XX. Bagong Kaibigan

836 42 2
                                    

Kabanata 20 Bagong kaibigan

Denise's Pov

"Binibini?" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang bumukas ito,bbumungad sa paningin ko ang naka dungaw na si aling Marieta. Agad naman akong tumayo at inalalayan siyang maupo sa kama.

"May masakit po ba sa inyo? Dapat hindi na kayo tumayo." Sabi ko sa ginang.

Nilagnat si aling Marieta kagabi, mabuti na lang at bumaba na ang temperature niya ngayon pero hindi pa bumabalik yung dati niyang sigla. Madalas pa rin siyang nagmumukmok simula nung araw na makauwi kami na hindi namin kasama si don Lolong at nung i binalita namin ang tungkol sa paglilitis.

Ayaw pa sana namin sabihin ni Bagwis pero nagpumilit ito na sabihin namin ang totoo. Kaya wala rin kaming nagawa ni Bagwis kundi ikwento ang nangyari sa pagbisita namin.

"Huwag mo na akong alalahanin pa hija, ayos na ang aking pakiramdam." Hinipo nito ang noo ko at kumunot ang noo,"Wala ka namang karamdaman ngunit parang may mabigat kang dinadamdam batay sa iyong mukha kanina nang ako'y mapadaan dito." Natigilan ako at umiiling.

"sa ating dalawa, kayo po ang may sakit. " Ngumiti ako para mapaniwala siya." Kaya wag naman po kayong mag alala. Ayos lang po ako."

Tumango ito at mukha namang naniwala." Huwag mo sanang mamasamain ngunit hindi ka ba hinahanap sa inyo? Baka nag aalala na ang iyong magulang."

Nawala ang ngiti ko pero pinilit ko pa ring ngumiti. "Wa-wala na po akong magulang." Napakagat-labi ako, simula nang dalhin ni dad ang bago niyang pamilya sa bahay pakiramdam ko namatayan na ako ng ama. Pakiramdam ko ulila na ako at parang pinipilit ko lang ipagsiksikan ang sarili ko sa pamilya ni dad para lamang may tawagin akong pamilya, kahit hindi yun ang pinararamdaman ko sa kanila at ganoon din sila.

"Pinapaalis niyo na po ba ako?" Pinilit kong magbiro sa ginang. Nakita ko naman ang pagkataranta niya at pag-iling

"Naku, hija ako'y nag-aalala lamang na baka ika'y hinahanap sa inyo. Bukas naman ang tahanang ito para ika'y tanggapin at manirahan kung hanggang kailan mo nanaisin."

Nagpasalamat ako at hindi ko na napigilang mapayakap sa ginang. Matagal tagal na rin ang huli kong maranasan ang yakap ng isang ina.

"Aling Marieta, naranasan niyo na bang magtago ng sekreto o lihim? Kahit sa mga taong nagtitiwala sa'yo? At kahit sa mga taong mahalaga sa'yo?"

Dahan-dahan itong tumango ito at hinawakan ako sa balikat." Lahat ng tao may tinatagong lihim." Ngumiti ito,"lalo na tayong mga kababaihan, tayo ay punong-puno ng lihim." Ngumiti ito," at alam mo ba kung saan ito nakatago?" tanong niyang ikina-iling ko.

Ngumiti ito at nilapat ang kanyang forefinger sa parte ng dibdib ko." Nariyan," ngumiti ito. "Hija, ang babae ay punong-puno nang lihim na nakatago sa kaibuturan ng kanyang puso. "Napabuntong-hininga ito.

"At mananatiling lihim sa mga taong mahalaga sa'yo kung para kaligtasan nito." Kaligtasan? Nagtatago ba ako ng sekreto para sa kaligtasan nila? Sinekreto ko kay Bagwis na alam ko kung bakit nandito ako sa panahon nila dahil para sa kaligtasan niya? I guess hindi, dahil para sa kaligtasan ko ang ginagawa ko. Mali ba ito? Hindi ko na alam.

****

Mga alas-dos ng hapon, sinabi ko kay Aling Marieta na ako na lang ang pupunta ng palengke para bumili ng tela na gagamitin niya sa mga tinatahi niya. Dahil wala naman akong ginagawa at baka mabinat pa ang ginang pag lumabas siya.

Nakita ko tuloy ang daungan ng barko dahil katabi lang ito ng palengke pati na ng mga bangkang ginagamit sa pangingisda, siguro ay walang nasa alot ngayon para mangisda dahil ang daming bangkang nakaparada lang sa baybayin. Wala gaanong tao tanging paghampas lang ng mga alon ang umaapaw na ingay pati na ang banayad na simoy ng hangin na ang sarap sa balat, maliban sa mga iilang bumababa na mga pasahero at iilang tindera sa palengke ay wala na akong ibang nakikitang tao. Naalala ko tuloy si Carlos. Kailan kaya ang alis ng lalaking yun?

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon