NOL 23 (XXIII)

1K 88 118
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Friday, December 21, 2007)

"Peace be with you," batian ng mga tao sa isa't isa rito sa loob ng Simbahan.

Nagmano naman kami nina Tita Thea at Kuya Macky kila Lola at sa iba pang matatandang malapit sa amin kahit hindi namin sila kilala.

Ika-anim ng Simbang Gabi na ngayon pero ngayon lang ako nakasama kila Lola dahil lagi akong pagod sa kaka-practice para sa nagdaang Field Day. Tuwing simbang madaling araw kasi sila nagsisimba kaya hindi ako nakakasama.

Kaya lang ako nakasama ngayon dahil Christmas party lang naman namin ngayon. Inaantok pa nga ako pero gusto ko magsimba para magpasalamat kay Papa Jesus sa pagka-champion namin kahapon at sa iba pang blessings na ibinigay at ibibigay pa niya sa amin.

Pagkatapos ng misa, bumili kami sa labas ng simbahan ng puto bungbong at bibingka. Pagkatapos ay dumaan pa kami ng palengke para bumili ng mainit na lugaw na may itlog. Ito ang pagsasalu-saluhan namin ngayong umagahan. Tutal ay nasa palengke na rin kami ay namili na rin si Lola ng iuulam namin sa tanghalian.

Pagkauwi sa bahay, kumain na agad kami ng umagahan. Kailangan na kasi namin magmadali ni Tita Thea dahil mayroon pa kaming Christmas party sa eskwelahan. Pagdating sa mga ganitong pangyayari ay hindi nagpapahuli si Tita Thea, hindi siya nale-late. Naunahan pa nga niya akong umalis ng bahay.

"Ang pang-exchange gift mo?" tanong ni Lola matapos niyang tirintasin ang lahat ng buhok ko.

Kinabit din nito ang binigay ni Renz na pink butterfly clip na gumagalaw-galaw ang pakpak sa buhok ko. Kaya ko ito isinuot dahil kakulay ito ng suot kong bestidang kulay pink na may laso sa likod. Gamit ko rin ang bigay sa aking pulang bag na Hello Kitty ni Renz. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nakita niyang gamit ko mga binigay niya sa'kin. Hihi.

Ipinakita ko kay Lola ang bitbit kong pang-exchange gift para sa nabunot kong si Constantine. Tiyak akong magugustuhan niya ang regalo ko sa kaniyang relo na nagkakahalaga ng isang daang piso.

At siyempre mayroon din akong regalo kay Renz na nasa loob ng bag ko. Ibibigay ko na lang ito ng pa-secret sa kaniya baka kasi asarin na naman ako nila Patricia at magtampo na rin sila sa akin dahil wala akong regalo sa kanila kundi pagbati lang.

"Jennica!"

Sigurado akong sina Patricia at Nikki iyon. Nandiyan na ang service kong si Kuya Gilbert.

"'La alis na po ako." Nagmano ako rito bago ko lumabas ng tindahan niya at sumakay sa tricycle ni Kuya Gilbert.

"Aba! Saan ang date niyo ni Renz pagkatapos ng Christmas party?" pabulong na tukso sa akin ni Patricia na may kasamang kiliti sa tagiliran ko.

"Yiiii... magde-date sila," tukso rin sa akin ni Nikki.

Napangiti na lang ako sa pang-aasar nila sa akin.

Pagdating namin sa eskwelahan, sinalubong agad kami ni Constantine sa may gate para bentahan ng tig-pisong sticker na ididikit namin sa parol na ipaparada namin mamaya pagkatapos ng flag ceremony. Dahil siya ang maagang pumasok, siya ang nautusan ni Ma'am Melangot na magbenta no'n sa seksyon namin.

"Ano ba naman iyan. Nabayad ko na kay Kuya Gilbert ang barya ko. Kahit kailan talaga si Ma'am Melangot," inis na sambit ni Patricia habang dumudukot sa bulsa ng suot niyang pantalon.

"Good Morning!" Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Renz. Na kay pogi sa suot niyang simpleng panglakad. Itim na T-shirt, maong na pantalon at sapatos na kulay brown.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now