XXXIII. Alitaptap

243 21 1
                                    

Kabanata 33

Denise pov

Pinagmamasdan ko ang masayang nagtatawanan na sina Andeng at Carlos na nasa harap ko lang. Kamuntik-muntikanan na akong mapairap sa tuwing tumatawa si Andeng.

Sabi ni Ruben, si Andeng daw kasi ang naabutan niya nang magpunta siya sa Casa de Salazar.

Hindi ko alam kung bakit nabi-bwisit ako sa babaeng yan sa tuwing nakikita ko. Alam niyo yung feeling na wala namang ginagawa yung tao sa'yo pero naasar ka sa kanya?

At hindi rin ako makapaniwala na parte ng samahan si Andeng.

"Denise, ikaw ay maawa sa sangang malapit mo na madurog." Naririnig ko ang mapang asar na boses ni Bagwsi na umupo sa tabi ko. Kunot noo ko namang tiningnan ang hawak ko sanga ng puno na napulot ko kanina sa tabi.

"Palaging ganyan ang dalawa sa tuwing nagkikita. Ilang taon din kaming magkababata nagkawalay." ano kaya ang pakiramdam ng may kababata? Lagi lang akong nasa bahay at wala talaga akong hilig makipag-socialize. Kaya siguro, wala rin akog naging kaibigan. "Lalo pa't si Calos at Andeng ay ang pinakamalapit dati sa isa't-isa,"dugtong niya nang hindi ako kumibo.

Huminga ako nang malalim at napagat-labi. "nag usap na ba kayo ni Ligaya?" tanong ko kay Bagwis pra hindi na niya ako asarin.

Hindi kumibo si Bagwis kaya napatingin ako sa kanya, nakatulala ito at nang sundan ko ang kanyang tingin. Pinagmamasdan niya si Ligaya na nasa loob ng isang silong habang nagbabalat ng hindi ko alam kung anong halamang ugat.

Binalik ko ang tingin kay Bagwis at tinapik siya sa balikat. "huwag kang magsawang intinidhin siya. Dadating din ang araw na magiging maayos ang lahat."

Na kahit ako hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako dito, kung bakit ito ang hininging kapalit sa hiling ko at kailan magiging maayos ang lahat.

"Di'ba pinsan niya si Timoteo?" tanong ko kay Carlos. Nabanggit kasi sa akin na magpinsan daw yung dalawa.

Umalis kasi sila ni Andeng pero nagulat ako nang bumalik si Carlos at tumabi sa akin dahil pinuntahan na rin ni Bawis si Ligaya.

Napag usapan namin ang kanyang ina at pati ang ginawang pambubunyag ni Doña Consuela sa samahan. Nabanggit niyang na, sa lahat ng taong lalapitan ng kanyang ina, bakit hindi pa sa kamag anak nila Bagwis.

Umiling si Carlos, " inampon si Don Bernardo ng pamilya Candelaria, sabi ng aking lola na kaibigan din ng lola ni Bagwis. Nakasanayan ko na rin tawaging pinsan si Timoteo dahil kay Bagwis. Hanggang sa dumating si Andeng na ampon naman ni Donya Letisya, si Donya Letisya ang totoong pinsan ni Don Bernardo," paliwanag niya, kaya naging malinaw sa akin ang lahat na ang totoong mag pinsan ay si Bagwis at Timoteo.

Naputol ang pag uusap namin ang lumapit si Ligaya na nakabusangot, nakasunod sa kanya si Bagwis na parang nalugi. Nakagat ko tuloy ang labi ko para pigilan ang matawa dahil sa hitsura ni Bagwis.

"Ligaya–"

"Hindi ba, ang sabi ko ay hindi nga si Tasyo ang dahilan? Ayaw kong matali sa isang ginoong katulad mo." tumaas ang dalawa kong kilay dahil hindi na yata napansin ni Ligaya na nandito ng kuya niya.

"Ibig kong malaman, binibini–"

"Sapagkat alam kong may pagtingin ka kay binibining Denise na 'yon!" napakurap ako hindi lang ako yung nagulat, pati rin si Bagwis.

"Ligaya." tila ba natauhan si Liagya at nanlaki ang mata nang mapansin na niya kami, pero agad din siyang umiwas ng tingin.

"Kuya..." mahinang tawag niya kay Carlos na nasa tabi ko. "Maari ba akong humingi ng katas ng Kalamansi?" parang gusto ko nang pakawalan ang pinipigilan kong tawa dahil kitang kita ko ang frustration sa mukha ni Bagwis, na halos sabunutan na ang kanyang sarili.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon