XVIII. A Whisper of Time

877 39 2
                                    

Kabanata 18

Third person's pov

Year 2020 (present)

Ang madilim na kwarto ay nabulabog nang kalampag ng bintana at pag-ihip ng hangin. Kasabay nang paglitaw ng isang binata sa silid ay ang pagbukas ng lampshade na nagbigay liwanag sa madilim na kwarto. Nangibabaw ang tunog ng malalim na paghinga sa silid at huni ng palaka't kuliglig sa labas.

Pinalandas ni binata ang kanyang palad sa kama at nanghihinang napahiga rito habang nakatitig sa kisame. Nakapa niya ang isang unan at niyakap ito na kung saan amoy na amoy ang matamis na amoy ng dalagang dahilan ng kanyang panghihina at pangungulila.

"Denden..." Tinakip nito ang isa niyang braso sa kanyang mukha habang yakap-yakap pa rin sa isang kamay ang unan. "I miss you," bulong niya sa hangin habang pinipikit ang kanyang mata bago napabuntong-hininga.

"Ethan!"May isa namang bulto ng babae ang sumulpot pero hindi ito binigyang pansin ng binata..

"Sabi ko na nga ba, dito kita makikita," sabi ng dalaga bago naupo ito sa gilid ni Ethan. " bumangon ka na diyan, ikaw na ang pumalit sa pagbabantay kay Denise."

"Umalis ka na Trish. Susunod ako," tipid na sagot ng binata.

"Bakit ba kasi dito ka nagmumukmok sa kwarto ni Denise, eh nandun siya sa hospi-"

"Wala siya dun," putol nito sa sinasabi ng kausap.

Naguguluhan naman siyang tiningnan nito. "Ano?" kunot noong tanong ni Trisha," anong sinasabi mo?" Napakamot ito ng ulo," Hindi ka talaga okay, Ethan."

Napa upo si Ethan at ginulo ang sariling buhok," Nandoon nga ang katawan niya, she's in coma..." Natigilan ito at napahawak sa sintido," pe-pero..."bulong niya na narinig naman ng kasama niya.

"Pero?" Naiinip na tanong ni Trisha.

"Hindi ko maramdaman ang presensya niya." Inis itong tumayo at hinagis ang unan na yakap niya sa sahig. " s-she's gone."

"ano bang nangyayari sayo? kahit kelan ang gulo mo magkwe-"

"Hindi ko maramdaman ang presensya niya!" hindi napigilang magtaas ng boses ni Ethan. "He-her soul." napaupo ito sa sahig at sumandal sa gailid ng kama.

Natigilan nang ilang saglit si Trisha bago nagsalita," ka-kailan pa?"

Pinunasan ni Ethan ang tumulo niyang pawis," I-I don't know, nararamdaman ko pa siya habang nasa ICU siya pero nung lumabas ang doktor ...." natigilan ito," akala ko dahil lang sa sinabi ng doktor kaya ako nanghina, pero hanggang ngayon isang linggo na ang nakakalipas ang bigat pa rin ng pakiramdam ko."

Napanganga ang dalaga."Ibig mong sabihin....pa-patay na si Denise?" tanong ni Trisha gamit ang nanginginig na boses

Dahil sa sinabi ng kausap ay nagkulay pula ang mata ni Ethan habang tinatapunan nang masamang tingin ang kanyang kapatid.

"Of course not! She has a pulse, her heart is still beating... She's still breathing. "

Trisha raised her hand in front of Ethan's face to interrupt what he was trying to say."AND—Thanks to those hospital machines. Please, don't make me laugh, brother. Remember, your heart doesn't already beat, but you're still alive. " Ibinababa niya ang kanyang kamay. "So... what the hell are you trying to say?"

Iniwas ni Ethan ang tingin niya ."Wala ang kaluluwa niya rito, naguguluhan ako dahil dapat kahit nasa coma siya nararamdaman ko pa rin ang presensya niya."

Napatayo ang dalaga at nagpalakad-lakad sa silid. "Did you find Kachichay?" Tanong ni Ethan na ikinatigil ni Trisha.

"Oh! yan dapat ang sasabihin ko sa'yo kaya kita hinahanap. Don't worry nagpakalat na rin ako ng poster ng picture niya." Paliwanag ni Trish.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon