XII. Baked Friendship

949 57 20
                                    

Kabanata 12

Denise's Pov

"Nakakasigurado ka ba binibini na hindi ka nangangailangan ng tulong? " tanong ni Don lolong.

"Kung nais mong magpaiwan ako para ika'y aking matulungan sa paglalaba," dadag ni aling Marieta.

"Naku! wag na po," tanggi ko." Mas kailangan kayo ni Don Lolong sa pupuntahan niya," Sabi ko.

Nasa likod kami ng bahay ni Aling Marieta at mga ilang lakaran lang ay tabing ilog na. Dalawang linggo na ang nakaraan at dalawang linggo na rin akong nakikitira sa kanila. Dalawang linggo ko na ring di nakikita si Carlos samantalang si Bagwis ay bumibisita para silipin ako at kamustahin kami.

Maglalaba kasi ako ng mga damit na pinahiram sa akin ni Aling Marieta, ayaw pa nga niyang maglaba ako buti na lang at napapayag ko siya dahil nakakahiyang siya pa ang maglalaba ng mga sinuot ko.

At ang sabi ng ginang dito raw naglalaba ang buong mamayan ng San Sebastian, sa ilog na entrance ng San sebastian. Pag nakatawid ka na raw sa ilog, ibig sabihin ay nasa bayan ka na.

"Kung ganon aalis na kami habang nilalabhan mo ang iyong mga kasuotan. Umuwi ka kaagad bago ang paglubog ng haring araw."

Tumango ako. Ang akala ko ay aalis na sila pero nilingon ulit ako ni Don Lolong. "Sinabihan ko ang aking pamangkin na ikaw ay kanyang tulungan, mayamaya ay nandito na iyon."

"Salamat po, Ingat po kayo!" Bilin ko habang naglakad paalis ang mag asawa habang magkahawak ang kamay.

Napangiti ako. Nakakatuwang tingnan na sa edad nila para silang kahapon lang naging mag-girlfriend at boyfriend.

Ganyan dati sila mom at dad kung hindi lang -nevermind.

Napatingin ako sa paligid. Buti naman at pupunta si Bagwis, saviour ko talaga yung lalaking 'yon.

Lumapit ako sa tubig at nagtampisaw sa malamig at malinaw na tubig. Ang sarap mag outing dito. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, kung nandito si Ethan matutuwa yon dahil mahilig 'yon sa mga ganitong lugar.

Tahimik ang paligid tanging pagtampisaw ko sa tubig na sumasabay sa tunog ng mahinang agos ng ilog. Nakikita ko pa ang mga batong naapakan ko sa ilalim, pati ang maliliit na isdang lumalangoy papalayo pag ginagalaw ko ang paa ko. Maliban sa ilog ay agaw pansin din ang mga huni ng ibon na nasa mga malapit na puno.

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga puting mga ulap. Natatakpan ng mga dahon ng mga mataas na puno ang sikat na araw kaya hindi gaanong kainit, at kahit na mataas na ang sikat ng araw ay hindi masakit sa balat ang init. Napakurap ako. Ganito pa rin kaya ang lugar na ito sa panahon ko?

"Miss!-- Ay binibini! "napatingin ako sa babaeng boses na nasa kabilang parte ng ilog. May tinuturo ito sa bandang kanan ko kaya agad akong napatingin doon.

Natapon pala yung batya na may mga lamang damit at tinatangay sa agos ng tubig yung ibang damit kaya dali-dali ko itong pinulot at inilagay sa batyang kahoy.

Napalingon ako nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko. Nakita ko yung babaeng tumatawag sa akin, kasama na niya ang isang ding teenager na lalaki. Pinupulot nila yung ibang damit na napunta sa direction nila.

Ako na ang lumapit sa kanila para kunin ang mga damit.

Ngumiti ako, "Maraming salamat." ginantihan ako ng ngiti ng babae at tumango naman yung kasama niyang lalaki,

"Walang anuman miss- ay ate,"sagot ng babae.

"Bantayan mong maigi ang isang bagay para hindi mawala. Wag mawalan ng pokus sa dapat na pinagtutuunan ng pansin," seryosong sagot naman ng kasama niya na ikinakunot ng noo ko.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon