XXX. Two Broken Souls

565 26 7
                                    

Kabanata 30

Third person's pov

Kinaumagahan, nagkagulo sa Casa Candelaria nang dumating ang isang bagong tinyente ng San Sebastian. Nakaalis na kasi si tinyente Timoteo Chavez para kunin ang kanyang parangal sa Palacio del Gobernador. Ang bagong pumalit sa kanya ay isa sa mga dating tauhan ni Tinyente Chavez — Si Tinyente Basco, anak ng kapatid ng yumao niyang ina.

Sumugod ang grupo ni Tinyente Basco sa pamumuno ng Gobernadorcillo sa Casa Candelaria upang arestuhin ang mag amang Candelaria. Tahimik na lumuluha ang mga katulong pati na ang mayordoma habang pinagmamasdan ang kanilang mga amo na nakagapos sa tapat ng kanilang hacienda.

Nagpupumiglas si Bagwis at nakakunot ang noo. Samantalang si Don Antonio naman ay walang emosyon at nakikipagpalitan ng masamang tingin sa Gobernadorcillo.

Napasinghap ang mga nakasaksi sa mga bitbit ng mga guardiya sibil na galing sa likod ng bahay. Buhat buhat nila ang mga matatalas na sandata at ilang mga armas. May mga gintong mga kasangkapan ding kasama ang mga armas na nilapag sa harap ng nakagapos na mag ama.

Nabigla man ngunit hindi pinahalata ni Bagwis ang pagkabigla dahil sa mga nakitang patalim. Paano nila nahanap at nadala yan dito? Ang gumugulong tanong sa isip ni Bagwis habang nakayuko.

"Don Antonio Candelaria,Señorito Bagwis Candelaria," nakangising sabi ng gobernadorcillo. "kayo ay dinadakip sa salang pagtataksil sa pamahalaang Espanya." Sinenyasan niya ang kasamang tinyente, na agad tumango.

"Dalhin ang mga yan sa piitan." Utos ng tinyente.

Wala namang nagawa ang mga katulong kundi ang tanawin ang pagkaladkad ng mga guardiya sa kanilang amo.

Samantala, sa harap ng Hacienda Candelaria, nakadungaw mula sa kanilang bintana si Ligaya. Tulalang pinagmamasdan ang mga kaganapan sa harap ng kanilang tirahan. Hanggang sa makaalis ang mga guwardiya na bitbit si Bagwis, tulala at walang tigil sa pagtula ang kanyang mga luha.

Nang matauhan ang dalaga ay nagmadali nitong binuksan ang pinto ng kanyang silid. Hindi pinansin ng dalaga ang tawag ni Feliza ngunit sinundan siya nito nang siya ay lumabas ng bahay.

Napahinto si Ligaya nang mahagip ng mata niya si Tasyo na nagtatago sa madalas nitong pagtaguan sa tuwing tumatakas siya upang makipagkita rito. Nilingon niya muna ang bahay at tinanguan si Feliza bago lapitan ang binata.

" Tasyo, ano ang ginagawa mo rito?" Mahinang tawag niya sa binata."Hindi ka ba natatakot na mahuli ka na naman ni ina!" sandaling nawala sa isip ng dalaga ang pagsunod kay Bagwis.

"Binibini, sumama ka na lamang sa akin. Tayo ay magpapakalayo, bubuo tayo ng sarili nating pamilya sa ibang bayan may—"

"Tasyo!" bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalaga,"naririnig mo ba ang iyong sarili? Paano ang aking pamilya? Hindi ko maaring iwan ang burol ng aking ama!"

Huminga nang malalim si Tayso," kung ganoon, sa susunod na mga raw. Pagkatapos ng burol ng iyong..." napahinto sa pagsasalita si Tasyo nang umatras si Ligaya at naluluhang umiling.

"Dahil ba kay Bagwis?" Tanong ng binata, napakurap si Ligaya at napahinto sa pag atras.

Tumawa nang walang buhay si Tasyo sa naging akto ni Ligaya."mahigit isang taon na kitang sinusuyo, Ligaya pagkatapos..."napikit si Tasyo at napasabunot sa kanyang buhok.

"P-Pa-paumanhin,"halos pumiyok na ang boses ng dalaga."inaamin ko na naging masaya ako kapiling ka...ngunit...ngunit..."kinagat nito ang sariling labi para pigilan ang paghikbi. "Kahit na anong tago ko sa aking totoong damdamin..." umiling siya. Kahit anong tago niya sa damdamin niya sa dati niyang kasintahan, ay muli itong sisibol sa oras na pagtagpuin sila.

"t-tapusin na natin ito, Tasyo," suminghot ito at napayuko. "maniwala ka, ginawa ko ang lahat upang ibigin ka ––." Hindi na natapos ni Ligaya ang sinasabi niya nang talikuran siya Tasyo at nagsimula itong maglakad paalis.

"Hindi ko na ibig pang marinig ang mga katagang lalabas sa iyong bibig."

Pinunasan ng dalaga ang luha niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata.

Nilapitan naman siya ni Feliza at inalalayan pumasok sa loob, labag man sa loob niya. Wala siyang nagawa kundi ang talikuran si Tasyo.

Patawarin mo ako, Tasyo. Hindi ako ang binibining nakalaan para sa iyo.

Samantalang habang naglalakad papaalis si Tasyo at nakayuko. Paulit-ulit itong nagmamakaawang bumubulong sa hangin. "Tawagin mo ako, mahal ko. Ako ay pigilan mong huwag umalis..."

Ngunit hanggang sa makalabas siya sa bakuran ng Casa Salazar at makalayo, wala siyang narinig na tawag mula sa babaeng iniibig niya.

Mabigat ang loob habang naglalakad nang mabagal si Tasyo, napatingin na lang siya nang may tumawag sa kanya. Agad naman siyang umayos nang pagkakatayo at nginitian ang makakasalubong na si Ruben.

"saan ka patungo, pinsan?" nakangiting bati ni Ruben na may mga bitbit na basket at bayong.

Ngumiti nang tipid si Tasyo, "aking pupuntahan si Albino," sagot ni Tasyo. Tumango si Ruben bilang sagot.

"ikaw?"

Tinaas ni Ruben ang bitbit niya, "may iniutos sa aking ang señorito Carlos.

Tanging tango lang ang naisagot ni Tasyo at nilagpasan na si Ruben. Nagtataka namang sinundan nang tingin ito ni Ruben, nagkibit balikat ito at tumalikod para ituloy ang paglalakad.

"May problema kaya si Tasyo?" Naguguluhang usal ni Ruben sa sarili.

"nakakasiguro kang aalis ka sa araw ng pagluluksa sa pagkamatay ng iyong ama?" tanong ni Ruben kay Carlos nang makarating ito sa tagpuan nila.

Wala sa sariling tumango si Carlos, kahit na labag man sa loob niya na iwan ang burol ng kanyang ama. Mas kailangan siya ngayon ni Denise. Hindi niya alam kung bakit nagawa niyang isakripisyo ang burol ng kanyang ama para lamang sa binibining ngayon lang niya nakilala.

Tinapik ni Ruben sa balikat si Carlos, "nakikiramay ako, kapatid." tumango si Carlos. Aking inubos na kagabi lahat ng luhang lalabas sa aking mata.

Magsasalita pa sana si Ruben ngunit sinenyasan ito ni Carlos nang makitang papalapit ang binibini sa kanila.

"aalis na ba tayo, ginoo?" tanong ni Denise na nag palipat-lipat ang tingin sa dalawa at kumunot ang noo. "may problema ba?"

Umiling si Carlos at sinuklian ito nang tipid na ngiti, "hindi ba, nais mong makapunta sa panaderya ni Aling Sinang?"

kuminang ang mata ng dalaga sa sinabi ni Carlos. "ngunit ikinalulungkot ko, binibini. Hindi lang natin makakasama ang Ginoong Bagwis."

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon