II. Vampire's Lullaby

2.2K 51 16
                                    

Kabanata 2

Denise's Pov:

Puwede palang mainis kahit ikaw talaga yung nang iinis?

Napansin kong nawala ang pagkunot ng noo ni Ethan at napalitan nang makahulugang ngisi kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.Binasa na naman niya ang isip ko.

Binalik ko ang tingin kay Danica saka ko tiningnan ito mula ulo hanggang paa at inirapan ko naman ang lalaking katabi niya na ngayon ay nakangiti nang malapad.

Nilapitan ko naman si Danica, umatras ito nang tumigil ako sa harap niya."Did I give you permission to step on this building?" tanong ko.

Bumuntong hininga ito," Guevarra ang surname mo sa pag kakalaalam ko, hindi Sylvester," Sarcastic nitong sagot.

Tumikhim ang lalaking kasama namin, kaya sabay kaming napatingin sa kanya ," Miss Guevarra, I'll dismissed our meeting for now."

"It's bebe time na kaya, tapos na ang work time," dagdag ko na nagpatawa nang mahina kay Ethan habang tumango-tango.

"Yeah, my baby's time."

Gusto kong itulak mula 10th floor si Ethan dahil sa pang aasar niya. Okay, role nito sa buhay ay asarin ako pag naiinis ako.

Tanging tango ang naging sagot ni Danica matapos na formal na makipagkamay kay Ethan.Tinalikuran ko naman sila at naglakad papunta sa gilid ng glass wall.

Napangiti ako nang makita ko ang ilaw sa labas, dahil dumidilim na nagsisimula na ang city lights na isa sa mga magandang view. Para ka kasing may liveshow ng mga stars at hindi mo na kailangan ng telescope.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso mula sa likuran ko at ang ilong nitong sinisinghot ang batok ko.

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko dahil nasa likuran ko ang dahilan kung bakit nadagdagan ang inis ko ngayong araw, pero parang biglang nawala lahat ng negative sa akin nang pumulupot na ang mga braso niya sa akin.

Hindi ako nakatiis na sumandal sa kanya, pareho kaming walang kumibo. Patuloy lang siya sa pag singhot ng batok at leeg ko.Hanggang sa dumampi ang labi nito sa pisngi ko at napunta sa labi ko, iniwas ko ang labi ko ng magsimula nang gumalaw ang labi niya.

Nakalimutan kong naiinis nga pala ako sa kanya.

Ethan chuckled at humigpit ang yakap sa akin.

Napatingin ako sa kamay namin nang hawakan niya ang kanang kamay ko. Naipikit nito ang kanyang mata habang dinadampian ng maliliit na halik ang palad ko.

"bere." (drink )

"Are you sure?"

Tumango ako at inantay sa gagawin niya. Napangiwi ako nang bumaon ang mga maliiit at matalim nitong ngipin sa ilalim ng hinlalaki ng kamay ko, rinig na rinig ko ang tunog ng pagsipsip niya pati na rin ang paglunok niya. Akala ko ay kailangan ko pa siyang pilitin.

Agad namang itinigil ni Ethan ang ginagawa niya. Gaya ng dati ,wala akong nakitang sugat sa parte na kinagatan niya. Pero yung nararamdaman kong hilo, hindi nawala.

Mariin kong pinikit ang mata ko dahil nagsimula na ring kumirot ang ulo ko.

"Mi dispiace, baby ," ( Im sorry ) naramdaman kong binuhat ako ni Ethan. Dinilat ko ang namumungay kong mata nang haplusin niya ang mukha ko.

Muli niya akong niyakap nang mahigpit at binaon pa niya lalo ang mukha niya sa leeg ko. Nanghihinang pinulupot ko ang magkabila kong braso sa kanyang leeg at marahang sinuklay ang kulot nitong buhok.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon