NOL 68 (LXVIII)

1K 96 101
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Date: Tuesday, January 30, 2018
Time: 02:35 PM
Location: Rose Farm of Hacienda Santillan)

Dear Mareng Diary,
          Sobrang nakakapagod na araw, ang dami naming pinuntahan. Nilibot kami ng magpipinsan sa buong farm ng Hacienda Santillan. Napakadami nilang pananim. Grabe!
          Pero, ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot. Dahil siguro sa--hindi kasama si Renz. Buwisit na sueputh 'yon. Siya nagsabi-sabi sa aking ipapasyal nila kami sa buong farm tapos siya wala. Napaka-pashnea niya talaga. Hmmmpft.
          Ang boring tuloy nang pamamasyal namin, walang hinayupak na nambu-bully. Nasaan na kaya 'yon? Paggising ko kasi kaninang umaga at nung nag-breakfast kami, wala rin siya. Siguro, nabuwisit sa pagtawag ko sa kaniya ng Sueputh. Bwahahah! May pang buwisit na ko sa kaniya. Bwahahaha!
         Pero alam mo ba, Mareng Diary ,kagabi noong nag-star gazing kami, hindi ko alam kung totoo or pinagtri-trip-an niya lang ako. Or baka parte lang 'yon ng panaginip ko. Ang sabi niya, ako daw ang first love niya. Ako raw gusto niya makasama habang buhay. Gusto raw niya ako. Lakas talaga ng tama niya. Haha! Tsk!
        Aish! Whatever! Napakaganda ng view ko rito. Ang roma-romantic. Hihihi! Napakadaming iba't ibang uri ng flowers.

Natigilan ako sa pagsusulat nang may lumanding na drone sa ibabaw ng diary ko. Bastos ang drone na ito, ha. Naku! Kilala ko na ito, eh. Siguradong-sigurado akong si Mr. Left ito.

Kinuha ko ang nakadikit na sticky note sa drone at binasa iyon. 

     "Follow it, Miss Jennica Monique Sanchez. I'll introduce myself to you." -- Mr. Left

Woah! Is it real? Is it real? Nesfruta! A little bit commercial.  Talaga ba? Magpapakilala na si Mr. Left? Mabuti naman kung gano'n.  Humanda siya sa'king buwisit siya. Bubugbugin ko siraulong 'yon. Napakasalbahe niya. 

Nilingon ko ang mga friendships kong apura picture-an sa gitna ng sangkatatutak na pananim na red roses. Busy sila. Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa drone na nakalutang. Iniligpit ko ang diary ko at sinundan iyon papunta sa entrance nitong rose farm. Kung saan nakatayo sa tabi ng sign board si---

"Gian! Anong ginagawa mo riyan. Don't tell me, ikaw si--"

"Hindi, 'no! Loyal ako, alam mo 'yan. Napag-utusan lang ako. Oh.." Abot nito sa'kin ng one piece of white Ecuadorian rose na may nakalambitin na solo picture ko noong elementary ako. Nagtataka kong tinignan si Gian. "Hindi ko rin alam kung saan at  paano niya nakuha 'yan. Isa lang ang alam kong sigurado, gusto ka niya mula pa noong mga bata pa tayo. Hindi iyon nagbago, Jennica. Sa maniwala ka man o sa hindi, na-love at first sight siya sa'yo. Teka, mali! Ano nga ba sabi niya.. Iyon! Na-love at first beat siya sa'yo."

"Love at first beat?"

"Oo. Ganyan din ang tanong ko sa kaniya noon, eh. Alam mo sagot niya sa'kin? Sa pag-ibig daw, hindi mata ang ginagamit. Hindi nga naman tumitibok 'yon. Kundi ito---" Turo niya sa kaliwang dibdib niya. "Ang puso. Woooohh! Ang cheese corn! Sige na. Sundan mo na ang drone. Madami pa kong kasunod. Pinaghandaan niya talaga ito. Goodluck."

Tinapik pa ni Gian ang balikat ko bago umalis.

Sinundan ko ito ng tanaw papasok sa rose farm. 'Tsaka binalik ko ulit ang tingin ko sa hawak kong white ecuadorian rose na may nakalambitin na picture ko. Maayos naman ang itsura ko rito, hindi epic tulad ng madalas na pinapadala niya sa'kin. Nakasuot ako rito ng elementary school uniform. Nakatayo at nakatakip ako ng panyo sa ilong. 

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now