NOL 54 (LIV)

1.1K 118 183
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Now Playing: Thinking out loud by Ed Sheeran

Ayokong mapahiya si Renz sa mga nakapalibot sa'ming mag-couple na nagsasayaw at saka roon sa mga nakatingin sa'ming relatives and friends daw niya. Kaya, kahit gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa hiya at sa kaba, sinayaw ko na siya.

Pero aaminin ko, kinikilig ako. Ngayon ko lang kasi naranasan ang maisayaw ng isang Oppa. Feeling ko tuloy nasa isang story book ako at siya 'yong prince charming ko. Tapos darating si Sir Kersey para bawiin ako sa kaniya. Ayiiiee. Hihihi! Ang landi talaga ng utak ko.

"Panget ba ko, Jennica?" Umiling ako. Bulag na lang magsabi nun sa'yo. "Hindi naman pala. So, bakit diyan ka nakatingin sa dibdib ko?"

Tiningala ko siya. "Nagtaka ka pa! Ang tangkad-tangkad mo kaya," reklamo ko. Hindi pa nga sapat itong 3 inch heels na suot ko para maging ka-height niya. Nanlilit pa rin ako sa kaniya. "At saka baka makita tayo ng perslab mo, magselos pa iyon." 

"Hahaha! Ilan bang anesthesia ang tinurok sa'yo at napakamanhid mo?" 

Baliw pala 'to, eh. Bakit naman ako magpapa-inject nun? Kung pampamanhid pala 'yon. Isa pa, 'di naman ako nagpupunta ng hospital, wala naman kasi akong sakit.

"Ang labo mo," sabi ko.

"Mas malabo ka." Tinignan ko siya ng masama. Makuha ka sa tingin, salaksakin ko ngala-ngala mo riyan. Wala kang preno sa pananalita mo, ang awts kaya no'n. "Sa sobrang labo ng mata mo pati pandama mo naapektuhan na rin," seryosong dugtong pa nito.

"Eh, ikaw, sa sobrang tangkad mo, nagmumuka ka ng poste." Mema sabi lang tuloy ako. Tsk!

"Oo nga, eh! Sa sobrang tangkad ko nga, hindi ako makapasok sa puso mo."

"Yumuko ka kase!" Bigla naman ako napa-big eyes, ngayon ko lang kasi na-gets yung sinabi niya. "A-ano yu-yung sinabi mo?"

"Pagkatapos nga natin magsayaw, lilinisan ko 'yang tenga mo. Mukang maraming nakabarang laway ko kanina," tatawa-tawa nitong sabi.

Ibig ko na siyang iwanan sa sobrang inis. Ngunit paano ko 'yon magagawa kung kami na lang palang dalawa ang nagsasayaw rito sa may gitna ng dance floor. Habang yung mga bisita niya, nagbubulong-bulungan at nanunuod sa amin.

Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi nila. Nadinig ko nga ang boses ni Gian, nagpunta pala siya, hindi niya sinabi. De sana sa kaniya na lang ako sumabay sa pagpunta rito. Kasama niya kaya si Patricia at ang iba pang Tropang V-Fresh?

"Go, Jenjen and Renren! Bagay talaga kayo!" sigaw ni Gian.

"Napakaingay ng lalaking 'to," bulong ko.

"Nadinig mo ba iyon? Bagay raw tayo." 

"Tao tayo, bugok."

"Ahaha! Mas lalong hindi ako itlog para tawagin mong bugok."

"Aish. Ewan ko sa'yo."

"Hulaan ko kung ano size ng bewang mo." Pati ba naman bewang ko hindi pinalagpas. "10, 'no! Haha!"

"Excuse me, 23 size ng bewang ko. Manyak. Tsk!"

Humanda ka sa'kin mamaya, pipilipitin ko 'yang kamay mo na nakahawak sa bewang ko. Namumuro na 'yan, eh!

"Wow! Pang beauty queen ng mga malnourished ang size ng bewang mo 'teh."

Pasimple kong kinurot yung magkabila niyang balikat. 'Di nga lang siya nasaktan, is it because of his suit. Pasalamat ka. "How dare you to insult my tiny waist. Hindi mo ba alam na asset ko 'yan!"

NO ORDINARY LOVEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum