NOL 15 (XV)

1K 76 162
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Monday, October 22, 2007)

"Yes Complete Grade 5-A Aguinaldo!" Sabay-sabay naming sigaw ng mga kaseksyon ko. Ganito talaga kami tuwing umaga sa flag ceremony, sa pagche-check ng attendance bawat baitang at kada-seksyon.

Dahil kumpleto rin kami tulad ng ibang seksyon, binigyan ang seksyon namin ng tatlong bagsak na palakpak at padyak ng lahat. At isa rin kami sa pinuring seksyon ng principal dahil minsan lang kaming incomplete.

Pagkatapos ng flag ceremony, pinaiwan ang lahat ng kasali sa Girls Scout at Boys Scout, pupulungin sila ng mga teacher. Kaming dalawa naman ni Renz ay pumasok sa loob ng room namin.

"Hindi kita napuntahan nung weekends, paalis-alis kasi kami ni Mommy, eh," panimulang daldal ni Renz, pagkaupo namin sa aming tamang upuan.

"Hindi mo naman alam ang bahay ni Tito Pablo, eh, saka malayo rito iyon." 

Alas-kuwatro nga ako gumising para maaga pa rin ang pasok ko at makausap ko sa telepono sila Lola, inaantok tuloy ako.

"Alam ko bahay ng Tito Pablo mo. Malapit lang siya sa Mansion ni Grandma. Mamayang uwian, magpunta ka sa likod ng bahay ng Tito Pablo mo. Umakyat ka sa bakod, makikita mo 'yong daan papunta sa Mansion namin pero mag-iingat ka kasi may bantay roon."

"Talaga? Eh, nung nagpunta tayo sa inyo, Mansyon lang ng lola mo nakita ko, isa lang iyon."

"Meron, natatakpan siya ng Mansion ni Grandma. Mas tago iyon kesa sa Mansion ni Grandma, at ibang place na iyon. Kaya kapag nagdaan ka sa tamang daanan, malayo ang biyahe pero kapag gumamit ng shortcut, malapit lang."

"Doon ang labas sa gilid ng napagkamalan nating haunted house?"

"Yeah! And mas safe roon dumaan, may mga bantay na tauhan ni Grandma. Ganoon din sa mga Tito Pablo mo."

"Kaano-ano niyo ba si Tito Pablo? Bakit parang kilalang-kilala mo siya?"

"Kaibigan siya nila Grandma," mahina nitong sagot, sabay nguso sa akin. "May nakilala ka bang mga batang lalaki roon? Nakikipaglaro ka rin ba sa kanila?"

Bigla kong naalala 'yong napag-usapan namin ni Lucio noong Biyernes ng hatinggabi. Kahit labag sa loob kong magsinungaling sa crush ko, nagsinungaling ako para sa ibang tao. Sorry po, Papa Jesus.

"W-wala.. Walang ibang bata roon, ako lang."

"Really? Alam ko kasi mayroon, nandoon 'yong tinatawag nilang 2nd king and 3rd king. But hindi lang sila lumalabas."

"W-wala naman. Kaming dalawa lang ni Tito Pablo ang nakatira sa bahay na may swimming pool sa labas."

"Hindi sa loob ng Mansion?"

"Hindi. Hindi naman kila Tito Pablo iyon, eh. Kapitbahay lang namin iyong sinasabi mong mansion."

"Oh, I see. Hehe. Akala ko pinagpalit mo na ko, eh. Tayo pa rin ang mag-special friend, ha."

"Oo, ikaw lang ang special friend ko." At ang crush ko. Hihi.

"May ibibigay pala ako sa'yo. Nalimutan ko ibigay sa'yo kahapon nung makita kita sa nagtitinda ng Yakult, ang dami kasing tao, eh," anito habang may dinudukot sa loob ng bag niya.

"Ano na naman ba iyan?"

"Tadah!" Pakita nito sa akin ng laruang puting daga. Mukha iyon totoo pero hindi ako natakot, ang cute kasi. "Heto na ang kakambal mo, Bubuwit. Isinosoli ko na sa'yo."

"Ang cute naman niyan. Hihi!" Kinuha ko iyon sa kaniya. "Salamat ulit, Renz."

"You're always welcome."

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now