XXIII. The Last Supper

942 42 2
                                    

Kabanata 24

Denise's pov

Umiinom ng buko juice si Bagwis at Carlos. Samantalang ako ay tumitingin sa mga panindang paintings at sculpture. Naagaw ng atensyon ko ang isang painting ng dalawang kamay na magkahawak. Parehong may suot na singsing ang dalawa. May nakasulat ito sa ibaba

El voto de boda (The wedding vow)

Wala sa sariling kinapa ko ang suot kong singsing na binigay ni Ethan. Hindi ko pa rin ito inalis sa mga kamay ko, simula nang makarating ako sa panahon na ito.

"Malapit na ang nakatakdang pag iisang dibdib nina Ligaya at Bagwis." Hindi ko natuloy ang binabalak kong paghawak sa painting nang sumulpot sa tabi ko si Carlos.

Napatingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. Masyado akong nagiging sensitive pag usapang kasal.

"Ano ang mararamdaman mo pag iniwan ka bigla ng isang tao?" wala sa loob na tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Ang tao bang iyon ay mahalaga sayo?" Napaisip ako.

"Sabihin na lang natin na naging parte ng buhay mo ang taong iyon." Tama naman diba? Naging parte naman ako ng mga buhay nila. Sakali mang bigla akong bumalik sa sarili kong panahon ano ang mararamdaman nila?

"Siguro ako ay malulumbay at mag aalala." Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa sagot niya. Dahil ba mayroong concern kung mawala ako? "Sabi mo ay naging parte ng buhay mo ang taong iyon? Hindi ba dapat ang iyong mararamdam ay kalungkutan? " napatango ko.

"Maliban na lamang kung hindi siya mahalaga sa'yo kahit naging parte siya ng iyong buhay." Hindi ko alam kung ako ba? O siya yung nararamdaman kong malungkot ang aura.

"Gaya na lamang ng aking kaibigang pumanaw noong buwan ng Enero." Malungkot itong ngumiti.

"Sino?" alam kaya ni Bagwis?

"Si Don Graciano , siya ay nakilala ko nang ako'y mag aral sa Espanya. Isa siyang ilustrado.Nakakamangha ang kanyang mga likha lalo na ang Fray Botod. Kung kaya nalulungkot ako sa biglaan niyang paglisan."

Graciano? Fray Botod? Hindi kaya...

"Graciano Lopez Jaena?" Napatingin ito sa akin. "Kaibigan mo si Graciano Lopez Jaena?" Nanlaki ang mata ko.

Nagtataka man pero tumango siya, "Nagkakilala na rin ba kayo ng ginoo." Umiling ako. Sana, sayang at hindi ko siya naabutan. Natatandaan ko siya dahil founder siya ng La Solidaridad, mayroon din kasing copy na nakadisplay sa airport.

"Isa si Don Graciano sa mga naging malapit kong kaibigan. Noong ako'y mag aral at mangibang bayan. Hindi ko alam kung paano ang mabuhay malayo sa iyong kinagisnan , malayo sa iyong pamilya. " ngumiti ito pero iba na ang kanyang ngiti, isang ngiti na puno ng kasiyahan. "Ngunit nang ako ay may makilalang mga ilustrado. Hindi ako nakadama ng pag iisa. Sila ang mga nakasama ko habang ako'y nag aaral . Isa na sa kanila si Ginoong Graciano."

"Nakikiramay ako, ginoo." Hindi ito umimik pero may inabot siya. Nagtatakang tiningnan ko ang inaabot niyang hair clip. Napansin niya yatang hindi ko ito kinuha kaya nahihiyang binaba niya ang pagkakaabot ng hair clip at namumulang nag iwas nang tingin.

"Teka ano yan?"

Umiling ito at tinago ang hairclip sa likod niya."Ang buong akala ko kasi masisiyahan ka pag binigyan kita ng isang bagay na ginagamit ng mga kababaihan. " Tinaasan ko siya ng kilay at nilahad ang kamay ko. Umiling ulit ito. "Wala-"

"Ibibigay mo o magagalit ako sa'yo?" Wala itong nagawa kundi i-abot sa akin ang isang hair clip. Akala ko ay yung karaniwang clip pero isa pala itong...hair comb? Puno ito ng disenyo ng mga bulaklak at mga makukulay na beads.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon