VII. Black and Red

1.3K 65 8
                                    

Kabanata 7

Denise's Pov

Nakatulala ako ngayon sa pawid na bubong ng bahay. Nakakapanibago ang katahimikan. Parang ngayon lang na-relax nang ganito ang tenga ko.

Nang magkaroon ako ng malay,mag isa na naman ako sa kwartong ito. Nagpanggap lang ulit ako na wala pa ring malay nang pumasok ulit si...

Ano nga ulit ang pangalan nun?

Bag...Bagdis?Bagwis ?

Ah tama si Bagwis!

Hindi pa kasi ako maka get-over at hindi naman ako slow para hindi ko ma-gets kung bakit ako nandito.

Naalala ko tuloy nung nagpunta kami ng hospital na kasama ko si Ethan para dalawing ang gurang na si Guevarra, nung magbago ang paligid. Ganitong-ganito ang nakita kong suot ko, pati ang pagbabago ng lugar kung saan nakatayo ang hospital, 'yon ang nakita ko kanina nang dumungaw ako sa bintana at na-confirm na nasa ibang taon ako.

Warning ba 'yong hallucination ko nung araw na 'yon?

Naalala ko ang bilin sa akin ni Kachichay."Bago matupad ang hiling,mauuna ang hinihinging kapalit."

Ibig sabihin bago ako makabalik sa katawan kailangan ko muna unahin ang kapalit bago ako makabalik?Ang kapalit na sinasabi ay ang pagka padpad ko rito? Bumalik ako sa past?

nakakabaliw!

Sabi kanina ni Bagwis nasa bahay raw ako ni Andres Bonifacio, so anong taon na ?

Ngayon nagsisisi ako na hindi ako nakikinig ng history namin nung nag aaral pa ako.

Kinamot ko ang kanina pang nangangati kong braso dahil sa suot ko. Bakit ba kasi ganito kahahaba ang damit nila?

Natigilan ako ng maalala ko ang huling suot ko.

Yung dress ko na offshoulder at one-inch above the knee ang iksi. Nasaan na kaya yon? Kaya naman pala mautal-utal si Bagwis kanina sa pagbanggit sa damit ko.

Napairap ako. Hindi ako tatagal sa ganitong life style. Naisahan ako ni Kachichay at nung pond na yun!

Bigla akong bumangon sa pagkakahiga. Wait.... speaking of Kachichay.

Nasaan nga pala yung rabbit na yun? Wag mong sabihin naiwan sa present at hinayaan ako dito!?

HINDI PWEDE!

Mabilis na tumayo ako at lumabas ng kwarto bitbit ang kandilang nakatayo sa isang lalagyan.

"T-Tao po?" Nauutal kong tawag paglabas ko ng kwarto. Nang walang sumagot ay bumaba ako ng hagdan.

Parang nasa movie ako ng The haunted mansion. Ang dilim!

Napanganga ako nang inikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay.

May isang lampara na nagbibigay ng liwanag sa ibaba. Ang pinagkaiba lang ng bahay na 'to sa haunted house ay hindi ito mukhang nakakatakot gaya ng mga nasa tv na may mga taklob na tela ang mga gamit at puro sapot. Sa bahay na 'to ang kintab ng sahig at nung mga gamit. Hindi ko lang masyadong maaninang nang maayos dahil hindi sapat ang ilaw na nanggagaling sa lampara para makita mo 'to nang maayos.

"Bagwis?" Sumilip ako sa labas ng maindoor na nakita kong nakabukas. Pero wala akong nakita kundi ang madilim na labas.

Lumapit ako sa isang lumang orasan.

Kinikilabutan ako sa tunog nito, feeling ko tuloy nasa horror movie ako.

six fifty-five pa lang? Pero ang dilim na sa labas dahil walang mga poste ng ilaw.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon