XIX. Mga Duda at Katanungan

846 35 24
                                    

Kabanata 19

Denise's Pov

"Quién eres?" Nakakunot noong tanong ng isa sa kanila. (Who are you ?)

Nagtaas ng dalawang kamay si Bagwis,"Maari bang inyong alisin ang mga armas sa harap ng mga mukha namin? Naparito kami upang bisitahin ang nadakip na si Don Santiago." Sinuot nito nang maayos ang sumbrero niya," ako ang pamangkin niyang si Bagwis Candelaria." Nang sabihin ni Bagwis ang pangalan niya ay natatarantang binaba ng guardiya ang kanilang armas at nagtanggal ng suot nilang sumbrero.

"Lo siento, señores." (I'm Sorry)

"Pagbuksan niyo kami." Utos ni Carlos

Mabilis na nagsiilingan ang dalawang guardia.

"Lo siento, pero los visitantes no están permitidos." Nakayukong sabi ng isang guardia. (I'm sorry, but visitors are not allowed)

Hindi ba sila marunong magtagalog? Sila-sila lang yung nagkaka-intindihan eh.

"Por qué no?(whynot) Oras pa naman ng pagtanggap ng pagbisita, ano ang dahilan upang kami'y pagbawalan?" sabat naman ni Bagwis.

"visitar don sanchez no está permitido."(Visiting Don Sanchez is not allowed.)

"Bagwis, anong sabi? Bakit hindi pa tayo pinapapasok?" Hindi ko na napigilang mag-tanong kay Bagwis dahil naguguluhan na ako.

Tiningnan ako nito at umiling ito," Pinagbabawalan tayo bisitahin ang tiyo."

Magrereklamo sana ako nang may biglang sumigaw sa likuran namin. Tumigil ang isang kabayo, nagmamadaling bumaba roon ang si Tinyente Chavez. Tinanggal nito ang sumbrero at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri, naka bukas ang isang butones ng damit nito sa kanyang bandang leeg at dahil siguro sa pagmamadali nito tumulo ang pawis nito sa noo.

Napakurap ako nang magsalubong ang tingin namin ni Timoteo na agad ding niyang inilipat ang paningin kay Bagwis.

"señores," tumingin ito sa likuran namin at may sinisenyas, napatingin ako nang umalis ang dalawang batay at pumasok sa loob. Nang makaalis na ang mga bantay, ngumiti ito kay Bagwis.

"Pinsan." "Timoteo!"" Nagulat ako nang bigla nitong tinapik si Bagwis, pabiro namang niyang sinuntok ni Timoteo ang balikat ni Carlos.

Hindi na ako magugulat na close silang tatlo dahil kaibigan ni Bagwis ang pinsan niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan magulat sa pagtrato nila sa isa't-isa ang layo kasi ng ugali nila pag nandyan ang mga magulang nila. At parang walang nangyaring sagutan nung nakaraan.

"Nais kong humingi ng paumanhin sa naganap-" natigil sa pagsasalita si Timoteo nang ipatong ni Bagwis ang kamay niya sa balikat ni Timoteo.

"Nauunawan namin na ginagawa mo lamang ang ipinag utos sa iyo." nakayuko pa rin ang tinyente kaya lumapit na rin si Carlos para tapikin din siya sa balikat.

"Mukhang masyado ka naging abala nitong mga nakaraang araw." Natatawang sabi ni Bagwis na inalis na ang kamay sa balikat ng tinyente.

"Sunod-sunod kasi ang mga bilin ng Gobernador-heneral, marami akong kinakailangang tapusin." Tipid na ngiting sagot ng tinyente. Yumuko naman ako at nagkunwaring hindi interesado sa kumustahan nila.

"Pasensya na, mukhang kami ay nakaka-abala?" tanong naman ni Carlos.

Umiling ang tinyente at tiningnan si Bagwis, "ang totoo niyan, ako'y galing sa Casa Candelaria at ika'y wala sa mismo niyong tahanan. Ang sabi ng inyong kasambahay ay maaring ika'y nasa tahanan ng iyong tiya. "

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon