XXVII. White Lies

949 46 11
                                    

Kabanata 27

Denise's Pov

"Sinasabi mong pinagtanggol mo lamang ang iyong sarili sapagkat tinangka kang gahasain ng guardyang si Morel?" tanong ng abogadong kinuhang abogado ni Bagwis para sa akin.

Dahan-dahan akong tumango.

August 19, 1896, araw na natuklasan ang ng mga kastila ang Katipunan. Paliwanag sa akin ni Kachichay kahapon, nang dalawin niya ako sa selda. Kaya naman pala ang tahimik na araw kahapon ay nagkagulo dahil dinadakip ang mga hinihinalang mga kasapi ng lihim na samahan.

At sa buong buhay ko hindi pumasok sa isip ko na matutulog ako sa kulungan buong gabi.

Hindi kinulong si Timoteo dahil inagaw ko sa kanya ang hawak niyang rifle, nang marinig ko ang yabag ng mga paa ng mga guardiya dahil siguro sa narinig nilang pagputok. Kaya naman naabutan ng mga guardiya na ako ang may hawak samantalang natulala naman si Timoteo sa gulat dahil sa ginawa ko.

Ang kinalabasan sa paningin ng mga guardiya na nakakita ay; nakipag agawan ako ng armas kay Timoteo at binaril ko ang guardiya na muntik nang mang-rape sa akin. At sinabi kahapon na ngayon agad gagawin ang paglilitis.

Kaya naman nasa harap ako ngayon ng hukuman. Hindi makapagsalita sa nerbyos na baka mapansin nilang pinagtatakpan ko si Timoteo.

"ano ang masasabi mo tungkol dito, tinyente Chavez?" tanong niya kay Timoteo na nasa likuran ko pala.

Nagkatinginan kami ni Timoteo nang lingunin ko ito. Sana ma-gets niya na dapat ay makisabay sa lahat ng sasabihin ko.

titig na titig siya sa akin habang nagsasalita,"ako ang nakabaril kay Morel na aking tauhan, Hukom Cortez." Inalis niya ang tingin sa akin, kaya binalik ko ang tingin sa harap. " pinagtanggol ko lamang ang binibini. Hindi ba iyon ang nakapatong sa aking tungkulin? Protektahan ang mga inaapi at kababaihan?"

Tumango ang hukom, napangiti naman yung abogado ko at kokontra pa sana ang abogado ng kabila pero sinenyasan ito ng hukom na huwag munang sumagot.

"Tinyente, kung ganoon ay iyong inaakong ikaw ang pumaslang sa mismo mong tauhan?" tanong ng abogado ko.

Tumango si Timoteo kaya napasinghap ang mga nanunuod. Magsasalita sana ang abogado ko pero hindi ito natuloy nang sumigaw si Bagwis at tumabi sa tabi ni Timoteo.

"Hukom Cortez! wala pong kasalanan si Tinyente Timoteo Chavez. Ako po ang nakapaslang sa kanyang tauhan." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Bagwis na kinindatan ako nang lingunin ko siya. Anong...Madadamay sila sa ginagawa nila.

Napakurap naman ako nang magpunta si Carlos sa kanan ni Timoteo."Hukom Cortez, ako po talaga," sagot ni Carlos. Gusto ko silang batukang tatlo pero hindi ko rin napigilang mapangiti.

Napayuko naman si Timoteo para itago ang kanyang tipid na ngiti. Binalik ko naman ang tingin ko sa harap at napakurap para pigilin ang nagbabadya kong luha.

Pareho kami ng iniisip nila Carlos at Bagwis, gusto naming pagtakpan si Timoteo.

Seryoso namang nakatitig si Hukom Cortez sa tatlong mga ginoo na anak ng mga makapangyarihan sa San Sebastian.

"Sana ay alam niyo ang inyong ginagawa, mga ginoo." Tanging nasabi na lang ng hukom at bumuntong-hininga. Sumandal ito sa kanyang upuang kahoy at minasahe ang kanyang sentido.

"Lumalabas na hindi sinasadyang pinaslang ang guardia personel na si Morel De Bustamante dahil sa pagtatangka sa isang binibini, na isang mestizang manlalakbay, na isa ring panauhin ni Señorito Bagwis Candelaria." Tumikhim ito, " Mula sa kapangyarihan ng hukumang ito. Ang tatlong ginoo, na sina Carlos Salazar, Bagwis Candelaria at Timoteo Chavez at ang binibining si Denise Guevarra ay pinawawalang-sala ng mababang hukumang ito sa kasong pagpaslang kay Morel De Bustamante," pahayag ng hukom sabay pukpok ng hawak nitong maso. Kasunod ay ang palakpakan ng mga nanunuod. Napabuga naman ako dahil parang kanina pa ako nagpipigil ng hininga.

Ang bilis naman yata ng mga pangyayari? Di Bale na, ang mahalaga ay tapos na ang lahat.

Napatingin ako sa tatlo at hindi ko napigiling mapangiti dahil dinamba ng yakap ni Bagwis ang dalawa na nakangiti. Natulala pa ako kay Carlos dahil sa ngiti niya. Ginulo pa nito ang buhok ng kanyang pinsang tinyente na ngayon ay natatawang, nagpipigil ng luha.

"Mawalang-galang, hukom Cortez," napatingin naman ako sa abogado ng kabilang panig nang magsalita ito, " ngunit hindi sumasang-ayon ang aking panig sa inyong naging pahayag, ito'y hindi lamang tungkol sa pagkapaslang kay Morel De Bustamante."

"Ano ang ibig mong sabihin?" kuno't noong anong ng hukom. Bumalik ang kaba ko na nawala kanina.

"Ang binibini ay isang rebelde na nagpapanggap na isang manlalakbay," sabay turo nito sa akin. Nanlaki ang mata ko at naalala kung bakit ako hinuli. Napangsinghap ang ilang naroroon at kumunot naman ang noo ng hukom.

"ikaw ba ay may patunay?"sagot ng hukom.

"dinakip ang binibini sapagkat siya ay walang maipakitang sedula." Nagsimula na naman ang bulungan ng mga tao, napayuko naman ako.

"Mawalang galang, Señor. Ika'y maghinay-hinay sa pamamaratang sa aking panauhin." Sagot ni Bagwis. Gusto ko sanang kutusan si Bagwis dahil ayaw nitong manahimik na lang at gusto pa yatang madamay.

"may sedula ang binibini." Nilingon ko si Bagwis na nakangisi sa akin."nagkamali lamang sila ng paratang." Inalis niya ang tingin sa akin at tiningnan si Carlos."señorito maari mo bang ipakita kay hukom Cortez ang sedula ng binibini."

Natulala naman ako nang lumapit si Carlos at may dinukot sa kanyang bulsa na isang papel at inabot sa Hukom. Pinagmasdan naman ito ng matanda at tumango tango."tama nga si Señorito Bagwis, sedula nga ito ni binibining Denise Guevarra."

Napasinghap ako sa sinabi ng hukom. Kaya pala tinanong ako ni Carlos kahapon kung ano ang last name ko nang bisitahin niya ako kahapon. Pero, paano nila ako nakuhaan ng sedula?

Nahagip ng mata ko na napayuko ang abogado ng kabila. Lalong lumakas ang bulong-bulungan.

Napalingon ako nang may kumalabit sa akin. Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Bagwis at Carlos. Nasa kaliwa ko naman Timoteo. Hindi ko na napigilang yakapin silang tatlo at bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Natigilan silang tatlo pero maya-maya'y naramdaman ko ang mga kamay nilang tinapik tapik ang likod ko.

Ako naman ang natigilan sa ginawa ko, agad akong bumitaw sa kanila at umatras ng isang hakbang.

"s-sorry... ay! Pasensya na."napingiwi. Tinawanan lang ako ni Bagwis. Samantalang napakurap naman si Carlos.

Tiningnan ko si Timoteo na nakangiti lang sa akin, magsasalita sana ako nang may mahagip ang mata ko sa likuran ni Timoteo na kaagad na nagpapawi ng ngiti ko.

"Ligaya, Andeng." bulong ko habang nakatingin sa dalawang babae na nakatingin sa amin.

Nakabalik na pala sila?

Nang magsalubong ang tingin namin tinapunan ako nang masamang tingin ni Ligaya bago ito tumalikod at umalis. Naiwan naman si Andeng na matalim ang mga tingin na binibigay sa akin.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon