NOL 6 (VI)

1.2K 82 119
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Wednesday, July 04, 2007)

"Mga paro-parong bukid!" asar sa amin nila Tagno, nang mapadaan kami nina Nikki at Patricia sa tinatambayan nilang bilihan ng adobong maning may balat o walang balat, maanghang na dilis, kornik, beans na matamis at patani. Na malapit lang sa eskwelahang pinapasukan namin.

Pare-parehas kasi kaming may suot ng butterfly clip na gumagalaw ang pakpak. Binili nilang mag-bestfriend iyon noong pauwi na sila galing Makati. 'Yung akin naman ay bigay ni Renz nung Lunes pero hindi ko sinabi ang tungkol doon.

Kami pa lang tatlo ang mayroon nito sa eskwelahan. Kaya lahat ng nakakakita sa ipit namin ay tinatanong kung saan namin binili. Isa na roon ang pinsan kong si Calla na pinuntahan pa ako sa bahay ni lola para itanong lang iyon. Tapos nakipagkuwentuhan siya sa akin tungkol sa crush niyang si Constantine.

"Namumuro na talaga Tagnong ito!" gigil na sambit ni Patricia.

"Huwag mo na siya patulan, Patricia," saway ko. "Huwag niyo na lang siya pansinin. Bilisan na natin kasi malapit na magsimula klase."

Inirapan ko na lang si Tagno bago kami pumasok sa tindahan ng mga school supplies para bumili ng fastener ni Nikki. Wala kasi sa canteen kaya napilitan na kaming lumabas.

Hindi rin naman niya kasi sa akin sinabi. E'di sana, pinagdala ko na lang siya. E'di, nakalibre pa siya. Kaibigan ko naman na sila ni Patricia, eh. Nahihiya pa siya sa akin.

Pagkapasok namin sa loob, naabutan namin si Vivo na nakikipagkuwentuhan sa tindera habang namimili sa mga lapis na mataba at mahaba pa sa braso namin. Mabuti kung makapagsulat siya sa laki ng lapis na iyon.

"Haha! Alam ba nila Mayor 'yan, ha! Kaya pala lagi kang nakatambay rito sa  tindahan ko. May inaabangan ka pa lang crush mo. Isa ba sa kanila iyon?" Turo sa amin ng tindera.

Tumingin naman sa gawi namin si Vivo. Nandumilat ito nang makita kami at binalik na ulit ang tingin sa pinipili niyang lapis habang bumubulong sa tindera.

"Haha! Oo, hindi na ko mag-iingay. Haha! Anong sa inyo mga ganda?"

Hinayaan ko na lang sila Patricia ang lumapit sa tindera. Nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko't nagtingin-tingin ng mga nakasabit sa itaas na mga sticker. Mayroon nga roong Hello Kitty.

Mabuti na lang iniwan ko sa pencil case ko pera ko, kundi, magagastos ko na naman. Nag-iipon pa naman ako para pambili ng nakita kong aklat sa Pandayan.

"Hello, Nyeninga! (Hello, Jennica!)" Kaway ni Vivo sa harapan ng mukha ko gamit 'yung malaking lapis. Tinignan ko lang siya. "Mangay nalaga nayo 'yang imin mo. Hehe! (Bagay talaga sa'yo 'yang ipit mo. Hehe!)"

Kumaripas na naman siya ng takbo. Muntik na nga siya mabundol ng padaang tricycle. Kinabahan ako ng sobra roon. Buti na lang nakapreno kaagad 'yong nagmamaneho ng tricycle. Tapos pinagalitan siya pero balewala lang iyon kay Vivo, tuloy pa rin siya sa pagtakbo.

"Tara na, Jennica!" Pinagitnaan na ulit ako ng mag-bestfriend palabas ng tindahan ng school supplies.

Hindi na lang namin pinansin ang muling pang-aasar nila Tagno. Na talagang sinundan pa kami papasok ng eskwelahan habang kinakantahan kami ng paro-parong bukid. Napakabuskarido talaga niya.

Pagkapasok namin sa room, kumalas agad sa pagkakaukyabit sa akin ang mag-bestfriend. Diretso agad sila sa desk ni Nikki para pagtulungan nilang i-fastener 'yong project niya. Ako naman, pumuwesto ng upo sa upuan ko, sa tabi ni Renz na busy sa pagpapatuloy roon sa paligid ng dino-drawing niyang batang babaeng kumakain ng nilagang mais.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now