XXI. Habulan at Tagu-taguan

862 41 24
                                    

Kabanata 21 Habulan at Tagu-taguan

Denise's Pov

Ang isang sugat ba ay maaring maging isang senyales ng babala? Na sa susunod ay mag iingat para hindi na ulit masugat?

Kinaumagahan lumapit ako sa salamin at tiningnan kung nandoon pa rin ba ang peklat na nakita ko kagabi. Hatinggabi, humapdi ang likod ng tenga ko at nang tingnan ko, may sugat na hindi ko alam kung saan galing at kitang kita ko ang unti unti niyang paghilom hanggang sa naging peklat. Sugat na hindi dumugo. Weird.

Wala pa naman ako pwedeng magamit na concealer o kaya kahit anong pwedeng pantakip man lang.

Pumasok sa isip ko ang pond na pinuntahan namin ni Kachichay. Hindi kaya may kinalaman yun?

Napunta ang tingin ko sa nakabukas na bintana nang kumalabog ito, naunahan ako ni Kachichay na lumapit doon

Kuno't noo kong kinuha ang mga rosas at Kalachuchi na nakita ko sa bintana at pinatong sa lamesa. Naalala ko si Carlos nang titigan ko ang Kalachuchi. Pag bougainvilla, si Bagwis. Pero walang bougainvilla kaya walang galing kay Bagwis. Pero ang rosas? Kanino galing?

"Kung nasa present siguro tayo masasabi kong yayamanin yang admirer mo, di niya ba alam na ang presyo ng isang rosas sa future ay pwede ng ipang ulam ng isang tao," sabi ni Kachichay,"baka makabili ka na ng tatlong tali ng petchay niyan." Dagdag niya.

"Pinipitas lang naman ang mga rosas dito," sagot ko. Nilingon ko siya at nakita kong kinakain nito ang petals ng mga rose." hoy! Bakit mo kinain?" kailan pa naging edible ang rose sa rabbit?

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy nito ang pagkain sa rosas na para bang lollipop lang sa paraan ng pagkakahawak niya. Napailing ako at binalik ko na lang ang tingin ko sa peklat." May alam ka ba rito?" Tanong ko, nakita ko sa repleksyon ng salamin na napatingin siya sa tinutukoy ko.

Parang wala lang sa kanya at bumalik sa pag ngatngat ng rose."Simbolo na humiling ka sa pond na pinuntahan natin kaya ka napunta rito," paliwanag niya habang ngumunguya," ang mga humihiling sa pond ay nagkakaroon ng peklat na ganyan na ganyan ang itsura sa kahit parte ng katawan."

Pinalobo ko na lang ang pisngi ko saka tumango at hindi na sumagot. Meron pa kayang ibang humiling sa pond kagaya ko? Ano kaya ang mga naging kapalit nila?

"Pagpasensyahan mo na hija, hindi ko lang talaga mahagilap si Ruben," sabi ni Aling Marieta habang inaayos ang pagkakalagay ng panuelo ko.

"Ayos lang po wala naman akong magawa dito, saka libre na nga ang pagtuloy ko sa inyo, nakakahiya." Umiling ang ginang at nginitian ako.

Nagpaalam ako bitbit ang basket na punong-puno ng gulay at prutas. Nag-volunteer kasi ako sa ginang na ako na ang maghahatid ng basket na may lamang gulay at prutas para kay bes Timoteo.

Pinabibigay ng ginang sa tinyente dahil thankful daw ito sa pagtulong niya nung maabutan naming kinakaladkad ang ginang ng mga kasamahan niya sa mismong bahay pa nila ni Don Lolong.

Naalala ko tuloy ang tela na nakita raw sa bahay ng mag asawa, hindi ko alam kung anong meron don, bastang umalis na lang bigla si bes at humingi ng sorry sa ginang dahil sa hindi pagkakaunawaan.

"Paumanhin sa naging abala, senyora Marieta. Sila ay mga bagong tauhan kung kaya't may hindi pagkakaunawaang naganap. Aking lilinawin na muna sa tanggapan, kayo ay biktima lamang aking hahanapin ang may kagagawan nito."

Ang mahalaga ay nila dinala ang ginang sa kulungan dahil hindi niya kakayanin ang buhay roon lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Naningkit ang mata ko kay Kachichay na nakabalot ng tela at nasa basket din kasama ang mga prutas at gulay, pinuntirya na naman niya ang isang tangkay ng petchay na kasama sa ibibigay.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon