VIII. Truth and Lies

1.3K 65 9
                                    

Kabanata 8

Denise's Pov

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko kay Kachichay nang maiwan kaming dalawa dito sa kwarto.

Matapos ang nangyari kanina, hinatak agad ako ni Bagwis papasok ng kwarto. Hindi ito kumikibo kahit tanong ako nang tanong kung ano ang nangyari sa lalaki. Tapos ay basta niya na lang ako iniwan dito dahil may aasikasuhin lang siya. Mahigpit na bilin nito na wag akong lalabas ng kwarto, kaya lalo akong nagtaka.

"Anong natin? wag mo ako idadamay. Aba abusado ka sinamahan na nga kita rito, " pagtataray nya.

Bakit ba kasi pumayag pa ako sumama sa rabbit na 'to? Sabagay kaysa naman maghintay pa akong magising ako na hindi ko nga alam kung kailan.

Magrereklamo sana ako nang itaas nito ang isang kamay para patigilin ako. "Ngayon mukhang naiintindihan mo na kung bakit ka nandito sa panahon na ito. Kailangan may makaalam na isang tao sa kalagayan mo para may tumulong sayo. Hindi kita matutulungan sa anyo kong ito," Sabi ni Kachichay saka tumabi sa akin.

"Kailangan mong sabihin na galing ka sa hinaharap at tulungan kang mamuhay sa panahon na ito para makabalik ka, pero tandaan mo wag na wag mong sasabihin ang mga mangyayari at dahilan kung bakit nandito ka lalo na ang tungkol sa akin." Paliwanag nito.

"Sigurado ka? Eh paano kung hindi maniwala?Saka kanino naman ako hihingi ng tulong?"

" Ang lalaking tumulong sayo," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Maari kang humingi sa kanya ng tulong pero pinapaalalahanan kita, walang dapat makaalam kung sino ka maliban sa lalaking 'yon. Inuulit ko, wag na wag kang magbibigay ng kahit anong impormasyon sa kanya tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap kahit na anong mangyari."

"Eh paano kung takutin niya ako? Edi no choice ako?"

"Malaki ka na Denise, alam mo na kung anong tama o mali."

"Anong gagawin ko pag hindi naniwala?" Hindi pa rin kami sigurado, baka pagtawanan lang ako nun

"Hayaan mo siya sa gusto niyang paniwalaan. Basta't nararamdaman kong mapagkakatiwalaan siya," paliwanag niya.

Tumalon ito sa ibabaw ng hita ko nang makarinig kami ng yabag papunta rito sa kwarto.

"B-Bagwis," nanginig ang labi ko, bigla akong kinabahan dahil sa mga bilin sa akin ni Kachichay.

Tipid itong ngumiti," Binibini, maari ba kitang makausap?"

May problema kaya?

"Oo naman," sinuklian ko ito nang tipid na ngiti. "May problema ba?" Dagdag ko nang makita ko na nag-aalinlangan ito magsalita.

"Wag mo sanang mamasamain, hindi naman sa ayaw namin na narito ka. Ngunit binibini, gaya ng iyong nasaksihan kanina. May hinuha ka na hindi ka ligtas sa lugar na ito," tumikhim ito." Maari ba malaman kung saan ka naninirahan? Kung saang angkan ka nagmula?" Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Sa tingin ko, ika'y may dugong banyaga. Batay sa pananamit mo kanina at sa iyong mukha, isa kang Mestiza. Mukhang nakapag aral ka rin ng wikang Ingles. Maari ko bang malaman kung anong antas ng iyong angkan?"

Natigilan ako. Shit? Kailangan ko ba talagang umamin?

"Wag mong masamain ang tanong ko sayo-"

"Hindi okay lang- I mean.." huminga ako nang malalim, "ay ang ibig kong sabihin wala lang sa akin yon," tumawa ako nang pilit.

"Hindi ko rin kayo masisisi, naiintindihan ko na isa lang akong dayong napadpad dito. Pero promise..ay ahh" ano nga uli ang tagalog ng promise? " umm..pangako mapagkakatiwalaan niyo ako," ngumiti ako para pagaanin ang atmosphere namin ni Bagwis.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon