X. Sa Pamilihan

1K 55 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 10

Denise's Pov

Di ko napigilang mamangha sa nakita ko mula sa puwesto namin. Kitang-kita ang mga maliit na bahay at sa left side ay ang isang dagat, nasa right side ko naman ay halos mga palayan habang nasa ibaba ng kinatatayuan namin ang isang tent city.

"saan tayo dadaan pababa?" kung titingnan mo kasi mula sa pwesto namin ay dead end na, alangan naman na dumiretso kami sa bangin?

Nakangiting tinuro ni Bagwis ang isang daan paibaba, na panigurado pag umuulan ay madulas at didiretso ka paibaba kung hindi ka magdahanan-dahan.

Nang makababa kami nang ligtas at hindi gumulong gulong paibaba, dahil na rin inakay ako ni Bagwis kahit may bitbit itong basket. Mukhang sanay na sanay na itong bumababa sa mga ganitong daanan. Maraming mga tent at mga paninda pati na rin mga guwardiya na rumuronda. Para kaming nasa munting palengke pero nasa loob ng tent ang mga paninda.

"Kahit na itanggi mo binibini, naririnig ko ang reklamo ng iyong tiyan. Kaya ika'y kumuha ng iyong nais." sabi niya nang nasa na kami ng isang tindahan ng mga kakanin.

Naalala ko tuloy yung bibingkang dala ni Danica wala sa sariling napa-irap ako."Wala na bang iba? Bakit yan pa?"

"Binibini, Ayaw mo ba? Mayroon ding prutas sa kabila."

Umiling ako,"Hindi ako kumakain niyan kaya ikaw na ang mamili para sa akin." Si mama ang mahilig sa kakanin kaya napapakain na rin ako pag dinadalaw kami ni lola at lolo nung buhay pa ito. Kaya nang mamamatay si mama. Hindi na ulit ako kumain pa ng kakanin. Kaya ganun na lang ang inis ko kay Danica sa dinala niyang bibingka at ginamit pa na pang peace offering sa akin.

Inabot niya sa akin ang isang nakabalot sa dahon ng saging pagkabayad niya sa tindera saka nagpasalamat,"Heto binibini, subukan mong tikman."

Feeling ko ang mga kabataan sa panahon ko hindi na mahihilig sa kakanin, ang iba puro chocolates, cakes,donuts na lang ang alam kainin, gaya ko.

"Binibini, maiwan muna kita rito, may ktatagpuin lang ako sa tindera ng mga isda." May itinuro itong isang pwesto, pero masyado akong busy sa pagkain ng kakaning nasa dahon ng saging. Kaya hindi ko ito tiningnan.

"bakit hindi mo na lang ako isama?"

"Mas mabuti na nandito ka muna upang makakain ka nang maayos pagkatapos naman ay babalikan kita dito," Bilin niya. Wala sa sarili akong tumango at ngumiti.

Sinundan ko ang paalis na si Bagwis. Bago ko tinapunan nang masamang tingin si Kachichay na nasa basket.

"hindi ba sinabi ko naman sayo na hindi maniniwala sa akin 'yon." Inis na bulong ko kay Kachichay. Pero hindi ako nito pinansin dahil busy ito sa pag ngatngat ng petchay.

Napatingin pa ako sa tindera ng kakanin na nasa likod ko, mabuti na lang at busy rin ito sa pag ayos ng kanyang mga paninda. Baka kasi narinig ako at isiping nababaliw na ako."Kachichay- " natigilan ako ng makitang wala si kachichay sa basket.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon