NOL 47 (XLVII)

1.2K 130 173
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ  POV

Aish! Kay tagal naman ng lalaking 'yon magpaalam sa Lola at Mommy niya. Sobrang beastmode na 'tong bestfriend ko. Almost 1 hour ko ba naman kasi silang pinaghihintay sa may Cafe Qwerty. Tinatawagan at tine-text na rin ako ng mga friendships namin.

*Ako ang ringtone mo. Ako ang ringtone mo*

Speaking of Ate Mandie, tumatawag na naman siya. Lumabas muna ko ng kotse ni Renz bago ko sagutin 'yon.

"Darating ka ba o darating? Kanina pa kami naghihintay rito, mahiya ka naman, oh! May naghahanap sa'yo rito!"

"Naghahanap? Sino?"

"Kakausapin ka raw."

Sino naman kaya iyon? Hindi kaya, mga kapatid ko o sila Nanay?

"Happy New Year. It's me, Vien."

Nandumilat ako. Anak ng putakte! Bakit kasama ulit nila si Lucas? Gusto ko siyang kuwestiyunin kung bakit na naman niya kasama mga friendships ko pero hindi ko puwede gawin iyon dahil siguradong naka-loud speaker ang cellphone ni Ate Mandie. Kailangan ko maging maingat sa kung ano man ang sasabihin ko sa kaniya at magpanggap na hindi ko siya pinsan.

"Ikaw pala, Mr. President! Pasensya na kung super late na ko, ha. Sobra kasing traffic, eh." Cross finger, sorry I lied. Ang tagal naman kasi ni Renz, eh.

"It's okay. Basta safe kang makarating dito."

"Thank you," nag-aalangan kong sabi. 

Hindi talaga ko sanay sa pakikitungo niya sa'min ngayon. Naisip ko nga, baka nangangalap siya ng mga kagagahan kong pinaggagawa at isusumbong niya iyon kay Ama. Kaya sana naman.. hindi mabanggit nila Gian sa kaniya about sa blind date namin ni Renz. Siguradong magagalit si Ama. 

Nakita ko nang lumabas na ng gate sina Renz at ang Kuya niyang tawa nang tawa dahil sa pagmumukha niyang pinag-trip-an ko. 

"S-sige na, malo-lowbat na ko, eh. Bye. Kita-kits na lang later!"

*call ended*

"Why are you laughing? May nakakatawa ba?" inis na tanong ni Renz sa Kuya niya.

"Wala naman, Bro. Haha! Ako magda- drive. Doon kayo sa backseat ni -- what's your name again, Ms. Beautiful?" tanong nito sa'kin.

Bolero. Manang-mana nga talaga sa kaniya 'yong katabi ko. Tsk. "Jennica po," sagot ko naman.

"Ni Jennica. Sulitin mo na ang mga sandaling ito. She's mine. Haha!" anito sabay sakay sa kotse ni Renz. Tulad nga nang sinabi niya, siya ang magda-drive kaya sa driver seat siya pumuwesto. Kami naman ni Renz sumakay na sa backseat.

"Focus on driving," sita ni Renz sa kuya niya. Apura kasi sulyap nito sa kaniya, saka tatawa.

Pati tuloy ako nahahawa pero hindi ko 'yon pinapahalata, pinipigilan ko. Baka kasi mabuko niya 'yong ginawa kong kalokohan sa gwapo niyang face.

"Yes, boss. Haha!" sagot ng kuya niya, sa daan na ulit ito tumingin. "Saan nga ulit tayo?"

"Cafe Qwerty po."

"Wow! Nice. Member ka na ba ro'n? Since when?"

"Yes po, since opening pa lang po noong August 2014."

"Certified Qwertinian's ka pala."

"Opo. Iyon po ang naging sandalan namin ng mga kaibigan ko everytime na gagawa po kami ng projects, research paper, thesis and until now na may works na po kami."

Ang sarap kasi ng milk tea ro'n and cakes. Affordable pa. Malakas pa ang internet sa Com-Section kaya patok na patok talaga siya sa madlang people lalo na sa mga students.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now