NOL 33 (XXXIII)

657 57 19
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Kasama mo si Arkin kanina 'di ba? Nasaan na siya?" tanong ni Renz sa gitna ng pagnguya niya ng tinikman niyang ube halaya. Na personal pang dinala rito nina Nanay at Tatay para personal na ibigay kay Renz at makibalita na rin sa friendly date namin. 

"Oo nga, pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Bigla siyang nawala, eh. Ang galing nga niya mag-magic! Ang galing pa niya manghula at ang galing rin niya biglang maglaho. Para siyang palitao, lulubog at lilitaw, islaw. Haha!"

"Oh, I see. Bubuwit, oh, tikman mo luto ng nanay mo."

"Hindi na." Iwas ko sa isusubo niyang isang kutsaritang ube halaya. Pinasakan ko agad ang bibig ko ng kinakain naming french fries para hindi na niya ako kulitin. Inabutan ko rin ang medyo nasa malayo sa aming si Fulgoso ng dog food na ipinabili pa ni Renz kay Mang Andoy para sa kaniya.

Kasama nga namin siya tumambay dito sa bubong ng tindahan ni Lola. Malayo siya kay Renz. Sa akin siya malapit. Paano, napakaduwag ng katabi kong Señorito. 

"Bubuwit." Ibinaling ko na ang atensyon ko kay Renz. Sa kalsada siya nakatingin, parang may iniisip na namang malalim. 

Naku po! Mukang susumpungin na naman siya ng katoyoan niya't kaaningan. Baka layasan niya na naman ako.

"Paano kung ipagbawal sa'yo na mag-asawa ng foreigner?" tanong nito.

"Ayos lang, baka kasi maaga akong kunin ni Papa Jesus sa kaka-nosebleed ko araw-araw."

Natatawa itong tumingin sa akin. "May lahi lang foreigner, not pure. Nakakaintindi at marunong mag-Tagalog."

"Ah! Parang ikaw na kalahating Pinoy at kalahating Kangkong nationals!"

"Yeah. Parang ganoon. Paano kung palayuin ka ng magulang mo sa katulad ko kasi may lahi akong foreigner. Ano gagawin mo?"

"Bakit naman palalayuin? Baka nga matuwa pa sila Nanay kasi may lahing foreigner magiging asawa ko."

Napakamot ito sa ulo niya. "Halimbawa, Bubuwit, ikaw kunwari ang First Queen of Maharlika pero kahit dito ka ipinanganak, lumaki at tumira sa Philippines...Maharlikans pa rin ang nationality mo, dahil ang tatay mo ay isang hari. Sa rules ng bansa niyo, bawal mag-asawa ng may lahing foreigner. Pero may nagugustuhan kang foreigner. Ano ang gagawin mo?"

"Wala bang pagpipiliang ABCD iyan, Renz? Parang exam natin sa EP."

"Hahaha! Bubuwit ka talaga! Haha!"

"Wala naman kayang nakakatawa sa sinabi ko," nakanguso kong sabi sa kaniya.

"Walang multiple choice. Basta, sagutin mo lang, wala namang tama at mali. Gusto ko lang marinig ang opinion mo."

"Ah! Kung ako ang First Queen of Maharlika at nagkagusto ako sa katulad mong may lahing foreigner. E'di kakausapin ko ang tatay kong hari na may gusto akong foreigner. Wala namang tatay 'di ba na hindi ibibigay ang ikasisiya ng anak nila."

"Sa tingin mo ba papayag siyang suwayin ang sariling batas ng bansa nila para sa anak lang niya?"

"Oo naman, kung mahal talaga niya ang anak niya, magsasakripisyo siya. Ganoon naman ang mga magulang, eh!"

"Pero paano kung hindi ganoon ang mangyari? Paano kung papiliin ka niya? Ang tungkulin mo sa bansa niyo o ang gusto mong foreigner? Isa lang ang dapat piliin."

"Ang hirap naman niyan. Pang-high school ng tanong iyan, eh! Kay Tita Thea kaya natin itanong iyan."

"No," anito agad. "forget about that na lang, Bubuwit."

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now