NOL 10 (X)

1.6K 190 486
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

Ha? Ano raw? Anong booger? Parang ngayon ko lang nadinig ang salitang 'yon, ha. Burger lang ang kasi ang alam ko. Para matapos na ang usapan at baka dumugo na naman ang ilong ko. Tumango na lang ako. Bigla na lang nito tinapon ang hawak niyang sundot kulangot at saka nagduduwal do'n sa may gilid.

Hala! Anong nangyari sa kaniya?

"Bakit 'di mo sinabi na kulangot ang kinakain ko?" maktol nito.

Bigla naman akong natawa. "Baliw! Sundot kulangot lang ang tawag do'n, pero 'di 'yon literal na kulangot. Cocojam po yun." paliwanag ko at saka ako tumawa ng pagak.

Now I know, gets ko na. Booger pala ang English sa kulangot. Haha!

"Hey, stop laughing!" seryosong saway nito sa'kin. 

"Boss!" si Gian sakay ng bisikleta niya. Huminto ito sa tapat namin. "Buti na lang nandiyan ka pa, may itatanong ako sa'yo."

"What is it?" tanong ni Renz. 

Nilahad ni Gian ang palad niya sa harap ni Renz. Nakisilip din ako roon sa malabo at bura-burang nakasulat sa palad niya gamit ang itim na tinta. 

"Ano ang English ng Bra?" basa ni Renz do'n sa nakasulat sa palad ni Gian. 

"Bra? May ibang English pa ba ang Bra? 'Di ba, iyon na talaga ang english do'n. 'Tsaka 'yung tawag," sabat ko.

"Meron daw, pinapahulaan nga sa'kin ni Mama. Kapag nahulaan ko nga ibibili niya ko ng rubix cube at bibigyan pa niya ko ng dagdag na baon sa Lunes. Sige na boss, tulungan muna ko." pagmamaka-awa ni Gian. 

Napaisip naman si Renz. Nakatingin ito sa itaas habang hinihimas-himas ang baba niya, at saka bigla siyang pumitik sa ere. "Aha! Alam ko na!"

"Ano 'yon boss!" excited na sabi ni Gian. Kahit ako rin nasabik. Panibagong kaalaman na naman kasi iyon, tulad ng kanina sa booger, na ang tagalog ay kulangot.

"Sisiw na sisiw lang 'yon Gian! Tandaan mo mabuti, ha. Ikaw rin bubuwit para 'pag may nagtanong sa'yo, alam mo na."

Tumango-tango ako, "Sige na sabihin mo na."

"Breast mask!"

"Wow!" sabay pa kami ni Gian na nagsabi no'n. Ang talino talaga niya. 

"Oo nga, 'no! Bakit 'di ko naisip 'yon! Salamat, boss. Hayaan mo may balato ka sa'kin! Alis na ko."

Masayang-masayang umalis si Gian. Kami na lang ulit ni Renz ang narito sa may waiting shed.

"'Wag mo ipagkakalat na ang English ng Bra ay breast mask, ha. Tayo lang nakakaalam tatlo niyan ni Gian. Ipapahula ko rin sa mga kaklase natin sa Lunes," bilin nito sa'kin. 

Nakangisi akong tumango-tango, "Sige!"

"Tara, laro tayo ro'n sa bukid!" turo niya sa napakalawak na bukid, na matatagpuan sa may likod ng kinaroroonan naming waiting shed.

Nagdalawang isip pa ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Wala pa naman ang sundo niya. Kaya, "Sige, tara!"

Sumunod na lang ako sa kaniya papunta roon. Ang nakakainis nga lang, basa' yung damo, pero 'di naman umulan. Ano kaya 'yun? Dumami tuloy ang mga kaaway kong tipaklong na mahilig tumalon-talon, namamasok pa nang may panty nang may panty. 

"Tara roon!" turo ni Renz sa parteng tuyo ang damuhan.

Tinakbo na namin ang papunta roon. Pagkarating, nilatag nito ang lagi niyang dala na manipis na mantel, 'yong parang ginagamit sa piknik. 

Ang arte talaga ng lalaking 'to, takot madapuan ng dumi.

Bigla ko tuloy naalala ang bago kong alagang aso, na si Fulgoso. Sana nga narito rin siya para mapahabol ko si Renz. At kapag naabutan siya no'n siguradong didilaan ni Fulgoso ang mukha niya. Paniguradong, panay-panay ang pagsasabi niya ng 'Eww' at pagtawag sa Mommy niya. Haha! 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon