XXXII. Patintero

286 16 2
                                    

 Kabanata 32

3rd person's pov

"Pablo Bukaneg po ang aking pangalan, iniutos po sa aking ng dating Alcalde Mayor na si Don Pablo Sanchez na aking sirain ang mga pananim ng mga insulares at peninsulares. Nais niyang unahin kong masira ang lupain ng pamilya Salazar. Kanyang kasabwat ang kapatid niyang si Don Antonio Candelaria. Ang isang hidwaan nilang magkapatid ay tanging pagpapanggap lamang. Ibig ni Don Lolong na simulan ang pag aalsa sa pamamagitan ng pananalanta ng mga pananim. Ang natagpuang armas sa pamamahay ng mga Candelaria ang magiging patunay sa lahat ng aking mga sinasabi."

Napapikit si Bagwis habang pauli-ulit niyang naririnig sa kanyang isip ang binitawang salita ng dati nilang hardinero at bantay sa gubat ng Candelaria. Dumagdag pa sa kanyang isip ang kanyang mahapding katawan dahil sa mga sugat na natatanggap niya sa pamamalo ni Tinyente Basco.

"Bagwis," agad niyang naimulat ang mata nang marinig ang mahinang pagtawag ng kanyang ama na nasa kabila lang din ng seldang kinalalagyan niya.

"Papà?"

"A-Anak, patawarin mo ako." hindi agad nakakakibo ang binata sa sinabi ng kanyang ama.

"masyado akong nabulag sa aking poot na nadarama sa aking kapatid. Ni hindi man lang pumasok sa aking isipan na marami pa tayong maari maging kalaban. Masyado akong naging kampante sa tahimik nating pamumuhay." Napahigpit ang kapit ni Bagwis sa rehas dahil sa pagtangis ng kanyang ama.

"Masyado ko itinuan ang aking poot na nadarama laban sa iyong tiyo, p-pasensya—"

"ama," putol niya sa sasabihin ng ama. "Naganap na, ang dapat na pagtuunan ng pansin sa ngayon ay kung paano natin ito malalagpasan at kung sino ang taksil sa samahan," sagot ni Bagwis at hindi napigilang maikuyom ang kamao.

"Aalisan ng karapatan sa kanilang mga ari-arian ang pamilya Candelaria, sila ay ipinagbabawal na sa bayan ng San Sebastian. Napatunayang taksil sa pamahalaang Espanya ang kanilang pamilya, sila ay ipapatapon sa isang isla. Kakalimutan at kung sino man ang marinig na banggitin ang kanilang ngalan ay mapapatawan ng karampatang parusa. Ituturing ang kanilang angkan bilang sumpa ng bayan."

"anak patawad. Patawarin mo ako anak."

Mariing napapikit ang binata habang pinapakinggan ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ng kanyang ama. At wala nang sasakit pa sa mga taong nagawa kang pagtaksilan sa kabila ng lahat ng utang na loob at tulong na nagawa mo para sa kanila.

"Silencio!" Saway ng isang guardiya sibil na rumuronda sa mga selda.

Iminulat ni Bagwis ang kanyang mata at sinaaman ng tingin ang guardiyang sumulpot sa harap niya.

"¿Tienes algún problema?'' (may problem ka?)

Nanatiling masama ang tingin ni Bagwis na lalong ikinagalit ng bantay kaya naman ay binuhusan nito ng tubig na nasa gilid lang ng labas ng selda. Walang nagawa ang binata kundi ang mapayuko at magpigil ng galit.

"Sa oras na makalabas ako sa aking kinasasadlakan, ikaw ang una kong hahanapin," Bulong ni Bagwis. Na hindi nakaligtas sa pandinig ng kanyang ama.

"Bagwis!" saway ni Don Antonio, napangiwi pa ang don dahil sa sugat nito sa tagiliran.

Napapailing na lamang ang guardiya dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ng binata.

"Estas loco," Naiiling na sagot ng guwardiya.(you're crazy)

Hindi napigilang mapatayo ni Bagwis sa sinabi ng guardiya, balak na sana niya itong sagutin at sugurin kahit na may rehas na nakaharang sa pagitan nila ngunit nang tingnan niya ito ay nakita niyang nakasalampak na ito sahig.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon