XXV. Romeo and Juliet

849 56 3
                                    

Kabanata 25

Denise's Pov

"Tiya!" salubong ni Bagwis nang pumasok si Aling Marieta ng bahay, magulo ang kanyang buhok habang tulalang naglalakad. Agad naman kaming lumapit ni Bagwis para alalayan ang ginang na limang araw na hindi umuwi.

Limang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang gulo sa handaan. At simula nung araw na umalis si Aling Marieta, ay ngayon lang ito nakabalik. Pinuntahan ni Bagwis ang ginang sa Laguna. Pero wala roon ang ginang. Binilin daw nito na kung may maghanap sa kanya ay hintayin na lang siyang umuwi dahil dumiretso na ito sa Intramuros. Kung saan nakapiit ngayon si Don Lolong.

Balak na sana naming sumunod ngayong araw sa Intramuros dahil nag aalala kami. Mabuti na lang at umuwi na ang ginang bago kami makaalis.

Inabutan ni Bagwis ang ginang ng tubig. Habang tahimik naming pinagmamasdan ang ginang, nag aantay sa dala niyang balita. At pakiramdam ko isang masamang balita ang dala niya.

Napatingin ako sa bintana dahil sa mga yabag at tunog ng pagtakbo ng kabayo. Mga guardiya sibil ito na rumoronda kahit tirik na tirik ang araw. Simula kasi magkagulo na naman nung piyesta, mas naging mahigpit ang mga bantay. Hindi na nga ako lumalabas ng bahay. Binibisita na lang ako ni Bagwis. Kung minsan naman ay si Carlos, na dalawang beses pa lang nagpunta dahil naging abala ito sa pagbubukas ng kanyang clinic.

Si Timoteo naman ay mas lalong naging busy. Naghigpit sila dahil sa hinala nilana may mga kasapi ng rebelde na rito naninirahan sa San Sebastian. Kaya naman si Bagwis ay Carlos at ang iba pang piling kasapi ng samahan, ay dito na lang sa bahay pansamantalang nagpupulong. Madalas ay apat o limang tao lang para hindi maghinala ang bagong alcalde mayor at ang gobernadorcillo, dahil nung araw na magkagulo ay nasugatan ang gobernadorcillo kaya gigil na gigil ang gobernadorcillo na mahuli ang mga nanggulo nung piyesta.

Lalong sumasama ang kutob ko sa nangyayari lalo na ngayong nakakulong pa rin si Don Lolong.

Naputol ang iniisip ko nang makarinig ako ng humihikbi. Napunta ang tingin ko kay Aling Marieta na ngayon ay pinapatahan ni Bagwis. Lumapit naman ako para pakalmahin ang ginang. Nangiginig kasi siya at parang nahihirapan sa paghinga. Hindi pa rin kami umiimik ni Bagwis. Inaantay namin na kusang sabihin ni Aling Marieta ang masamang balita.

"wa-wala na," mahinang sabi ni Aling Marieta nang kumalma ito. Pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa amin.

"wa-wala na...." umilining ito, "wa-wala n-na si L-Lo-Lolong." Nanlaki ang mata ko sa binitawang salita ng ginang. Tiningnan ko naman si Bagwis sa tabi ko na natigilan din ito at kunot ang noo.

"ano.. ano p-pong –"

"Binalak tumakas ng iyong tiyo." Walang kurap na sagot nito.

Napailing si Bagwis, " hindi niya maaring gawin ang bagay na iyon. Lalo siyang madidiin na ginawa niya ang bagay na ibinibintang sa kanya."

Huminga nang malalim ang ginang at pinunasan ang mga luha niya gamit ang suot niyang panyolito.

"A-ang sabi sa akin ng pinuno ng guardiya sibil ng Fort Santiago. May grupo ng mga rebelde ang nakapasok sa piitan. Maraming mga bilanggo ang nagtagumpay na makatakas." marahan kong hinaplos ang likod ng ginang dahil sa paghagulhol niya. "N-ngunit...n-ngunit ang iba ay hindi pinalad dahil nadakip na wala ng mga b-bu-buhay," Paliwanag ng ginang.

"at si tiyo...."

Napayuko si Aling Marieta sa sagot ni Bagwis, saka dahan-dahang na tumango.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha ni Bagwis. Sumikip ang dibdib ko sa pakikinig ng pinag uusapan nila at agad na iniwas ang tingin sa ginang na halos hindi makahinga sa kakaiyak.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon