XXVIII: Sa Gubat ng mga Candelaria

623 28 9
                                    

Kabanata 28

Denise's Pov

"Ano ba yan, natutulog yung tao!" reklamo ko habang nakapikit at binugaw ang gumagalaw sa tenga ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga habang nakapikit at sinabunutan ang sarili kong buhok."Ethan! Hindi ka talaga makakahingi sa akin–" natigilan ako nang tuluyan ko nang maidilat ang mata ko. Mukha ni Carlos ang bumungad sa akin kaya naman agad akong umayos ng upo.

Napatingin ako sa kamay ni Carlos nang itaas niya ang kamay niya para ipakita ang tuyong dahon na hawak niya. Inihilig ko ang ulo ko sa kaliwa kong balikat at kumunot ang noo ko habang nakatitig pa rin sa hawak niyang dahon.

I heard him chuckled kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"pasensya ka na kung kinakailangan kong sirain ang tulog mo sa pamamagitan ng dahong ito, binibini," nakangiti niyang sabi.

Napakurap ako nang ilang beses at napangiwi. Agad kong inayos ang sinabunutan kong buhok. Bakit naman bigla akong nahiya?

Nawala ang ngiti niya nang hindi ako kumibo. Nahagip ng mata ko na binaba na niya ang kamay niya at binitawan ang dahon. Tumikhim siya at umatras ng isang hakbang. "Kinakailangan nating bumaba sa karwahe, upang tayo ay makatawid sa ilog."

Dahil sa sinabi niya, bumalik ako sa katinuan. Na nasa loob ako ng kalesa at nasa baba na si Carlos, inaantay akong bumaba.

Ihahatid niya kasi ako pauwi pagkatapos ng nangyari kanina. Pagkatapos kong makalaya..."Teka, ihahatid mo ako sa bahay ni Aling Marieta. Bakit may ilog?"

"Ibinilin sa akin ni Bagwis na saa kagubatan na pagmamay ari ng kanilang pamilya tayo magtutungo. Meron silang kubo sa gitna ng kagubatan,"paliwanag ni Carlos.

Kahit naguguluhan kung bakit kami sa gubat nila Bagwis pupunta. Bumaba pa rin ako ng kalesa at inalalayan pa rin ako ni Carlos, kahit na sinabi kong kaya ko naman.

Napatingin ako sa kalesa na iiwan namin dahil si Carlos kasi ang nagpaandar nito. Sabi ni Carlos ay kukunin daw ito ng kutsero nila.

"nasaan nga pala si Bagwis?" tanong ko nang mapansin ko na wala si Bagwis.

Nilingon ako ni Carlos at nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito para maalalayan niya ako sa pagtawid namin ng ilog. Itinaas ko naman ng konti ang saya ko para hindi mabigat. Napangiti naman ako nang mahagip ng mata ko na iniwas agad ni Carlos ang kanyang tingin.

"naabutan namin si Doña Letisya sa bahay ng tiya. Nasa labas na ang mga gamit ng mag asawa at ipinapasok ang mga bagong kagamitan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Carlos.

"Inalis?" naguguluhan kong tanong. "pwede ba yon? Eh hindi naman siya ang may ari..." natigilan ako. "Wag mong sabihing—"

"si Doña Letisya na ang bagong nagmamay ari ng casa Sanchez, Denise." ang lamya ng boses ni Carlos.

"Ipinakita ni Donya Letisya sa amin ang kasulatan na nagpapatunay na sa oras na hindi mabayaran ni Tiya Marieta ang kanyang utang ay kukunin nito ang Casa Sanchez. May lagda rin ng tiya ang kasulatan, na ibig sabihin ay sumasang ayon ito, " paliwanag niya, "naiwan si Bagwis upang makahingi ng tulong."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Nalulungkot ako na may bago ng may ari ng bahay. Hindi lang dahil sa wala na akong matutuluyan, kasi naman simula ng dumating ako rito ay yun na ang naging tirahan ko.

Wala sa sariling napatingala ako sa langit. Aling marieta, wala na nga kayo. Wala na rin yung tanging ala-ala namin sa iyo.

Bumuntong hininga ako at napayuko.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon