XXIX. Liwanag at Dilim

654 35 3
                                    

Kabanata 29

Third Person's pov

Ang tahimik na bayan ay muling nabulabog ng mga sigaw ng mga guwardiya sibil, sa pangunguna ng isang guwardiya. Nakasunod sa kanila ang pila-pilang mga nadakip na pinaghihinalaang mga rebelde. Gula-gulanit ang mga damit ng mga nadakip, na puro latay ng mga latigo at pamalo.

Tulong-tulong ang mga ito sa mga binubuhat na sakong may mga lamang palay at halamang ugat. Ilan sa mga kaanak ng mga bilanggo ay walang ginawa kundi ang umiyak sa isang tabi habang pinaparada at pinaparusahan ang mga bilanggo.Ang iilan na natatakot madamay ay lumalayo sa nakasalubong na pila.

"Ganyan ang nangyayari sa mga nagbabalak na kumalaban sa pamahalaan," bulong ng isang matanda sa kanyang kausap.

Naging usap-usapan din ang nangyari sa paglilitis ni Timoteo at Denise na naganap nung nakaraan, iba't-ibang kuro-kuro at haka-haka ang kumalat sa nangyari.

"Mukhang kasintahan ng Senyorito Bagwis ang babaeng naakusahang rebelde,"sabi ng isang payat na ale na namamaypay ng hawak nitong abaniko.

"napaka imposible!" kontra ng kausap niyang singkit ang mata at puno ng pulseras ang braso, lumikha ito ng tunog na nagbanggan nang binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili. "Si señorita Ligaya ang kasintahan ni señorito Bagwis."

"sila'y pinagkasundo lamang," pagtatanggol ng isang buntis na babae. "at huwag na kayong makialam pa sa mga buhay nila," pangangaral nito.

"Ikaw ay natulungan lamang ng babaeng dayo, kaya mo siya pinagtatakpan."

Umismid ang babaeng buntis, "ako ay nagsasabi ng katotohanan, batay sa nasaksihan ng aking mga mata."

Naputol ang usap-usap nang mapadaan ang isang tumatakbong kabayo, na sakay ang isang binata. Pinahinto nito ang kabayo sa tapat ng bahay ng Alcalde Mayor ng San Sebastian. Bumaba ang lalaking sakay, na nakasuot ng pang heneral at dire-diretso itong pumasok sa loob. Napahinto lang ito nang masalubong niya ang isang dalaga na palabas naman ng bahay. Sabay na natigilan ang dalawa, lalagpasan na sana ito ng binata pero tinawag siya ng dalaga kaya naman mul siyang napahinto..

"Nasaan si Carlos, Timoteo?" tanong ng dalaga.

Nilingon naman ito ng binata at bagot na tinapunan ng tingin ang dalaga."Bakit sa akin mo hinahanap si Ginoong Carlos, señorita Andeng?"

Tumaas ang isang kilay ni Andeng sa naging sagot ni Timoteo. Hindi kasi ito kumbinsido sa sagot ng binata.

Aalis na sana ulit si Timoteo nang mapahinto ito sa sinabi ni Andeng. "bakit ganyan ang hilatsa ng mukha mo, Timoteo? Hindi mo pa rin ba matanggap na mas pinili kong magpanggap tayo na magkasintahan upang manibugho si Carlos?" tumawa ito nang mahinhin na tila ba nang aasar. "hindi mo pa rin ba matanggap na magpinsan na tayo? Tinyente Timoteo."

Huminga nang malalim si Timoteo bago humarap sa salaga at napailing nang dalawang beses, "huwag na tayong maglokohan pa, señorita Andeng. Alam ng bayan ng San Sebastian na hindi ka tunay na Chavez, at mawalang galang, señorita."

Huminga ito nang malalim,"Mayroon na akong napupusuan. Huwag mo sanang masamain ang katotohanang, hindi ganoong kalalim ang pagtingin ko sa iyo. At mas nanaisin ko pa ang masaktan sa pagtanggi ng minamahal kong binibini ngayon. Kaysa ang umibig sa binibining, sarili lamang ang kanyang iniisip,"mahabang lintaya ni Timoteo bago iwan ang nagulat na dalaga.

Hindi man niya nais sabihin sa binibining ang mga salitang yon. Ngunit "Masyado nang nasagad ang aking pasensya, masyado kasing mataas ang tingin sa kanyang sarili," bulong ng binata sa hangin.

Samantala, sa loob ng tirahan ng Alcalde mayor. Habang nasa labas si Timoteo at Andeng, may nagaganap na usapan ang Don at Doña – si Don Bernardo Chavez, ang bagong Alcalde mayor at si Doña Letisya, na kanyang malapit na pinsan.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon