XVI. Petals and Thorns

484 34 5
                                    

Kabanata 16

Denise's Pov

June 15 1896

Kumalat sa buong bayan kinabukasan ang nangyari sa plantation nila Carlos. Kung ano-anong mga haka-haka at tsismis ang kumalat tungkol sa dahilan ng sunog, gaya na lang ng; kagagawan daw ng engkanto kaya kailangan mag alay ng pamilya ng isang manok. Meron ding nagsasabi na nagtapon daw ang kapre na nakatira roon sa may puno ng Tabakong may sindi at sabi naman ng iba ay gawa ng mga tulisan. Ang daming fake news pero hindi pa nahuhuli kung sino at ano ang dahilan nila.

Apat na araw ang nakalipas, ang garden naman nila Bagwis ang nasunog. Halatang sinasadya ang sunog dahil sa taniman din sa kabilang sitio ay may balita ring may nasunog na pananim. Kaya't ibinilin ni Aling Marieta na bantayan ko ang kandila at maging alerto sa gabi dahil baka bahay naman o kaya yung tanim niya ang masunog.

Hindi naman kasi agad masusunog bigla yung mga taniman kung walang may gagawa nun. At ang nakakapagtaka ay puro malalaking taniman na pagmamay ari ng mga mayayamang angkan ang pinupuntirya.

"Denise, hija?" napatingin naman ako kay aling Marieta nang tawagin niya ako. May inaabot itong nakabalot sa telang puti na agad ko namang kinuha.

"maari mo bang ihatid sa Casa de Salazar ang tinolang manok na iyan? Paborito iyan ng magkakapatid na Salazar."

Nakangiting tumango ako. Tamang tama hindi ko na nakausap si Carlos kahit na si Bagwis simula nung party.

"Salamat hija, iyong hintayin na lamang ang karwahe. Sinabihan ko na si Mang Solomon na ika'y ihatid sa casa."

"Mang Solomon?"

"Siya ang kutsero na nakuha ni Lolong, hija." Paliwanag niya na sinagot ko ng tango habang sinisilip ang laman ng tela.

"Tinyente?" muntik na akong mapanganga sa gulat nang makita ko si Spanish speaking guy na kakalabas lang ng gate.

"binibining, Denise." Bahagyang tumungo pa ito.

"tinyente wag mo naman akong ituring na isang donya," biro ko at pinipigilan ang tawa.

Iniangat nito ang mukha niya at sinalubong ako nang ngiti,"pasensya na, binibini."

"ano ka ba! Wag ka nang humingi ng pasensiya diyan," ngumiti ako. "Hindi niyo pa rin ba nahuhuli ang gumagawa ng mga sunog?."

Umiling ito at inayos ang kanyang tayo, "sinisikap namin mahuli ang salarin upang maalis na ang pangamba ng mga mamamayan."

"Binibining Denise?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita sa likod ni Timoteo. Nginitian ko ang tumawag sa akin hanggang sa bumababa ang tingin ko sa hawak niya.

Yung pink na bulaklak na kagaya ng binigay sa akin ni Aling Marieta. Sa dalawang bulaklak na inabot sa akin ni Aling Marieta, siguro yung pink ang galing sa kanya.

"Bagwis!" tuwang tuwang lumapit ako kay Bagwis para sana tanungin kung nasaan si Carlos.

Sabay naman kaming napalingon nang magpaalam si Tinyente at sumakay sa kanyang kabayo. Kumaway ako sa kanya at tinanguan naman niya ako pagkatapos ay saka ko binalik ang tingin ko kay Bagwis.

"Kumusta?" nakangiti kong bati ko kay Bagwis,sandali itong natigilan bago siya umiwas ng tingin.

"m-ma-mabuti naman ang aking lagay, binibini." Tumikhim ito at binalik ang tingin sa akin.

"Paumanhin kung hindi ako nakakapunta- "

"Ayos lang," putol ko sa sasabihin niya. "naiintindihan naman namin na masyado kang busy... you know...like... abala ganun."

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon