XXXVIII. Whirlwind of Memories

366 23 5
                                    

Kabanata 38

Denise's Pov

Pareho kaming walang imik ni Ethan sa loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan sa hindi ko alam na lugar na pagbabakasyunan namin. Hindi ko siya matanong dahil ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa, at naghihintay akong mag explain siya.

Wala sa sariling napatingin ako kay Ethan na sakto namang nakatingin pala sa akin, agad ko namang iniwas ang tingin ko pabalik sa bintana. Lalong kumunot ang noo ko nang maalala ang pagtatalo namin kanina-kung pagtatalo nga ba ang matatawag don dahil hindi naman siya sumasagot sa mga tinatanong ko sa kanya, kung anong ibig sabihin ng mga nakita kong mga id sa wallet niya.

Nang maalimpungatan ako, nasa loob pa rin ako ng kotse at wala si Ethan, ilang minuto pa akong nakatulala bago ko napag desisyunan na lumabas ng sasakyan.

Bumungad paglabas ko ang napakaraming puno at mga kubo sa di kalayuan, salubong ang mga kilay ko habang milibot ko ang tingin sa paligid. Where the hell are we?

nakakailang hakbang pa lang ako mula sa sasakyan nang mapahinto ako dahil hindi ko alam kung saang lugar na ba kami, hindi ko rin kasi makita si Ethan sa paligid.

saka ko napansin ang isang gate na nakabukas kaya I decided na pumasok sa loob dahil baka nasa loob si Ethan. Pero halos mapigil ko ang hininga ko nang tuluyan ko nang makita ang isang malaking bahay. Kumalabog nang malakas ang puso ko at lumingon sa likod ko. At tama, may bahay din na katapat.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang mansyon na magkatapat, ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib dahil hindi ko i-ne-expect na makikita ko pa ulit ang lugar na ito.

Wala sa sariling tinulak ko ang bahagyang nakabukas gate at umalingawngaw ang tunog ng nangangalawang na gate sa tahimik na paligid. Ginapangan na ito ng mga tanim na cadena de amor, itim pa rin ang kulay ng gate kahit na medyo nangangalawang na ang ibang parte. Nagsiliparan din ang ibang mga paru paro at tutubing nakadapo kanina.

Casa De Salazar

Tapunan ko lang nang tingin ang lugar na ito naninikip na ang dibdib ko dahil pinapaalala nito ang mga taong iniwan ko na wala man lang pasabi na aalis na ako.

Na pansamantala lang ako sa panahon nila.

Ni hindi ko pa rin nga alam kung ano na ang nangyari sa kanila at dahilan kung bakit 'yon ang kapalit ng pagbalik ko sa katawan ko eh.

"Tesoro?" tanging nakakabinging katahimikan at echo ng boses ko lang ang sumagot sa tawag ko.

Naikot ko na ang 1st floor pero walang Ethan akong nakita.Nag aalangan akong umakyat sa 2nd floor dahil unang hakbang ko pa lang sa hagdan kanina ay nabali ang parteng naapakan ko, sira sira na rin yung railings sa taas.

Parang nung isang araw lang ay sobrang rangya pa nito at puno ng tawanan. Parang plakang nag-play sa utak ko ang mga sayawan at kantahan, maging handaan na nangyari sa bahay na 'to.

Samantalang ngayon, ni isang gamit wala akong makita. Nagmistula itong abandoned mansion sa nakalipas na taon.

Napunta ang tingin ko sa parte ng bahay kung saan natatandaan ko na roon kami nakaupo habang pinakikinggan ang pagtula ni Ligaya.

Wala na ang sofa, roon tanging mga tambak ng sako ng mga basura na lang ang nakalagay. Pero ang ala-ala nung gabing 'yon ay tila nakikita ko pa hanggang ngayon.

Tipid akong napangiti at lalapitan sana ang parteng yon, pero napahinto ako nang makarinig ako ng kalabog na nangagaling sa labas ng...kusina?

Saka ko naalala si Ethan at nagmamadaling tumakbo papunta sa pinanggalingan ng ingay.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon