AE 4

2.2K 75 19
                                    

Chapter 4

Nang makaalis si Erik, mabilis kong  binalingan si Adam.

"Date mo mukha mo!" mataray kong wika.

Tumawa na naman s'ya. Tuwang-tuwa talaga siya sa reaksyon ko. I secretly rolled my eyes.

"O-order ako. May gusto ka?" tanong ko, magkakrus na ang braso.

He looked at me. He bit his lower lip, hiding his smirk. "Ikaw."

Mabilis akong bumaling sa kanya. "Anong ako?" medyo lito kong tanong.

He licked his lips. "Ikaw. Ikaw ang gusto ko," mataman niyang sabi.

Titig na titig ang mata niya sa aking mata na para bang nakikita n'ya pati ang kaluluwa ko. Kumalabog ang puso ko sa gulat pero alam kong pinag titripan pa rin n'ya 'ko.

Ang landi!

I rolled my eyes and raised a brow. "Hindi available," sagot ko.

Muli akong tumingin sa kanya. Nakataas pa rin ang isang kilay at may ngisi sa labi. He was playing with his lips using his thumb. Pumangalumbaba siya sa lamesa at tumitig sa akin. Naiilang tuloy ako pero hindi nag-iwas ng tingin. Instead, I equalled his stare.

"Sige. Kung kailan magiging available saka ako o-order," ganti niya, nakangisi pa rin.

"Sorry. Hindi na raw magiging available e," kunwaring nalulungkot kong tugon.

"Bakit daw?" tila kuryoso niyang tanong.

"Mas'yado raw kasing mahal," inismiran ko s'ya.

"Baka sapat na ang ipon ko?" kunwaring nag-iisip niyang sagot.

"Hindi raw," umiling pa 'ko.

"Okay." Tumango s'ya at tinanggal ang pagkakapangalumbaba sa lamesa. Tinanggal n'ya rin ang tingin sa akin. Akala ko magpapatalo na but the devil leaned closer again to the table, eyes fixed on me and his lips, slowly forming a smirk.

"Pakisabi sa sarili mo, h'wag muna s'yang magiging available habang nag-iipon ako. Paki reserve na s'ya para sa 'kin," he sounded like he was threatening and ordering me. Kinilabutan tuloy ako lalo na nang ngumisi s'ya. My heart also pounded a bit faster.

Jusko pa-fall talaga 'tong lalaking 'to! Ekis ka na sa'kin ah! Bakit parang bumabalik?

Umirap ako kaya narinig ko na naman ang halakhak niya. Nakakainis! Alam kong pinagtitripan n'ya lang talaga ako pero nararamdaman kong namumula ang mukha ko.

"Ano? May gusto ka bang order-in o wala? O-order na 'ko," mataray kong wika para makawala sa kanya.

Umiling siya, seryoso na ang mukha. "Ako na ang o-order. What's yours?" he asked.

"Chocolate Frappe," mabilis kong sagot.

Tumango s'ya at walang sabi-sabi, mabilis na tumayo at naglakad patungong counter. Pinanood ko s'yang magtungo roon.

Ang tangkad n'ya lang talaga. Nanliliit 'yong ibang customer na o-order din. Iyong ibang nasa table, mukhang nagulat pa nang makita siya. I saw some of them giggled while looking at him.

Napangisi ako. Lakas ng appeal ah!

Well, totoo naman dahil kahit nakatalikod, lalaking-lalaki kung tumayo. I cannot blame why many girls adore him. Aside that his good in court, he's a model too. At sa pagkakaalam ko, magaling daw 'yan sa math kaya nag engineer.

E'di s'ya na!

Sabi noong iba, naririnig ko lang lalo na kay GF at Bricks. Mabait naman daw 'yan at gentleman. Di nga?! Namimis-understood lang daw ng iba especially ng mga hindi nakakakilala talaga sa kanya because of his features and aura, I guess.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon