III. Pride

1.9K 65 17
                                    

Kabanata 3

Denise's Pov

Kahit na hindi kami magkasundo ng matanda, nag-aalala pa rin ako.

Pero kagabi, hindi na ako pinapunta ni Ethan dahil nga nanghihina pa rin ako at nahihilo. Kaya siya na lang ang pumunta, babalitaan na lang niya ako sa lagay ng matanda. Kahit labag sa loob ko dahil kahit papaano tatay ko pa rin yon, pumayag na lang ako sa sinabi ni Ethan. Isa pa ayaw ko rin makita yung mag-ina na isang bruha at demonyita. Maaga na lang akong gumising para pumunta ng hospital.

Habang hinihintay ko si Ethan, naligo muna ako dahil sabay kaming pupunta ng hospital at para na rin sabihin niya sa akin ang naging lagay ng matanda.

Pinunasan ko ng towel ang basa kong buhok at sinampay ito sa sabitan sa likod ng pinto. Lalabas na sana ako ng cr nang biglang umikot ang paningin ko, humigpit ang hawak ko sa doorknob dahil kumirot din ang ulo ko .

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Bumungad sa paningin ko ang isang basket sa sahig. May laman itong nalantang pechay. Dahil sa nakita ko, may bigla akong naalala. "kumusta na kaya si Kachichay?" Si kachichay ay isang itim na rabbit na iniregalo sa akin ni Ethan.

Wala naman sa opisina ni Ethan kahapon, saan niya kaya dinala yon ?

"pinaalaga ko muna kay Trisha," napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may masalita.

"Ethan!" saway ko sa lalaking naka upo sa kama ko.

Napabuntong hininga ako para maalis ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. Narinig ko siyang tumawa kaya tiningnan ko ito nang masama pero nginitian lang ako nito na tila nang aasar.

Nilapitan ko naman ito at hinampas ng napulot kong bimpo,humiga ito sa kama ko habang hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"sinabihan na kitang wag kang basta-basta sumusulpot, aatakihin ako sa puso dahil sayo!" hinahampas ko pa rin ng bimpo at hinaharangan niya ng kanyang braso habang tawa pa rin ng tawa," paano kung nakahubad ako ha!"

"Edi mas masaya--aray!" Kunwaring daing niya nang bigla ko siyang sabunutan. Inirapan ko ito at na upo nang naka-indian sit sa kama.

Kala mo naman talaga nasaktan sa sabunot ko.

I heard him chuckled at nginisihan ako habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.

Kinuha ko naman ang phone ko para tingnan kung anong araw na ngayon. Naramdaman ko namang humiga si Ethan sa hita ko.

Naningkit ang mata ko nang tingnan ko ito, nakapikit na kasi ang mata niya habang komportableng nakahiga sa akin.

"Ethan," niyugyog ko ito gamit ang hita ko, pero hindi man lang nito idinilat ang mata.

"Ano na angg nangyari sa matanda?" Tanong ko.

"Papà." Pagtatama niya sa sinabi ko." sunshine, Baka nakakalimutan mong ama mo ang nasa hospital."

Hindi ko napigilan irapan ito, nilapag ko ang hawak kong phone at hinawakan ang malambot niyong buhok.

"Halika na, puntahan na natin at sunduin na rin natin si Kachichay nami-miss ko na yon," Sabi ko.

"Ethan!" Tawag ko nang hindi siya kumibo.

"Sinabihan ko na si Trisha na ihatid na niya mamaya si Kachichay pagpunta natin sa papà," malamya nitong sagot.

Bumigat ang pakiramdam ko sa tono ng boses niya.

"Don't mind me, normal lang ang ganito,"ganun pa rin ang boses niya kaya kumunot na ang noo ko.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon