XXXV. Kaibigan o Kaaway

263 16 1
                                    

Kabanata 41

Denise's Pov

Pikit matang nakangiwi ako dahil sa kirot ng likod ko sanhi ng malamig na pader na sinasandalan ko ngayon. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ilang beses na napakurap dahil sa bumungad sa akin pagkadilat ko.

Iginala ko ang aking paningin at nahagip ng mga mata ko ang rehas na bakal at si Ligaya na nakahigang nakabaluktot habang akap-akap pa ang sarili.

Unti-unting pumasok sa isip ko kung nasaan kami na nagpatunay na hindi lang panaginip ang nangyari sa amin kagabi...

Bago pa sumikat ang araw, umalis ang ilan sa amin, tinuloy ni Don Lolong at Carlos ang binabalak na pagsugod at pagtakas kay Don Antonio. Samantalang si Andeng ay nasa puno pa rin na pinagtalian sa kanya kanina, ni hindi ko na siya magawang tingnan dahil sa masaklap na nangyari sa kanya. Ni bawal kaming lumapit at bigyan siya ng makakain at maiinom. Tila ba inaantay na lang nila na mamatay yung tao, hindi lang dahil sa infection ng mga sugat niya kundi pati na rin sa gutom.

Kinausap pa nga ni Carlos si don Lolong kung maaring bigyan kahit tubig si Andeng ngunit masyadong naging matigas ang damdamin ni don Lolong at ng mga kasamahan nila.hindi ko rin naman sila masisisi dahil naiintindihan ko ang pagluluksa nila.

Habang nagbabalak ng pagsugod sila Carlos at ang grupo ni Don Lolong sa San Sebastian, naiwan naman si Bagwis at limang kalalakihan para may bantay kaming mga nasa sampung babae,kasama na ang ibang mga naiwan na babae sa grupo ni Don Lolong.

At eksaktong pagsikat ng araw, ibinalita sa amin na matagumpay na naitakas si Don Antonio at kasalukuyang nasa kuta na nila Don Lolong. Pero sa susunod pang dalawang araw makakabalik sila Carlos para pahupain ang naging gulo at para na rin hindi kami matunton sa bago naming pinagtataguan.

"nakita niyo na ba si Ruben?" tanong ko kay Bagwis na sinagot ako nang pag iling. Maghapon na naming hinahanap si Ruben na nawawala, ayaw man namin mag isip ng masama dahil nag aalala rin kami, dahil kung kasama siya sa namatay, bakit sa thrirty na bangkay ay wala ang katawan niya?

"huwag kang na mabahala, binibini. Ako ay nagtungo kay Albino bago magpunta rito upang malaman niya ang nangyari, ang sabi niya ay kanyang ipapaalam kaagad kung may mabalitaan man siya kay kuya Ruben, " napatingin ako kay Feliza dahil sa sinabi niya.

"nagkikita kayo ni Albino?"halos mapunit ang mga labi ko sa kakangiti dahil sa nalaman ko. Nanlaki naman ang mata ni Feliza at nag iwas nang tingin.

"n-napadaan lamang po ako kanina sa simbahan upang mag alay ng panalangin," paliwanag niya.

Natawa na lang ako at napailing, mga taong masyadong obvious. Sana ay may umamin na sa isa sa kanila.

Si Feliza lang ang nakakapunta sa San Sebastian dahil may kamag anak siya rito sa Batangas. Pwede siyang magdahilan na binibisita niya at dinadalhan ng gamot ang tiyahin niyang may sakit, bumibisita lang siya dito para magdala ng balita sa mansyon ng mga Salazar pati na rin sa mga nangyayari sa San Sebastian.

Mabuti na rin na agad niyang natanggap ang nangyari sa amin para maihatid niya kay don Lolong ang kasalukuyang sitwasyon namin.

"Maging ako man ay nababahala na rin kay kuya Ruben, itinuring niya akong kapatid, kahit na hindi niya ako isang tunay na kapatid."

Napahinto ako sa pagpaypay ng apoy sa niluluto namin, "anong ibig mong sabihin?"

Tipid na ngumiti si Feliza, "dating kapitbahay ako nila kuya Ruben, tinamaan kami ng isang kumakalat na nakakahawang sakit maging ang ina ni kuya Ruben. Mapalad na ako ay nabuhay, kasama sa mga nasawi ang aking mga magulang at kapatid at ang kanyang ina. Kinupkop naman ako ni kuya Ruben sapagkat wala na rin ang kanyang ama."

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon