

"Sabi mo hindi ka uuwi?" wika ko habang unti-unting nangingilid ang luha sa mata. Naiiyak na narito na siya sa harapan ko ngayon.

"Akala ko rin!" ngisi niya na matagal kong hindi nasilayan sa personal.

I glared at him as I pouted. May ideya akong naisip.

"Plano mo 'to 'no?" akusa ko, medyo masama pa rin ang tingin sa kanya habang iniisip na pinagtripan niya ako. Napakalas tuloy ako sa yakap niya.

He chuckled and shook his head before he poked the tip of my nose. "I hope so!"

He smirked. May pagdududa pa rin ang tingin ko sa naging sagot niya ngunit unti-unti iyong nagbago. Matagal ko siyang tinitigan, hindi pa rin makapaniwalang narito na siya sa harapan ko ngayon. Malawak ang ngiti at hindi inaalis ang tingin sa akin dahilan para mas lalong magwala ang puso ko sa saya.

He chuckled again as he pulled me towards him. Isang mainit at mahigpit na yakap ulit ang bumalot sa akin. My lips automatically formed a sweet smile. Inihilig niya ang ulo ko sa kanyang dibdib at mas niyakap ako nang mas mahigpit.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now