XIV. Casa de Salazar

831 49 7
                                    

Kabanata 14

Denise's Pov

"Tama ba yung iniisip ko na ex mo yung Ligaya?"

Naglalakad na kami papasok ng bahay ni Bagwis at kinukulit ko siya tungkol sa naging reaction niya nang makita niya si Ligaya.

"Anong ibig mong sabihin, binibini?"

Hindi agad ako nakasagot dahil bigla na namang kumalas si Kachichay sa baraso ko. Saan na naman pupunta 'yon?

Hindi ko na lang pinansin ang pagtalon ni Kachichay, "Ex means... ex na siya sa buhay mo? " Natawa ako sa naisagot ko kay Bagwis. Ang ganda naman ng explanation ko.

"Ex ibig sabihin ekis parang...hindi na," Dagdag ko. Lalo akong natawa nang tumango siya habang nakakunot ang noo.

Hinampas ko siya nang mahina sa baso na ikinagulat niya." Binibiro lang kita masyado kang seryoso." Parang nagulat pa sa ginawa ko dahil napapanganga siya. Mag-sosorry sana ako pero tumawa na siya kaya natawa na rin ako.

Hindi ko naman pinansin yung mga nagtitinginan nung nakapasok na kami sa loob pagkatapos ipakita ni Bagwis sa guardya yung invitation.

"Sa panahon namin ang tawag sa dating kasintahan ay ex." Bulong ko. Malungkot naman itong ngumiti. "Talaga bang wala na sa puso mo si Ligaya?"

Hindi ito kumibo at nawala ang kanyang ngiti.

"Ang señor Bagwis," narining kong sabi ng matabang babae na maputi at singkit ang mata.

"Alam niyo ba na bali-balita sa San sebastian na ikakasal na ang ginoo,"Sagot ng kanyang kausap.

Napatingin ako sa direksyon ng grupo ng mga kababaihan, nakatakip pa ang mga pamaypay nito sa tapat ng bibig nila at nagbubulong bulungan.

"Hindi kaya ang binibining kasama niya ang kanyang papakasalan?"

Hindi ko na lang sila pinansin, nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong bahay na naiilawan ng makukulay na mga lampara. Nasaan kaya si Carlos?

"Sino ang kasama ng señorito Bagwis?" tanong ng babaeng payat at pulang-pula ang labi sa kanyang kasama nang magawi ng tingin ko sa kabila.

"Sa tingin ko ay kasintahan niya."

"Nabalitaan ko sa kabila na ang binibining yan ang nakatakdang pakasalan ng señorito."

"hindi kaya'y nagdadalang-tao ang binibini? Sapagkat hindi naman kasintahan ng ginoo ang binibining papakasalan niya."

Nagbulungan pa talagang ang mga 'to, eh naririnig ko naman sila o baka naman sinasadya nilang iparinig sa akin?

"Nabuntis daw ng ginoo ang binibini." Muntik na akong masamid sa sinabi ng matandang may suot na mga singsing sa lahat ng kanyang daliri.

"Susmaryosep!" Nakita kong nag-sign of the cross yung sinabihan niya.

Nakagat ang labi ko para pigilan ang tawa sa naririnig ko. Tiningnan ko si Bagwis na hanggang ngayon tahimik pa rin.

Hindi na ako magtataka kung bakit agaw pansin 'to, maliban sa isa siya pamilya ng mayayaman according to Aling Marieta di mapagkakailang may itsura ito. Perfect shape ng jawline, hindi man ganun katangos ang ilong pero bumagay sa mukha niya. Morenong kulay ng balat at laging mukhang bagong suklay ang kanyng buhok. Tuwing pupunta kaming palengke o kaya kahit saan hindi pwede walang mapapatingin sa kanya. Idagdag mo pa ang pagiging palangiti niya at ngayong gabi lang panandaliang nawala ang ngiti niya dahil sa Ligaya na 'yon.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon