XIII. Lamps and Flowers

873 52 10
                                    

Kabanata 13

Denise's Pov

"Denise, ipinaalala ko yan sa'yo. Dahil baka mawili ka sa panahon na ito. Makalimutan mong may naghihintay sayo sa panahon mo," paalala sa akin ni Kachichay habang nadungaw ako sa bintana habang nakangiting pinagmamasdan ang nakaka-relax na bundok at palayan. "May mga pamilya kang naghihintay sa pagising mo, Denise."

Sinamaan ko ito ng tingin." Si Ethan lang ang naghihintay na magising ako." Natawa ako nangg mapakla." Wala akong pamilya na sinasabi mo, si Ethan lang," Napahinto ako, "wala na nga palang maghihintay sa pag gising ko, ikakasal na pala kay Danica!" Binalewala ko ang kirot sa dibdib na naramdaman ko at tinakpan nang tipid na ngiti.

"Yan ang hirap sayo," napailing ito." Bahala ka, baka pagdating ng panahon pagsisihan mo ang mga sinasabi mo."

"Alam mo ba ang pinaka mapanganib na parte ng katawan ng tao? " hindi ako kumibo.

Wala nga si dad na sermon nang sermon, ito namang rabbit na ito ang pumalit. "Bunganga. Pag hindi mo napigilan yang bibig mo yan ang ikakapahamak mo."

"Binibining Denise?" natahimik si Kachichay nang may kumatok sa pinto. Boses iyon ni Aling Marieta, agad akong lumapit sa pinto para pagbuksan ang ginang.

"Aling Marieta?"

Nag aalalang mukha ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto, "narinig kitang sumisigaw, kung kaya't dali kitang pinuntahan. Binabangungot ka ba?"

Umiling ako at tipid na ngumit, "ayos lang po ako, isang masamang panaginip."

Tumango ito, "hayaan mo at isasama rin kita sa aking panalangin, magdasal ka rin bago matulog." Bilin niya at sinagot ko naman ito ng tango.

"Oo nga pala," inabot sa akin nito ang kumpol ng puti at pink na mga bulaklak. Agad ko naman itong tinaggap.

"Nagtungo ako sa Casa Salazar at nakasalubong ko ang dalawang ginoo. Nagkataong namimitas sila ng mga bulaklak. Pinaaabot ng dalawang ginoo ang mga bulaklak na iyan."

Napatitig ako sa dalawang magkaibang bulaklak. "Dalawang ginoo?" naguguluhan kong tanong.

"si Ginoong Bagwis at Ginoong Carlos."

Tumango ito, "pasasalamat ang nais ipaabot ni ginoong Carlos at ng aking pamangkin," Nakangiti niyang turan.

"Pasensya na at hindi ko agad naibigay nang makauwi kami. Alam mo naman ang tumatanda na, nakakalimot na."

Natawa ako, "naiintindihan ko po."

"Mabuti na lang at nakita ko habang nag aayos ako ng mga dala namin kanina."

Nakangiting tinitigan ko ang mga bulaklak,"salamat po."

"walang anuman, hija. Oh Siya sige, ituloy mo na ang iyong naudlot na siesta." Paalam niya bago ko isara ang pinto.

Babalik na sana ako sa higaan nang matigilan na naman ako napatitig sa mga bulaklak na ilalapag ko sa higaan.

Hindi naman siguro masama, na maging masaya pansamantala sa panahon na 'to.

****

"Kanina ka pa hinihintay ni Bagwis sa labas, nahihiya yatang gisingin ka,"sabi ni Kachichay. Napatingin ako sa bintana. Lumubog na ang araw.

Kumunot ang noo ko, "bakit?" hindi sumagot si Kachichay dahil busy ito sa kinain niyang kangkong. Kaya naman ay tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"Bagwis?" tawag ko sa lalaking naka suot ng suit na walang tie at may suot na sombrero kaya nanibago.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon