NOL 41 (XLI)

1.3K 149 410
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

*Cafe Qwerty*

"Good evening guys!" exxage na bati sa'min ng kararating palang na si Patricia.

Hindi ko siya binati. Super busy ko sa pagha-halungkat ng gallery sa cellphone ng boyfriend niyang pahamak na si Gian. May kutob kasi ako na siya iyong pashneang palihim na nambu-bully sa'kin. Pero, puro mukha nila ni Patricia ang nakikita ko't mga groupie selfie namin. At ang mga--- Inagaw sa'kin ni Gian ang cellphone niya. 'Di ko natuloy nakita ang mga pagmumukha ng mga mapuputing boylet na kasama niya sa picture. Feeling ko pa naman mga Oppa.

"Ano ba kasi hinahanap mo sa cellphone ko?"

Inilabas ko ang nakakakilabot na picture at ipinakita ko 'yon sa kaniya na tinignan din naman ng iba pa naming friendships.

"Ikaw ang may gawa niyan, 'no!" bintang ko.

Nagtawanan sila. Pinagtinginan tuloy kami ng mga nilalang dito.

"Wahahaha! Ang itim mo pala dati Jennica! Wahaha!" si Norby.

"Ikaw ba talaga 'to? Haha. Itsura mo, Neng!" dagdag pa ni Janina habang tinitignan ng mabuti ang picture ko.

"Wahahaha! Ano ba nakain mo rito at ganito itsura mo?" komento pa ni Ate Mandie.

"Calamansi!" duet na sagot nina Gian, Patricia at Nikki, tumawa ulit sila nang tumawa. Sila kasi ang mga ka-jamming kong kumain no'n, noong high school days namin.

Tag-sipon kasi kami that time, kaya pinapak na lang namin ang naha-harvest na calamansi ni Nikki sa may mini farm ng lolo niya. Natyempuhan lang ng pashneang kumuha ng litrato na 'yon na mag-isa akong lamukot ang mukha.

Tsk. Malaman ko lang kung sino siya. Gagawin ko rin siyang calamansi. Babalatan ko siya. Tatanggalan ko ng tira-tirang balahibo at hahati-hatiin ko siya hanggat katas na lang niya ang matira. Grr.

"Akin na nga 'yan!" Hablot ko kay Janina ng picture at sinoli iyon sa loob ng bag ko.

Nakakainis nga tawa pa rin sila nang tawa. Tsk. Dapat pala hindi ko na lang ipinakita, eh.

"Excuse po, Ma'am," pasintabi ng lalaking staff ng Cafe Qwerty. May inilapag itong milk tea sa harap ko. "May nagpapabigay po sa inyo."

"Ha? Sino?" duet pa naming tanong ng mga friendships ko.

Sinundan ko ng tingin 'yong tinignan ng lalaking staff. Matangkad, matikas na morenong lalaki na naka-nerdy glasses, white shirt, faded ripped jeans, white sneakers at iyong nakasabit sa leeg nitong DSLR Camera

Aha! So, ikaw pala ang hinayupak na si Mr. Left. Kaya pala may pabigay-bigay ka pang nalalaman na milk tea. Ano 'yon pampalubag loob?!

"Guys, wait lang. May ililigpit lang ako."

Dali-dali kong sinundan ang stranger boy na huminto sa tapat ng isang black Lamborghini Veneno. Nang maabutan ko ito, ipinihit ko siya paharap sa'kin at hinila ko iyong nakasabit na DSLR Camera sa leeg niya dahilan para maka-face to face ko siya.

Nandumilat ako nang makilala ko ito. Si Lucas, ang napaka perfectionist, naknakan sa neatness, strict, smart, sarcastic at super sa kasungitan kong pinsan. Na mas kilala nila sa tawag na Vien, na kaklase naming madalas mahalal bilang school president noong High school.

Bumitaw agad ako sa DSLR Camera nito, dumistansya ako ng kaunti rito. "S-sorry, akala ko kasi---" Inayos-ayos ko ang nagusot nitong T-shirt. Ayaw pa naman niya ng nagugulo ang mga gamit niya lalo na ang suot niya. Kaya nga ilag na ilag ako sa kaniya dahil ayokong masabihan ng dugyot or something na masakit sa damdamin kahit na pinsan ko pa siya. "I'm sorry, Mr. President," hingi ko ulit ng paumanhin.

NO ORDINARY LOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz