NOL 49 (XLIX)

1.2K 140 147
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

(Tuesday, January 16, 2018)

*Palermo Corporation*

Inhale. Exhale. Breath in. Breath out. Okay! Ito na talaga papasok na ko sa office ni Sir Kersey. Sana walang ibang tao para hindi masira ang plano ko na imbitahan siya sa aking kaarawan.

Inayos ko muna ang aking sarili. Nagpakawala ako ngmalalim na buntong-hininga, saka ko dahan-dahang pinihit ang door knob.

"Hoy, babaita!" Nawala na naman tuloy ang lakas ng loob ko. Tsk. Inis kong nilingon ang mga kaibigan kong papalapit sa akin. "Totoo ba ang sinabi ni Gian?" dagdag pa ni Patricia.

Kunot-noo ko silang tinignan isa-isa. "Ang alin?"

"'Yung lalaking kasama mo noong new year at ang naka-blind date mo nung mismong araw rin na 'yon. Si Renz ba 'yon?" si Nikki na may pairap-irap pang nalalaman.

Ang arte. Haha!

"Aish! Hindi naman kami maka-relate sa sinasabi niyo. Sino ba 'yon?" eksena naman ni Ate Mandie.

"Oo nga! Sino ba 'yon, Jennica?! Mukang may hindi ka sinasabi sa'min," ani Norby.

"Ano? Totoo ba?" taas-kilay na tanong sa'kin ni Patricia habang naka-cross arm at ganun din si Nikki. Nakigaya na rin ang out of place kong bestfriend, pati na rin si Norby at ang kadadating-dating lang na si Janina.

"Sorry, I'm late!"

Ang tataray naman ng mga kilay goals nila, hindi ko ma-reach.

Tinignan ko muna sila isa-isa at saka ako marahang tumango bilang pagsasabi ng, "Oo, tama ang sinabi ng boyfriend mo!" Tsk. Ang chismoso talaga nun.

Ang sasama ng tingin nila sa'kin kaya tinalikuran ko na lang sila. Pumasok agad ako ng office ni Sir Kersey.

"Hindi pa tayo tapos, Jennica! Magtutuos tayo mamaya," dinig ko pang banta sa akin ni Patricia.

"Whose Renz?"

"Ayy! Anak ka ng garapata! Sir Kersey! Ba-bakit po kayo nandiyan?" And I'm thankful na wala akong sakit sa puso. "S-sorry po.."

Tatawa-tawa naman itong umalis sa may tabi ng pinto at umupo sa trono niya. Aba! Right timing! Good mood ang bugnutin kong boss.

"I'm just asking, ha! Don't give it any meaning. So, who is Renz?"

Wala naman akong iniisip na ganoon, eh. Hihi! Kunwari pa siyang hindi interesado. Parang ganoon naman 'yong dating no'n. May pagka-chismoso rin pala siya.

"Ahmm.. Kababata ko po," sagot ko sa tanong niya, mahina akong humagikgik.

"Okay," tumatangong sambit nito. "Cancel all my meetings for today. May pupuntahan akong importanteng tao."

Obvious naman sa gayak niya. Hindi siya naka-formal attire. Sino naman kaya 'yon? Hmmm..

Tumango ako. "Ito po pala, Sir." Abot ko sa kaniya ng invitation na para sa kaniya lang. Siya lang ang ginawan ko ng invitation dahil siya ang espesyal kong panauhin. "Punta po kayo, birthday ko po bukas."

Agad niya namang tinanggap 'yon. "Sure, I'll be there tomorrow. Advanced Happy Birthday."

Magpapaganda talaga ko ng bongga bukas. "You're welcome, Sir."

Masayang-masaya akong lumabas ng office ni Sir Kersey at napawi rin iyon nang tumunog na naman ang cellphone ko. Actually, kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate nito and I'm sure na si Renz na naman ang tumatawag.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon