IV. Confusion

1.5K 66 23
                                    

Kabanata 4

Denise's pov

Isang linggo na ang nakalipas at ngayong araw na ang labas ni tanda sa hospital kaya kailangan kong makaalis agad ng hacienda bago nila ako maabutan. Hindi na rin ako bumalik ng hospital, binabalitaan lang ako ng mga tinatawagan kong nurse na nagbabantay, sinabi ko rin na wag nilang sasabihing tumatawag ako.

Inayos ko ang suot kong dress at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay, kinuha ko muna si Kachichay na nasa basket bago ko dinampot ang maliit na backpack.

Nasa harap na ako ng salamin at maglalagay na sana ng lipstick nang natigilan ako.

Naalala ko kasi ang sinabi ni Ethan at dahil diyan naiiling na binalik ko sa bag ang lipstick habang nakangiti. Hindi na muna siguro ako maglalagay, may magrereklamo na naman.

Speaking of Ethan, halos isang linggo na kaming hindi nagkikita, tapos kagabi pa ang huli naming pag uusap at sa phone call pa. Tuwing gabi lang kasi kami nagkakaroon ng mahabang oras mag usap maliban sa chat o panandaliang tawag para kamustahin ako.

Minsan naman pinupuntahan niya ako sa bakeshop pero simula nung isang araw pinapadalhan lang ako nito ng pagkain.

Puno na raw kasi ang schedule niya ngayong week kaya hindi na rin ako nag abala pang puntahan siya sa opisina niya dahil baka magkita pa kami ni Danica.

Mapapadalas ang pagkikita nila ni Danicang bruha dahil sa business. Tini-train kasi si Danica ni Guevarra sa pagpapatakbo ng Guevara airport.The future tagapagmana.

May kompanya rin kasi ang mga Sylvester na airline. Kaya pala naroon siya sa opisina ni Ethan nung isang araw. At hindi man lang ako na-inform ni tanda, kay Ethan ko pa nalaman.

Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling bumaba sa pagkahaba-haba naming hagdanan.

"Manong!" tawag ko sa bago naming driver. Dahil pinalayas ko ang nang iwan sa akin sa airport. Pero as usual, hindi pumayag ang epal kong stepsister. So, ang nangyari, sa kanya naka buntot ang driver na iyon at kumuha ako ng sarili ko. In case na hindi ako masundo ni Ethan, gaya na lang ngayon.

Kumunot ang noo ko dahil hindi sumulpot ang tinatawag ko."Ma--"naputol ang sasabihin ko nang may biglang pumasok sa front door.

Si Guevarra, kasama ang dalawang bruha at ilang mga katulong. Napahinto naman ang mga ito nang makita ako na pababa ng hagdanan.

Malas talaga. Siguro sa condo muna ako ni Ethan para maiwasan ko 'tong mga tao sa bahay. Sa laki ng bahay na ito nagkakasalubong pa rin talaga kami.

Hindi ko sila pinansin, dire-diretso na naglakad at nilagpasan sila. Pero huminto ako nang biglang magsalita si Guevarra."ritorno prima delle sette." (comeback before seven)

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatayo habang nakatalikod sa kanila.

Tama ba ang pagkakarinig ko? Pina uuwi ako ng seven? Akala ko ba ayaw niya akong makita? Anong magandang hangin ang sumapi sa kanya?

"may bisita tayo mamaya sa family dinner."

Asa ka naman Denise. At family dinner? kailan pa ako umattend sa family dinner?

"hindi pwedeng hindi ka makakarating Denise,"mariin nitong sabi, na tila ba nahulaan ang nasa isip ko."Bisita natin ang Sylvester family,"dagdag niya.

Gusto kong matawa, hindi naman kumakain ang pamilyang yon, well as if na alam nila na dugo ang pagkain ng pamilya ni Ethan hindi yung natural na pagkain.

At parang wala namang nabanggit sa akin si Ethan nung nakaraan na dito sila mag di-dinner.

"Huwag mo ako ipapahiya mamaya." Hindi na ako sumagot dahil huminto ang isang sasakyan sa harap ko, agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob na hindi binigyan ng sagot si Guevarra kung pupunta ba ako mamaya.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon