AE 50

1.4K 36 23
                                    

Chapter 50

I didn't give him a chance to say anything. Umalis ako ng mabibigat ang mga paa habang naglalakad patungo sa kwartong nakalaan sa akin. My phone was ringing on the bed when I went in. I immediately answered the call and saw that it was my manager, Miss Rachelle.

“Ariadne,” bungad agad niya.

I composed myself before I spoke.

“Yes po?” I answered and sat down on the edge of the bed.

“I’m sorry but you need to go back here today. May kailangan kang gawin, it’s urgent… hija,” malungkot ang boses niya.

I sighed and nodded. Hindi na nagdalawang isip pa. “Sige po!”

Mas maayos na rin sigurong umalis muna ako kaysa magstay rito gayong hindi naman kami ayos ni Adam. We need to cool ourselves first before we talk dahil baka mas lalo lang lumala iyong awayan namin. Isa pa, hindi niya rin maintindihan ang gusto ko kaya mas mabuti na sigurong hindi muna kami mag-usap hanggang sa malinawan siya na gusto kong sumali sa Victoria Secret.

Wala rin naman siyang magagawa dahil hindi na rin niya ako mapipigilan.

“Faith!” He was the first one I saw when I opened the door. Kakatok ata kaya lang bumukas ang pinto kaya hindi na niya nagawa. Nasa ere pa ang kamao na gagamitin sana para pangkatok.

I just stared at him and did not say anything. He sighed heavily, didn't know how to start.

“I need to go!” I cut whatever he’s going to say.

Lumabas na rin ako ng kwarto na dala ang mga gamit ko dahil hindi naman iyon ganoon karami at hindi ko rin naman inalis ang mga iyon sa bag na pinaglalagyan ko.

“Wait!” pigil niya agad. I stopped to look at him. “Where are you going?” he asked with his brows furrowed.

“I need to go!” ulit ko.

“What? Is this because…”

“I have an appointment, I need to go!" medyo iritado ang boses ko. "Isa pa hindi ka pa rin naman kalmado kaya bakit pa tayo mag-uusap?” this time, ako naman ang nagkunot ng noo at medyo nagtaas pa ng kilay.

He looked down. “Faith, I'm sorry...”

“Kung hindi ka talaga sinsero at hindi mo naman ako totally naiintindihan, next time na lang kung kailan ayos ka na.”

"Faith!"

I closed my eyes and sighed heavily. Pinipilit na maging kalmado. "I need to go!"

Ayaw ko rin muna siyang makausap ngayon dahil nawalan na ako ng gana. Ang sakit isipin na nakaya niya akong tiisin sa mga nakalipas na buwan. Na buong akala ko ayos na sa kanya iyong pag-a-audition ko sa Victoria's Secret. Na naiintindihan na niya ako pero sa huli, hindi pa rin pala.

Ang excite na pakiramdam ko noong pumunta rito ay mapapalitan ng ganito. Aalis ng hindi kami ayos. Babalik ako ulit sa New York ng may hapdi sa puso.

Pahakbang na ulit ako nang mabilis niyang hawakan ang kaliwang braso para mapigilan.

"Faith, please..." halos makaawa niya.

Muli akong pumikit at bumuntong hininga, nanghina sa hawak niya. Kahit pala gaano ko sabihin na ayaw ko muna siyang makausap, sa simpleng hawak niya… sa paraan ng pagmamakaawa niya, hindi ko siya kayang nakikitang ganito.

Slowly, I faced him.

"Five minutes." Inunahan na niya ako.

I stared at him. Namumungay ang mga mata niya, umaasang pagbibigyan ko siya. Dinudurog ang puso ko habang tinitingnan ko siya ngayon. Nagtatalo ang puso't isip subalit sa huli, parehong nagkasundo para pagbigyan ang taong mahal.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon