XXXI. Aling Sinang's Panaderia

251 18 1
                                    

Kabanata 31

Denise's pov

Agosto 23,1896

"Ikinalulungkot ko ang sinapit ni Doña Marieta at Don Lolong."

Napakurap ako nang ilang beses at hindi pa rin makapaniwala na nandito ako sa na pinagmulan ko, sa Aling Sinang' Panaderia. Na malayong- malayo ang itsura sa kasalukuyan. Sementado na kasi ito dati, samantalang ngayon ay isa itong simpleng bahay kubo at may maliit na nakasulat sa karatula.

Panaderia ni Aling Sinang

Halos isang araw din kaming naglakbay para makarating ng Laguna. Malapit-lapit lang din kasi ito sa Laguna Lake. Hindi ko inakala na ganito pala ito kaganda, hindi ko na rin kasi matandaan ito dahil bata pa ako nung tumira kami rito. Simula nung mangyari kay mom hindi ko na sinubukan pang bumalik sa lugar na ito, kaya naninibago rin ako . At nararamdaman ko pa rin ang kirot sa dibdib ko sa tuwing iiisipin kong, hindi ko nagawang mailigtas ang nanay ko sa lugar na 'to.

"Alam mo ba, ang pamilya namin ang may pinakamalaking taniman ng kape at tubo? Hindi ko batid ang kung anong meron sa aming kape ngunit ito ay sadyang napakasarap,"pagkukwento ni aling Sinang habang nakatanaw kami sa kanilang taniman na nasa tapat lang ng bakery.

Si Bagwis kasi at Carlos ay nagsisibak ng panggatong at nag iigib ng tubig. Dahil hapon na at sarado na ang bakery, tanging kami na lang ng ginang ang nakaupo habang umiinom ng tsokolate AH. At halos hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang ninuno ko, never pumasok sa utak ko na mag-memeet kami ng aking great, great, great grandmother. Na-meet ko rin yung asawa niya na isa palang cabeza de barangay ito sa Laguna.

"sa inyo po lahat ng mga pananim na kape?" tanong ko. Kahit alam ko kung gaano kalaki ang lupa ng ninuno ni mom at Danilo. At isa pa, bukod sa ensaimada, best seller ang kape ng panaderia.

Tumawa naman ang ginang kaya napatitig ako sa kanya, kuhang-kuha ng tatay ko ang ngiti at mata ni Aling Sinang---- lola Sinang.

Marahan itong tumango at ngumiti pagkatapos niyang tumawa, "dugo't pawis ni ama at aking kabiyak ang mga lupaing ito. nawa'y mapakinabangan ng aming susunod na henerasyon."

"Oras na umalis ka ibebenta ko ang lahat ng bakery at gagawin kong resort ang bahay natin sa Laguna."

Napapikit ako nang maalala ang sinabi ni Danilo Guevarra. At lalong nakonsensya dahil sinabi kong wala akong pakialam sa mga ari-arian ng mga ninuno niya. Pag nakabalik na ako sa katawan ko, isa ang ari-arian namin sa Laguna ang bibisitahin ko.

"Ilang taon din pinag trabauhan ng aking ama ang lupaing ito at aming ipinagpatuloy ng aking kabiyak, kaya't heto, sa wakas ay nagsisimula na magbunga ang aming pinaghirapan." Habang nakatitig ako sa ginang, kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang kanilang tagong yaman. Ang kanilang pagmamahalan at tiyaga bilang mag asawa.

Dahil sa sinabi niya, doon ko napagtanto na bago ko pa matamasa ang karangyaan, ilang pawis pa ang natamo ng aming angkan, na ipinagpatuloy naman nina mom at Danilo —dad.

"Binibini," nilapag ni Carlos ang hawak niyang buko sa harap ko.

"salamat," mahinang sagot ko. Nakaramdam ako nang pagka ilang at hindi ko alam kung bakit. Saka, ngayon na lang ulit kami nagkausap dahil tahimik kami kanina sa biyahe. Gusto ko sana siyang tanungin kung may problema ba siya pero baka ayaw niyang pag usapan kung meron man.

"kay linamnam talaga ng ensaymada de molarca niyo aling Sinang." Natawa ang ginang sa reaksyon ni Ruben. Nahagip naman ng paningin ko ang pagtango ni Carlos na nasa gilid ko lang.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon