XXXIX. Time's Up

242 28 5
                                    

Kabanata 39

3rd Person's Pov

Year 2080, 7 hours before Christmas

Sumasabay sa ihip ng hangin ang unti-unting paglubog ng araw. Nangunguna sa sigla ng hapon ang ingay ng mga batang naglalaro ng patintero na nasa bakuran. Abot ang ingay sa isang terrace na tanaw ang buong bakuran ng pamilya Guevarra - Fernandez, kung saan matatanaw ang isang wheelchair. Nakaupo roon ang isang ginang na nakasuot ng kulay abong bestida, habang nasa ilalim ng mga nakasabit na mga christmas lights na nagsimula na ring umilaw.

"yoya?" (lola)Tawag ng isang maliit na boses na nanggaling sa papalapit na yabag.

Maingat na nilapag ng ginang ang binabasa nitong libro at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Mama!" "Yoya pretty!" Sabay na tawag ng mag ina na kakapasok lang sa terrace.

Sinalubong ng ngiti at yakap ng ginang ang dalawang pumasok, agad naman kumandong sa kanya ang batang babae na nasa dalawang taong gulang. Nakasuot ito ng T shirt na pula na pinatungan ng denim jumper, suot ng bata ang isang sombrero ni santa clause sa kanyang ulo.

"Jasmine! " saway ng ina ng bata, ngumuso ang bata at lalong yumakap sa ginang na ikinatawa naman ng nito.

"Hayaan mo na, anak," nakangiting sagot ng ginang.

Bumuntong hininga naman ang ina ng bata at naupo sa bench na nasa tabi ng wheelchair." Mama, pupunta kami ng grocery, may gusto ka pang ipabili?"

"alam mo na ang paborito ko, Joy," nakangiting sagot ng ginang habang tinitirintasan ang batang nasa kandungan nito.

"Yola pretty ta inyo po book tan?" Tanong ng bata habang hawak nito ang librong binabasa niya kanina.

"Yes, apo at si lola ang gumawa niya," magiliw na sagot ng ginang, naging masigla ang mata ng matanda dahil kahit na bulol pa ang apo nito ay hindi maawat ang bunganga.

" is that your book? yung sinulat niyo at sumikat nung panahon niyo, mama?" tanong ng kanyang anak habang nakatingin sa librong hawak ng bata. Napatingin din ang matanda sa libro na tinutukoy ng kanyang anak. Parang plakang naglaro sa kanyang isipan ang mga alaala nung kabataan niya, maging ang mga panahong kanyang isinulat ito.

" Yoya yoya pretty, tayo po gagawa books? Paato to tatawa yoya?"

Sabay na natawa ang dalawang babae sa sinabi ng bata.

"Jasmine, hindi si lola ang gumagawa ng mga books, yang laman ng book na yan si lola ang sumulat."

Tumango-tango naman ang bata na parang naiintindihan ang sinabi ng kanyang ina."ahh, ti yoya tatawa books."

"I think hindi ka niya na-gets," natatawang sabi ng ginang at pinangigilan ang apo." Ang cute cute mong bata ka!"

Natawa at umiling naman ang ina ng bata at kinuha ang libro sa anak, " Tanaw, isinulat ni Denise Guevarra, " basa nito sa front cover ng libro.

Pinalandas niya ang palad sa pabalat ng libro."Nung college ako, sikat pa rin 'to sa mga kaklase ko. Hindi pa rin nga ako makapaniwala, every reader na nakikita kong may copy nito, lagi kong nasasabing, si mama ang sumulat ng novel na yan!" Sabay na natawa ang dalawa at biglang natahimik, parehong dinadama ang simoy ng hangin ng Disyembre.

"Nagtataka lang ako mama..." sandaling napahinto ang babae, na parang iniisip kung paano magbibitaw ng mga katanungan. "Actually, matagal ko na gustong itanong, di'ba pangalan mo ang pangalan ng bida pero hindi naman pangalan ni papa yung lalaki kasi nga di'ba sabi mo that time na sinulat mo ito. Hindi pa kayo nag me-meet ni papa. Wala ka ba talagang kilalang Carlos or Ethan? " kunot-noong tanong nito.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon