XXII. Hacienda Candelaria

893 45 9
                                    

Talahulugan:

Barandilya- railings

Azotea- terrace

Kabanata 22

Denise's Pov

June 26, 1896

Nandito kasi kami ngayon sa bintana ng sala, sa bahay ni Aling Marieta. Basta pagkagising ko nandito na siya, wala raw siyang makausap dahil wala si Carlos.

Tatlong araw na rin kasi ang nakakalipas simula nang umalis si Carlos kasabay nang paghatid kay Don Lolong sa intramuros. Para sa Fort Santiago ikulong at ituloy ang kanyang kaso. Naalala ko tuloy ang nangyari sa daungan ng barko bago makaalis si Carlos.

"Binibini," tumikhim ito. "hanggang sa muli nating pagkikita." Nakangiting sabi ni Carlos saka pinatong ang kamay sa ulo ko at bahagyang ginulo.

"Carlos!" napatingin kami kay Bagwis na tumatakbo papalapit sa amin. "aking nabalitaan sa mga guardiya na naglabas ng utos ang heneral na ilipat sa intramuros ang tiyo,"nagkatinginan kami ni Carlos.

Kailangan malaman ito ni Aling Marieta.

"Kailangan na natin magpunta sa bilangguan, baka sakaling maabutan pa natin si tiyo," dagdag ni Bagwis.

"sigurado-" hindi na natuloy ni Carlos ang sasabihin niya nang may dumaan sa harap namin na isang humahangos na mga karitela. Huminto ito sa tapat ng barko na sasakyan din ni Carlos papuntang Manila para makasakay ng barkong papuntang Europa.

"Si tiyo!"sigaw ni Bagwis nang bumaba ang mga sakay ng kalesa. Isa na roon si Don Lolong na hawak ng dalawang guardiya sibil. Nakagapos ang mga kamay niya, kagaya ng dalawa pang bilanggo.

"Bagwis!" sigaw ni Carlos nang tumakbo papunta kay Don Lolong si Bagwis. Napakamot sa ulo si Carlos at sinundan si Bagwis. Sunod na dumating si Aling Marieta na pinipigilan ng ilang mga guwardiya na makalapit sa mismo niyang asawa.

Samantalang ako, nakamasid sa malungkot na tagpo. Sa lugar kung saan sinasalubong ang mga bagong dating at sa ibang nagpapaalam sa mga kinakailangang umalis sa bayan na ito.

Pumasok sa isip ko si Ethan, hindi man lang ako nakapag paalam at wala siyang kamalay-malay na nasa ibang panahon ako. Habang siya ay inaantay ang pagmulat ng mga mata ko sa hospital bed na iyon.

Napailing ako, pwede ring hindi. Dahil baka busy siya sa nalalapit nilang kasal ni Danica.

"Iniisip mo ba ang iyong irog?" natauhan ako at napatingin ako kay Bagwis, seryoso itong nakatitig sa singsing sa daliri ko, iniwas din niya kaagad ang tingin sa kamay ko. Agad ko namang binalik ang tingin sa harap.

Tatlong araw na ring wala gana si aling Marieta, nakakausap naman namin siya pero lagi siyang tahimik. Madalas inuubos niya ang oras sa pagtatanim. Baka sa susunod daw na linggo susundan niya si Don Lolong para sa paglilitis nito.

Samantalang ang bagong alcalde mayor, ipapakilala na bukas.

"Ikaw, iniisip mo ang iyong minamahal?" Ganti kong tanong.

Tumawa ito nang pagak," iniisip ko ang aking minamahal na may iba ring minamahal? "napailing ito.

"Nung isang araw, nagpunta rito ang iyong minamahal." Nagtataka naman ako nitong tiningnan.

"kung ako ang kanyang sadya, bakit hindi sa hacienda siya nagtungo?" natigilan ito. "sabihin mo, Denise. Anong sadya ng binibini?"

"Nagpunta lang dito para ipadala ang kanyang babala," natatawa kong sabi.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon