NOL 34 (XXXIV)

1.4K 179 383
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

Alas siyete ng umaga, nakagayak na ko. Suot ko ang puting bestidang bulaklaking regalo sa'kin ni Impong Bituin noong birthday ko. Pinartneran ko ito ng usong brown plastic jelly shoes na may glitters at nababaluktot. Konting ngatngat lang ng daga, sira na, kasi nga manipis lang. Kaya nga itong sa'kin pagkatuyo pa lang sa sampayan, pina-plastik at tinatago ko na agad sa kahon ko ng sapatos.

"Oh! Saan ang punta ng dalaginding?" nakangiting tanong ni Aling Marta, abalang-abala ito sa pag-aasikaso sa tinda niyang lugaw, palabok, pancit at spaghetti.

Kakaumpisa pa lang niya magtinda ng pang-umagahan nitong nagdaang Lunes, para may extra siyang pagkakakitaan habang wala pa siyang tanggap na tahi ng bag.

Humakbang agad ako papunta sa kaniya para bumili ng paborito ko. "May pupuntahan lang po kami ni Renz," nakangiting sagot ko kay Aling Marta. "Pabili po ng tatlong tig-otso pesos na spaghetti."

"Sige, wait ka lang diyan. Kukuha lang ako ng plastik sa loob."

"Sige po."

"Good Morning, Babes!" bati ng humintong si Jinggoy sa harapan ko, angkas niya sa bago niyang three-wheels ang natutulog pang si Vivo.

Nakakatawa nga ang itsura niya. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng inuupuan niya. Nakabukaka, nakasandal at nakatingala pa ito habang nakanganga. Mabuti nga hindi nashu-shoot-an ng tae ng ibon bibig niya. Hahaha!

"Ang aga niyo naman gumala," humahagikgik na aniko.

"Magpapahamog kasi kami sa may rampa, Babes! Kaya lang hindi kami nakapunta sa rampa! Nakatoma kasi itong si Pareng bestfriend Vivo kagabi ng samalamig ni Mareng Ka Cristy! Malakas pala talaga makatama ang magic sugar!" Napahagikgik na lang ako. "Sige na, babes! Ihahatid ko na itong si Pareng Bestfriend Vivo! Nag-aalburoto na rin ang extra-small, small, medium, large, extra-large at super extra-large kong mga intestines sa tiyan sa gutom! Baka nakaluto na ng umagahan si Mareng Mela!"

"Small and large intestine lang. Ang dami mo namang bituka!" tumatawang aniko.

"Kaya nga ako na best in Science sa aming mga Grade 4, Babes!" anito habang tumitingin sa magkabilang panig ng kalsada. Nang wala ng sasakyang dumadaan ay pinaandar na niya ang three-wheels niya.

"Nana mahay nama na'yo, Mareng Nyingngoy? (Nasa bahay na ba tayo, Pareng Jinggoy?)" dinig kong ani Vivo nang makatawid na sila ng kanilang kalsada.

"Wala pa, Pareng Bestfriend Vivo! Sige lang, matulog ka pa! Gigisingin na lang kita kapag nakauwi na tayo sa mansion niyo!"

"Tahoooo!" sigaw ng magtatahong si Kuya Jay, ang kinaiinisan ko.

Lagi niya kasi akong inaasar na mukang Grade 1. Samantalang Grade 5 na ko. Pero okay lang, lagi naman akong may libreng taho. Parang pa-feeding program na raw niya sa'kin 'yon.

At saka ngayon ko lang ulit siya natsambahan na dumaan dito kila Lola. Ngayon lang siya maagang dumaan dito sa gawi namin. Kaya tuwing walang pasok lang ako nakakabili ng taho at kung kailan ko siya matsambahan.

"Ito na ang spaghetti mo, Jennica, dinagdagan ko 'yan." Para raw tumaba ako.

"Salamat po, Aling Marta! Mamaya po pag-uwi ko, pupunta po ako sa inyo," aniko, sabay abot ko rito ng beinte kuwatro pesos kong bayad at humakbang na ulit pabalik sa bahay.

"Tahooo! Oh, saang lamay ka pupunta?" pang-inis na tanong ni Kuya Jay habang sumasalok sa tig-dos niyang cup na taho. Sigurado akong sa akin niya 'yon ibibigay. Dahil wala naman sa kaniyang bumibili, ako lang ang narito.

NO ORDINARY LOVEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن