NOL 50 (L)

1.1K 128 196
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

(Thursday, January 18, 2018)

*Palermo Corporation*

"Anong meron? Bakit wala pang katao-tao? Eh, tanghali na kaya," aniko sa aking sarili, nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong office ni Sir Kersey habang lumilinga-linga sa paligid.

Nagmistulang abandonadong building tuloy itong Palermo Corporation. Nakakapanibago. Mga ganitong oras kasi dapat marami nang naglilisawang mga iba't ibang nilalang na nagmamadali patungo sa mga working station nila.

Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang mayroon akong natanaw sa 'di kalayuan na lumabas ng elevator na lalaking naka-formal attire, may hawak siyang isang bungkos ng pulang rosas. At papunta siya sa office of the secretary, sa office namin ni Mr. Delmon.

Bago nito buksan ang pintuan ng office namin ni Mr. Delmon, tumingin ito sa gawi ko at agad naman akong yumuko. Nagkunwari akong abala sa pagce-cellphone pero baliktad naman 'yong cellphone ko. Kaloka.

Sakto ngang pagka-open ko ng cellphone ko. Nag-flash ang message ni Sir Kersey. Hindi ko dapat ito babasahin dahil naiinis ako sa kaniya sa ginawa niyang pag-indian sa akin kahapon. Paasa siya. Umasa naman ako. Tsk! Dahil sa ginawa niya iyon na-turn off ako sa kaniya.  

Nakasimangot kong in-open ang message nito at binasa ng pabaliktad kasi nga nakabaliktad ang cellphone ko. "The CEO wants to see you."

Nandumilat ako. Ibig sabihin, siya 'yong— Tumingin ako sa lalaking naka-formal attire na kapapasok lang ng office namin ni Mr. Delmon. Iniwan nitong nakabukas ang pinto.

Nagpakawala muna ako ng napakalalim na buntong-hininga, saka ako kabadong humakbang papasok ng office namin ni Mr. Delmon. Naabutan ko itong nakatalikod habang nakapamulsa sa pantalon niya at nakatingin sa labas nitong building. At nakita ko rin sa ibabaw ng table ko 'yong bulaklak niyang dala.

"T-tao po.." sabay katok ko ng dalawang beses sa pinto. Aish! Bakit ba ganoon ang sinabi ko, lakas maka-buyer ng yelo. "G-good morning po, Sir!"

"Good Morning too," agad nitong response sa akin. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin, nakatalikod pa rin siya.

Humakbang ako palapit sa kaniya. Tanging table ko lang ang pumapagitan sa aming dalawa.

"Kumusta ka? Kumusta ang pagtatrabaho mo rito? Ikaw ba'y pinapahirapan ng 1st King?"

Bahagya naman akong natuwa sa kaniya. Ang ini-expect ko pa naman sa kaniya, Englisher at bugnutin din tulad ni Sir Kersey. Mukang mabait siyang CEO. Mali ang mga hinuha nilang masungit, mainitin ulo at maikli ang pasensya nito.

"Okay lang naman po. Mabait po siyang boss."

"Mabuti naman kung ganoon. Ipapalipat ko na ang iyong mga gamit sa Office of the CEO."

"P-po? B-bakit po?"

"Ipapa-renovate ko itong office mo. Ipapatanggal ko ang pader na nakaharang sa ating mga opisina. Tama na ang pagtingin sa malayo. Panahon na upang tayo'y magkadaupang-palad. Sa susunod na buwan, ako na ang iyong makakasama sa araw-araw. Ako na ang personal na magbabantay sa aking first queen."

Lumingon ito sa akin. Sinalubong ko ang tingin ng mga mata nitong magkaiba ang kulay.

"Oh!" nandudumilat na aniko habang nakaturo sa kaniya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko na matandaan kung ano ang pangalan niya. 

Nakangiti itong humakbang palapit sa akin. Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya habang inaalala kong mabuti ang pangalan niyang nasa dulo ng dila ko. Alam ko nagsisimula iyon sa...

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now