I. Art of Words

4K 114 21
                                    

Year, 2020

Denise's Pov

"There is no world without Verona walls, But purgatory, torture, hell itself. Hence-banished is banished from the world, And world's exile is death....."

Ilang beses akong kumurap pagkatapos kong basahin ang isang phrase na nakaukit sa isang plaque na katabi ng isang statue. Sinabi ni Romeo ang quote na 'to sa isang scene ng kwentong Romeo and Juliet.

Well, isa ang kwentong Romeo and Juliet sa example kung paano maglaro ang pagkakataon-– ang tadhana.

Yes, it is fiction; they're purely fictional. You can create everything in fiction, whether it's possible or impossible. But where do you often draw inspiration to create fiction? In reality, right ?

Ano nga ba ang pinagkaiba sa tadhana ng reality at tadhana ng fiction? Walang nakakasiguro. Basta ang alam ko, pareho silang mapaglaro.

Nang makapasok ako sa Casa di Giulietta, agad na napunta ang tingin ko sa isang balcony na ang pangalan ay Juliet's Balcony. May magkasintahan doon na nagpapakuha ng picture. Gaya ko, isa rin sila sa mga turista rito sa Verona, Italy.

Isa ako sa mga nagluluksang fan ng Romeo and Juliet. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naaalala ko ang kwento ay nasasaktan ako. Grade five ako pa nga ako nung una kong mabasa pero heto't nasa age na ng mga kinakasal heartbroken pa rin ako sa kwento 'yon.

Kaya tuwing nagpupunta ako ng Italy, hindi ako pwedeng umuwi na hindi dumadaan sa Verona para bisitahin ang lugar na pinaghugutan ng inspirasyon sa kwento.

Inalis ko ang tingin sa Juliet's Balcony at dumiretso sa Letters to Juliet, katabi nito ang statue ni Juliet.

Sa statue na 'yon may paniniwala na hawakan mo ang right breast ni Juliet para swertehin ka raw sa lovelife. At syempre ginawa ko 'yon nung highschool ako. Infairness, gumana naman sa'kin.

Pinasadahan ng palad ko ang mga makukulay na papel na nakadikit sa pader, hanggang sa huminto ang palad ko sa isang papel na color white na may mga design na black hearts sa gilid.

12-25-19
Dear Denden,

I don't have any letters for Juliet since all of my wishes have already been granted, and that wish is to be with you. I have nothing to say to her, but I do have some for you. Sunshine, I know my heart will never ever be able to let go of you, even if it stops beating. Words are not enough to express my love for you, but I still want to write this; I love you. Happy 5th Anniversary, amore mio.

Hindi ko pinigilan ang ngiti ko pagkatapos kong muling basahin ang sulat. Last year niya ito pinabasa sa akin. Imbes idikit sa pader, inabot niya sa akin. Ayaw pa nga niya ipalagay rito pero wala siyang nagawa nang ako na ang nag dikit. Maghapon niya akong hindi pinansin pero hindi rin siya nakatiis sa pangungulit ko.

"il tuo nome è denden? ho ragione?" (your name is denden? Am I right?") napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. Saka ko napansin na lima pala silang babae na di nalalayo sa edad ko.

Nakagat ko ang labi ko at tumango. Natawa pa aako nang mahina dahil pumalakpak ito nang mabilis pero walang nalikhang sound.

"guarda quello? ho ragione!" (see that? I'm right!") tumango tango pa ang mga kasama niya kaya napalakas ang tawa ko. Natanong ko tuloy kung paano nila nalaman dahil sa dami ng tao tumama pa ang hula nila.

"Abbiamo visto tutti il ​​tuo sorriso. Il tuo sorriso è bellissima." (We all saw your smile. Your smile is beautiful.)

Nag-thumbs up yung isa nilang kasama na mahaba ang buhok,"Bellissima!" (beautiful!)

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon