XXXIV. Panaghoy

280 15 5
                                    

Kabanata 34: Panaghoy

Third person's pov

"Mula sa cuarenta na kaninang mga kasama natin, tanging sampu na lamang ang aking naibilang," bulong ng isa nilang kasamahan kay Carlos na ngayon ay nagtatago sa ilalim ng isang malaking bato na napapaligiran ng mataas na damo.

Nasa itaas naman ng mayabong puno sina Denise at Ligaya na nagawa pang i-akyat ni Bagwis bago pa sila maabutan ng humahabol sa kanila. Pinagmamasdan ng dalawa mula sa kanilang pwesto ang mga guwardiya na sinisipa ang mga bangkay.

Pinigilan ng dalawang dalaga ang mapahikbi habang nakatakip ang kamay nila sa bibig, pinipigil na may kumawalang ingay na magiging dahilan ng kanilang kapahamakan. Pilit nilang iniiwas ang kanilang tingin sa tuwing sinisipa ang mga katawan ng kanilang mga kasamang nasawi.

Kanya-kanyang tago ang mga natirang kalalakihan gaya ni Bagwis na nakadapa sa isang damuhan habang pilit pinagkakasya ang sarili sa maliit na batong nakaharang.

Kailangang umalis ng mga gwardya bago sumikat ang araw dahil paniguradong makikita na nila kami dito ni Ligaya. Tiim na panalangin ni Denise na halos magpigil nang hininga dahil ang isang gwardiya ay nagawa pang sumilong sa punong pinagtataguan nila.

Tila narinig naman ang kanyang taimtim na dasal dahil unti-unti na nagsi-alisan ang mga guwardiya kaya naman unti-unti na rin nagsilabasan ang mga nagtatago.

At nang masigurong malayo na ang kalaban ay agad na lumaput si Bagwis sa dalawang dalaga upang alalayang makababa sa puno. Pilit iniiwas ni Denise ang tingin sa mga bangkay na kanyang nadaanan at mga pagtangis ng iba naming mga kasama nang lapitan nila ang mga bangkay na kanilang nakasama sa panandaliang panahon.

Ang iba ay tiningnan ang mga pulso nagbabakasakali na may maisalba kahit, ang iba ay halos hindi na makilala dahil tinadtad ng baril ng mga gwardiya ang mga mukha.

Naglaro sa isip ni Denise ang mga tanong kung paano sila nahanap. Dahil ba sa ingay namin kagabi? Napa iling si Denise. Napaka imposible.

"Paano nila naiwasan ang lugar na may mga patibong? Na tila ba alam nila kung saan nakatanim ito?" ang isa sa mga tanong ni Denise na kanina pa niya iniisip ay isinatinig ng Nakakunot noong si Bagwis.

At bago pa masagot ng ilan ang tanong na gumugulo sa kanilang isipan ay naalerto sila dahil sa mga yabag at kaluskos.

Agad na hinatak nila Carlos ang dalawang binibini pati na ang isang batang pilit nilang pinatatahan, nagkubli sila sa isang malaki bato na.

Pinigilan nilang mapansinghap nang makita at makilala ang kasama ng mga yabag na paparating kanina.

"An..Andeng?" Nanlalatang bulong ni Ligaya na nasa tabi ni Denise, na parehong nakasilip sa kanilang pinagtataguan.

At nang makita nila si Andeng na kasama ang dalawang guwardiya sibil na pumaslang sa kanilang mga kasamahan, hindi nakagapos at masayang nakikipagkwentuhan. Nasagot na ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa kanilang isip.

Lumabas sa pinagtataguan nila sina Bagwis at Carlos at pinalibutan ang tatlo, bago pa paputukin ng guardiya ang armas niya nasipa na kaagad ni Carlos ang kamay ng dalawa kaya nabitwan nila ito. Agad namang niyakap ni Denise ang bata nang magsimula itong umiiyak, naalala ng bata ang nasaksihan niya; ang mga guwardiya na walang awang pumatay sa kanyang ina.

Napapikit si Denise nang masaksihan niya si Bagwis at Carlos na walang awang pinadulas ang talim sa leeg ng dalawang guwardiya. Para itong mga manok na kakatayin nang tuluyan nilang gilitan ito sa leeg. Kumalat ang dugo at parehong pinunas nila Bagwis ang kanilang patalim na may bahid ng dugo sa uniporme ng dalawang bangkay.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon