XVII. Ang Pagdakip

1K 34 4
                                    

Kabanata 17

Denise's Pov

Pumayag si Carlos at Bagwis na sumama ako sa kanila. Dumaan muna kami ng bahay para ipaalam kay Aling Marieta na sasama ako sa lakad ng dalawa. Habang kausap nila ang kanilang tiyahin, kinuha ko naman si Kachichay at nilagay sa basket na binigay sa akin ni Aling Marieta.

Dumako ang tingin ko sa sasakyan namin. Isa itong cart na hila-hila ng kalabaw, may mga laman din itong tubo at mais na pinalagay ni Carlos para raw may ida-dahilan kami na maghahatid lang kami ng crops, incase na masita man kami.

Samantalang, naiwan naman si Mang Solomon. Dahil kaibigan daw ni Bagwis at Carlos ang sasakay at aalalay sa kalabaw. Kanina ko pa nga sinisilip ang mukha nito dahil pamilyar talaga, hindi ko alam kung saan o nagkita na ba kami.

"Ikinagagalak ko na ika'y nasa mabuting lagay na, señorita Denise."

Kumuno't ang noo ko, "kilala mo ako?" hindi pa naman sinasabi ng dalawa ang pangalan ko sa kanya.

Natatawang tumango ito, "sino ba ang makakalimot sa isang binibining kay lakas sumuntok?" natawa rin si Bagwis sa sinabi ng kaibigan niya. Samantalang ako ay naguguluhan sa sinasabi niya.

"Siya ang aking kasama nung ika'y makita namin sa gubat na nakarinig sa iyong sigaw, " Paliwanag ni Bagwis na ikinatango ko.

"Ruben po ang akin pangalan, señorita!" nakangiti niyang pakilala sa kanyang sarili at sinundan niya ng pagsaludo.

Kaya naman pala pamilyar ang mukha niya. Isa pala siya sa napagkamalan ko na rapist. "Pasensya na sa nangyari nung araw na yon." Natigilan ako at nag isip ng palusot. "wala lang talaga ako nun sa sarili dahil sa gutom." ngumiwi ako at tiningnan ko si Bagwis na naging seryoso ang tingin sa akin.

Naibalik ko ang tingin ko kay Ruben nang tumawa ito habang inaayos ang gulong ng cart. "Naku! Wag po kayong humingi ng dispensa. Hindi naman ako ang natamaan, ang ginoong Carlos naman," Sabi niya at humalakhak. Natawa na rin si Bagwis at inasar na naman nila si Carlos at ang itsura nang masapak ko ito.

"Narinig ko ang aking ngalan? Mukhang pinagkakaisahan niyo na naman ako!" paninita ni Carlos na kakalabas lang ng bahay kasama si Aling Marieta na nakangiting nakatanaw sa amin.

"Hindi naman namin nabanggit sa binibini na nawalan ng kulay ang iyong mukha dahil sa suntok na iyong natanggap kay señorita Denise!" pang aasar ni Ruben na ikinatawa nang malakas ni Bagwis.

Namula ang tenga ni Carlos pero agad na ngumisi at tiningnan ako. "Ikaw ba naman ang tamaan sa mukha ng kamaong bato." Ganti niya na ikinahalakhak ng dalawa. Naningkit naman ang mata ko at sasagot pa sana. Pero sinaway na kami ni Aling Marieta at sinabing baka gabihin kami.

Inalalayan naman ako ni Bagwis at naupo sa kanan ng cart atbinuklat nito ang kanyang libro, samantalang si Caros ay katabi ko sa kaliwang parte ng cart. Sa tabi sana ako ni Bagwis uupo, kayalang may katabi siyang sako. Wala tuloy akong choice kundi ang maupo sa tabi ni Carlos.

Napansin ko na likod kami ng bahay ni aling marieta kami dumaan. Buong biyahe tahimik lang ang mga kasama ko. Hinahaplos ko naman si Kachichay na nasa basket. Tulog na tulog ang doña.

Nang makarating kami sa ilog, kung saan ako tinulungan ni Carlos maglaba, o tama bang sabihin na siya ang pinaglaba namin ni Bagwis. Bumaba ang dalawa kong kasama para tulungan si Ruben na itulak ang cart. Para makatawid kami sa ilog.

"Ruben! Nakakasiguro ka ba na kakayanin ng kalabaw na tumawid sa kabilang pampang?"

Tumango ang Ruben,"Hindi umulan nitong mga nakaraang araw. Mababa ang tubig sa ilog ngayon."

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon