XXVI. Sekreto ng Bilangguan

811 41 4
                                    

Kabanata 26

Denise's Pov

Agosto 19, 1896

Binawian ng buhay si Aling Marieta.

Napag alaman ni Carlos na uminom ng lason na galing sa isang halaman ang ginang na naging sanhi ng pag ubo nito ng dugo. Sabi ni Bagwis ay umeepekto ang lason na ito sa loob ng tatlong araw. Ibig sabihin, ay habang hindi pa nakakauwi ang ginang ay sinimulan na niyang inumin ito.

Isang linggo na rin ang nakakalipas, matapos ilibing ang bangkay ng ginang sa puno ng Narra, na kanyang hiniling. Ako ang naiwang mag isa sa bahay, sa gabi naman ay sinasamahan ako nila Ruben at Bagwis. Imbes na magmukmok ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga tanim ni Aling Marieta sa kanyang bakuran. Si Bagwis naman ang nag asikaso ng naiwang palayan. Dahil sila lang ni Don Antonio ang naiwang kamag-anak ng mag asawa. Ilang araw na ring tahimik si Bagwis, malayo sa dati nitong ugali na palakwento at mapang asar.

Madalas ko rin siyang nakikitang tumatambay sa Narra, minsan naman ay silang dalawa ni Carlos ang magkasama at pareho silang tulala.

"Aling Marieta," ngumiti ako sa cross na palatandaan sa ilalim ng Narra. "siguro alam niyo na ang totoo kong pagkatao." Nawala ang ngiti ko, "pasensya na po sa ganitong paraan niyo pa malalaman. Huwag na po kayong malungkot dahil magkasama na kayo ngayon ni Don Lolong. Hayaan niyo po, sisikapin ko na bago umalis dito ay makukulong ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan ito."

Nilapag ko ang bulaklak ng Bougainvilla katabi ng iniiwan mga Rosas nila Carlos sa puntod. "hayaan niyo po, hindi ko papabayaan ang mga tanim at bahay niyo habang nandito pa ako."

"Denise!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumatakbong papalapit sa akin si Carlos na may bitbit na basket.

"Bakit?" tanong ko at napatingin sa bitbit niyang basket na nilapag niya nang nasa harap ko na siya.

"Sumabay ka na sa akin papuntang klinika. Naroon na si Bagwis upang asikasuhin ang aking mga pasyente."

Kumunot ang noo, "naunahan na naman ako ng lalaking yon." Tinawanan lang niya ako at kinawayan ang puntod ni Aling Marieta.

"Magandang umaga, tiya. Magtutungo na po kami ng binibini sa aking klinika."

Isang linggo na rin matapos magbukas ang klinika ni Carlos. Sa umaga pinapupunta niya kami ni Bagwis para kahit papaano may malibang kami. Tumutulong na rin ako pag nangangailangan ng tulong si Carlos, tinuturo rin kasi ni Carlos ang gagawin kaya hindi na ako nahihirapan.

Si Bagwis naman ay pag natapos nang maaga o walang gagawin sa taniman nila ay doon siya dumidiretso sa klinika.

"saan ka ba galing?" tanong ko habang naglalakad kami.

"kinuha ko ang mga halamang gamot sa palengke na aking gagamitin."

Hindi na ako nakasagot kay Carlos dahil sa paghinto ng isang kalesa sa harap ng bahay ni aling Marieta kaya sabay kaming napatigil ni Carlos. Inalalayan ng kutsero ang isang babaeng may magarang baro't saya. Nakapamewang pa itong tinititigan ang pamamahay ng mag asawang Sanchez.

Pamilyar yung babae pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita.

"anong ginagawa ni señora Letisya?" napatingin ako kay Carlos na naguguluhang nakatingin sa ginang.

Binalik ko naman ang tingin ko sa babae. Naalala ko na, siya yung pinakilala sa akin nung piyesta, si Doña Letisya, ang tiyahin ni Andeng.

Ngayon ko na lang ulit ito nakita simula nung fiesta. Si Andeng nga at Ligaya hindi ko na rin sila nakita nitong mga nakaraang araw. Kahit nung libing ni Aling Marieta. Kaming apat lang nila Bagwis at Carlos, pati na rin si Ruben ang naglibing.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon