XXXVI. Pagsikat at Paglubog ng Araw

262 13 2
                                    

Kabanata 36

3rd person's pov

Nakarating ang balita sa grupo ni Carlos ang nangyaring pagdakip sa mga kababaihan at pagpaslang sa mga iba pa nilang kasamahan. Kasalukuyang nasa paglalakbay pa lang sila at namamahinga nang matanggap nila ang balita.

"Tanging si Alon ang hinayaan ng mga gwardiya at hindi isinama sa pagdakip," paliwanag ng binatang naka lugay ang hanggang balikat na buhok. " kung tutuusin ay si Alon dapat ang dadakpin, sapagkat siya ay isang takas na bilanggo. Kaya't nakakapagtaka na hinayaan nilang makatakas si ito."

"Pinuno, kailangan na nating paghandaan ang pagsugod natin sa San Sebastian. Sapagkat natuklasan na rin ng mga kastila ang tungkol sa samahan. Nagsisimula na ang pakikipaglaban ng iba nating mga kasamahan sa iba't ibang dako ng katagalugan sa pamumuno ni Supremo."Sinang ayunan ng karamihan ang sinabi ni Carlos kay Don Lolong na ngayon ay nakatayo sa kanilang mapa. 

Tumango ang don bilang pagsang ayon."Nauna na ang grupo ni tandang sa panloloob nang itinakas nila si Alon at ang aking kapatid, isa si tandang na kasapi ng ating samahan na binawian ng buhay. Kung kaya't kailangan natin ng panibagong daraanan, sapagkat paniguradong naglagay na sila ng mas maraming mga bantay."

Lumapit si Carlos sa mapa at nilapag ang isang batong maliit. " hindi na tayo maaaring dumaan sa manggahan ng mga Chavez." Ginalaw nito ang hawak na bato at inilipat, " maari nating magamit ang mga guwardiya sibil na nasa casa de Salazar. Sa ganoong paraan ay walang maghihinala pag tayo ay naka suot ng damit ng kalaban."

"Tanging tatlong katao lamang ang kailangan natin, ang limang magagaling humawak ng sibat at pana ay siyang nakaatas sa  pagpatay ng mga lampara. Mas malaki ang bilang ng ating mga kalaban. Kung nais natin silang malusutan, kailangan natin silang bulagin, ngunit sa tahimik na paraan," dagdag ng binata habang mariing nakatitig sa hawak na bato.

Tumaas ng kamay ang isa sa mga nakikinig bago nagsalita. " ngunit sampu lang tayo, mahuhuli ng dating ang iba nating mga kasama. Hindi natin kakayanin ang dalawampung guwardiya na hindi tayo gagawa ng gulo."

"Mayroong labing limang gwardiya ang casa de Salazar, lima sa puerta de san sebastian. Kung kaya't alanganin kung sa ilog tayo dadaan, dahil sasalubungin tayo ng dalawampung guwardiya."

Sinang ayunan ng karamihan ang tanong ng isa nilang kasamahan, tumikhim si Carlos na ngayon ay seryosong tumayo sa kanyang kinauupuan at nagsimulang ituro ang magiging hakbang nila sa muling pagsugod.

Samantala, sa likod ng kubo tinutulungan ni Bagwis ang dalawang matandang manggagamot na gamutin ang sugat ni Don Antonio na ngayong ay namimilipit sa sakit at hapdi sa tuwing dinadampian ng gamot ang mga sugat nito galing sa mga hampas ng latigo at marka ng mga paso.

"ama—"

Nakangiwi tinapik sa balikat ng Don si Bagwis. "Anak, wala kang kasalanan. Balak din namin mag usap ng tiyo mo pag natapos na ang gulo sa San Sebastian."

Napayuko si Bagwis at bumuntong hininga."huwag ka na mag isip ng kung ano-ano, ating masasagip din ang 'yong mga kaibigan," sabi ng matanda nang marinig ang buntong-hininga ng kanyang anak.


"Wala pa akong nababalitaan na nadakip si Senyorita Ligaya at Senyorita Denise, binibini." Bakas ang pag aalala sa boses ni Albino na natanggap ang sulat na ipinadala ni Bagwis kay Feliza para sa batang sakristan.

"kung ganoon, wala silang balak ipaalam sa mga mamamayan ang kanilang ginawa,"matamlay na sabi ng dalaga, nakasuot ito ng simpleng puting baro't saya at belong itim. "Hindi pa rin namin natatagpuan si kuya Ruben, wala ka pa rin bang balita?"

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon